PART 33

565 16 0
                                    




..........







.'Jennie! Kanina pa ko kumakatok ah?! Di mo ba ako naririnig?.

.. "Sorry Chu-- di ko kaso narinig eh.. Nasa banyo kasi ako ng tumtawag ka at--

Agad na pumasok si Jisoo sa loob ng kwarto ni Jennie.. Agaran nya din nilinga ang mga mata nya.. Umagaw agad ng atensyon nya ang magulong higaan nito.." Hindi naman gawi ni Jennie na matulog na magulo ang kama?? (wika ni Jisoo sa isip nya)

Habang nakatayo si Jisoo ay di naman mapalagay si Jennie.. Kinakabahan sya at halos magalala din kay Chaeyoung..

---
Wayback Earlier....

.. 'Anong gagawin natin Nini?.. (alalang sambit ni Chaeyoung kay Jennie..

Napaisip na lang muli si Jennie.. Kahit sya ay nabablangko din ng mga sandaling iyon. Wala sa isip nya na biglaang pupunta si Jisoo sa Unit nya.. At isa rin sa inalala nya ang pagkalimot nya sa nakaline up nyang photoshoot.. Ayss..

.. 'Nini...

.. "Baby.. Alam ko na.. Hmm.. Can you go inside the Restroom.. Magtago ka muna doon then kakatok na lang ako kapag wala na si Chu..--

..' Huh? ---

.." Please?. Hanggang umalis lang si Chu.. I'll promise.. I will knock the door if okay na ang lahat..

Agad na sinunod ni Chaeyoung ang sinuggest ng nobya. Dali dali nyang kinuha lahat ng gamit nya at agad na pumasok ng banyo. Inilock nya ito mula sa loob.. Sinabihan sya ni Jennie na kahit anong mangyare ay wag bubuksan ang pinto ng banyo hanggang hindi nya sinasabi..

At pinagbuksan na ni Jennie si Jisoo ng pinto...


End of Flasback...

--------

. 'Oh ano pa bang tinatayo tayo mo dyan Jen? Gumayak kana.. Malalate na tayo sa shoot. Kanina pa ko binubulabog ni Ms. Somi...

Tumango na lamang si Jennie sa sinabi ng kaibigan. Agad syang naghanap ng kanyang maisusuot sa kanyang Closet at dali dali ng nagbihis without minding na nasa kwarto nya pa rin si Jisoo.

. 'Jen? Are you serious? Magbibihis ka? In front of my virgin eyes?

Naalarma si Jennie.. Agad nyang napagtanto na sensitive nga pala si Jisoo sa ganoon bagay. Muli nyang inaayos ang damit at humarap kay Jisoo ..

.' Bakit hindi ka sa loob ng banyo magpalit ng damit ha Jennie Kim?. (taas kilay na sabi ni Jisoo)

Kinabahan si Jennie.. Naalala nya si Chaeyoung.Inutusan nya itong magtago  sa loob ng banyo kaya di nya magawang pumasok sa loob. Nagsabi kasi sya dito na kakatok sya kapag ok na..

. 'Oh ano na Jennie?.. Get up! Malalate na tayo eh?

.. "Ano kasi Chu?.. --- pwede bang sa sala mo na lamang g ako hintayin?? (aligagang wika ni Jennie)

.'Huh? At bakit naman? Dati dati naman eh dito kita hinihintay sa room mo?. Dali na! Pumasok kana sa banyo at magbihis.. 15 mins na lamang Jen..!

Di matinag si Jennie sa kinatatayuan.. Ayaw nyang mabisto sila ni Jisoo. Ayaw nya rin malaman ni Jisoo na kasama nya si Chaeyoung sa kwarto at nagtatago ito sa loob ng Restroom.. Na kasama nya ito magdamag.. Hindi nya pa alam kung paano ito sasabhin lalot kilala nya rin si Jisoo.. Alam nyang sumusunod lang din ito sa mga utos ng kanyang Handler.

THE PROMISE OF FOREVER Where stories live. Discover now