PART 21

754 22 3
                                    

......

......

. 'MABUTI NAMAN AT NARITO KANA?.!.(bungad na sabi ni Jisoo kay Jennie pagkadating na pagkadating nito sa kanyang Hotel Suites. Kasunod nya ang kanyang Bodyguard na dala ang kanyang mga gamit. Agad na umupo si Jennie sa Couch sa Recieving Area. Masaya si Jennie na dumating at di nya maiwasan ang hindi mapangiti..

. 'Mabuti at hindi kayo natrapik pabalik dito? (muling tanong ni Jisoo sa kanya, Samantalang sya ay napapangiti pa rin sa kawalan. Sobrang saya nya na ok na sila ulit ni Chaeyoung. At isa pa sa nagpapasaya sa kanya ay ang isipin nya na, mukang di magtatagal ay mapapapayag nya rin ito sa gusto nya.. Mapapapayag nya rin ito na maging Girlfriend nya..

Habang masayang iniisip ni Jennie ang bagay na yon ay agad naman syang napansin ni Jisoo sa Tila ba masayang awra nya ng mga oras na yon.

. 'So? Ngingiti ka na lamang ba dyan? JENNIE KIM?

.. "Ha?. May sinasabi ka ba Chu?? ---

.'Ay wala?.. Yung totoo? Lutang ka?. Kanina pa ko nagsasalita dito eh.. Tapos tatanungin mo ako kung may sinasabi ako?? Juskopo Jennie!.

Imbes na mainis sya sa mga Rants ni Jisoo sa kanya, at nakangiti lamang si Jennie. Ayaw nyang masira ang maganda nyang mood at araw dahil sa pagbubunganga nito sa kanya..

. 'Oo nga pala, muntik ko ng makalimutan, kagabi ay sinabi ni Ms. Somi na this coming Wednesday ay may aatenand kang Annular Gala. At hindi ka pwedeng tumanggi.

.. "Yun ba? Ok.. Sure.. I'll go.. (masayang sabi ni Jennie)

Napaisip si Jisoo kung bakit hindi yata nagrants si Jennie about sa naka lineup nyang projects. Usually kasi ay kapag mga Gala or Prestigious Events ay pinipili lamang ni Jennie ang gusto nyang attendan, mapili sya pagdating sa mga ganoon, at sobrang tagal bago mapapayag. Kaya laking pag tataka nya kung bakit nang bilis nitong sumangayon.. Parang hindi ito si Jennie Kim na kilala nya..

Lumapit si Jisoo at sinalat ang noo nya.. Nagtaka naman si Jennie sa ginawa ni Jisoo.

.. "Chu? Ano bang gingawa mo??..(pagtataka ni Jennie)

. 'Chinecheck ko lang kung may lagnat ka ba?.. .

.." Chu!!!

..'Hahaha!! Nakakapagtaka lang kasi at hindi ka yata nagreklamo ngayon ah?. Hahha! .. Kaw ba talaga yan Jennie Kim???

Natawa si Jennie sa reaction ni Jisoo..

.. "Chu! Ako to! Ano kaba?..

..' Nakakapagtaka lang kasi tlaga Haha..! Anyways!. Mamaya ay pupunta tayo kila Ms. Somi, sabay sabay na raw tayo pumunta sa KNet Productions para sa contract signing mo for their Brands..

Tumango si Jennie at sabay ngiti kay Jisoo..





***********



.' Chaengie!.Tara na dito! Sabay sabay na tayo maglunch! (tawag ni Lisa kay Chaeyoung habang nasa receiving area pa rin ito ng Stall nila. Nauna sila ni Hyeri na pumunta sa Mesa upang iayos ang kanilang kakainin. Nagbabaon lang sila ng  kanilang tanghalian dahil kadalasan ay wala na silang time para bumili ng pagkain, lalo kapag nagkataon na marami silang inaayos na mga orders at delivery . Madalas naman na ilibre o dalhan sila ni Mark ng pagkain, kapag pupunta ito o papasyal  ng Shop pero mas prepared tlaga nilang magkaibigan ang magbaon at sabay sabay na kumain.


..'Wait lang Lisa! Tapusin ko lang to.

Ilang saglit pa ay sumunod na nga si Chaeyoung at tumabi sa dalawa.

THE PROMISE OF FOREVER Where stories live. Discover now