°•♥•°
"Hey Francess, nakikinig kaba?" puna naman ni Erika.
Isinara ko yung diary ko at hinarap ko sila.
"Of course, why not?" Ako
"Why not? Kasi po busy ka sa pagsusulat?" Vera
"At kailan pa nag diary si Francess, aber?" Tanong ni Erika
Nandito kasi kami ngayon sa bahay nila Vera.
At ang dalawang loka ay busy sa pag ni-nail art.
Kaming tatlo ay tinatawag na 'Seasons'
Ako si Francessca a.k.a 'Summer', mainitin daw kasi ang ulo ko lalo na kapag meron ako.
Si Erika a.k.a 'Winter', meron kasi siyang cold eyes. Since birth ganyan na ang mata niya. Aakalain mong siya yung taong walang emosyon pero pagnakilala mo siya, siya yung taong super hyper.
At last si Vera a.k.a 'Autumn', siya daw kasi ang pinaka maganda saamin XD. Siya ang sandigan at takbuhan ng isa saamin hindi siya ang pinaka matanda pero pag nag isip hugot.
"For sure dahil yan dun sa guy." Tamang hinala nanaman tong si Vera.
"Uh-Huh! Kilala ko si Francess. Tamad yun magsulat." gatong ni Erika.
"Pero if ever na gusto mo talaga yung guy never kang gagawa ng firstmove huh?" Vera
"And why not?" Tanong ni Erika habang naglalagay ng nail polish
"Baka ma turn off mo yung guy!" Vera
"Well sa panahon ngayon it's not important kung sino ang gumawa ng move but Vera is right. Baka ma turn off mo nga yung guy." Erika
"Super curious talaga ako sa guy na yan! Akalain mong mababago niya ang malaking part sa pag uugali ni Francess na kahit tayong dalawa ay never nating nabago." Vera
"Pero Francess sana in a right time ipakilala mo na siya saamin." Erika
Nginitian ko lang silang dalawa.
Gusto talaga nila malaman kung sino siya.
Pero may right time ang lahat ng bagay. At sa tingin ko, hindi pa yun ngayon.
°•♥•°