9

20 4 0
                                    

°•♥•°

Nakatitig ako sa lalaking nalatalikod na bumibili ng popcorn.

"Francess!" Nilingon ko si Vera

"Why?"

"You like him!" nagulat ako sa sinabi ni Vera pero nginitian ko parin siya.

"Hindi noh."

"Denial." sagot niya sakin.

"Francess oh! " abot ni Rein saakin ng popcorn

"Vera." Kinuha naman ni Vera yung popcorn

Nakangiti parin ako hanggang sa alis siya.

"Hindi ka naman artista para mag deny. Aminin mo na." Vera

"Ano ba Vera? Hindi ko gusto si Rein."

"Alam nating dalawa na gusto mo siya, kaya habang maaga pa aminin mo na." Vera

"Francess, Vera! Magsisimula na yung palabas. Bilisan niyo." Tawag saamin ni Erika

Hindi pa ako nakakasagot iniwan na ako ni Vera at tuluyan ng pumasok sa loob ng sinehan.

Napaisip naman ako sa sinabi ni Vera. Sa buong oras na nasa sinehan kami walang ibang pumapasok sa isip ko kundi yun lang.

At kung paano ko sasabihin kay Rein yung nararamdaman ko.

Pagkatapos namin manuod ng sine, next stop namin ay National Bookstore.

Habang naglalakad kami biglang nagyaya si Vera na mag si-cr daw siya.

Sinamahan siya ni Erika kaya naman dalawa nalang kami ni Rein ngayon.

Nakasandal siya sa pader habang nakapamulsa.

"Francess." Tawag niya saakin.

"Hmm? " sagot ko habang hinahanap yung cp ko sa bag.

"Pwede ba humingi ng advice?" Tanong niya habang nakatingin parin sa malayo.

"Para saan? " isinara ko na ying bag ko

"May gusto kasi akong babae, pero hindi ko masabi yung nararamdaman ko."

"M-m-ay gusto k-ka? "

"Oo, yung babaeng yun kasi napaka jolly, minsan masungit pero maganda parin. Marami pa siyang traits na nagustuhan ko. Pero good or bad gusto ko parin siya."

Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko yung 'masungit' may chance naman ako diba? Jolly din naman ako.

"So? What about that? "

"Gusto ko siyang yayain para sa Feb 14 at the same time maging date sa prom."

"Mas magandang simulan mo sa pag amin mo ng narardaman mo sa kanya."

Tumango siya.

"Hindi ka naman torpe diba? Pag umamin ka sa kanya at hindi ka niya tinaboy or tinanggihan means may chance ka."

"Yayain mo siya sa date, karamihan sa girls naapreciate ang candlelight dinner. Sa gifts naman bigyan mo siya ng Life size teddybear at kahit anong accessory gawin mong romantic ang atmosphere para mas maapreciate niya yung moment."

Ngumiti siya at tinapik yung balikat ko.

"Salamat Francess!"

•°♥°•

Love ForecastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon