°•♥•°
"Hey Erika, matagal pa bang dumating yung new found friend mo?" Irita kong reklamo kay Erika.
Eh? Pano ba naman almost half hour na kaming naghihintay sa new found friend niya .
"Ewan ko sayo Francess. PMS ka nanaman ba?" Sagot niya saakin sabay tingin sa relo niya.
"Just wait okay?"
"BOOOM! Game over!" kunot noo kaming tumingin kay Vera na kanina pa hawak yung cellphone niya.
Nakuha niya pang laruin yung mga pesteng ibon na yun habang inip na inip na kami ni Erika dito
"Easy girls. Mahirap ng mag sama ang Summer at Winter." Vera
Sasagot pa sana si Erika kaso...
"ERIKA!"
Biglang bumilis yung tibok ng puso ko.
Hindi ako pwedeng magkamali. Kilala ko ang boses na yun.
"Sorry na late ako. Nainip ba kayo? Pasensya na ha? Eto may dala akong meryenda."
Napaangat ang ulo ko sa lalaking nakasuot ng basketball varsity ng Avan's Academy. Mukahang kagagaling niya lang sa isang laban at pawis na pawis siya.
"Okay lang yun Rein. Mukhang pagod ka ah! Eto panyo."
Napatingin ako sa kanilang dalawa, Lalo na kay Erika na nag alok ng panyo kay Rein.
Ano ka ba naman Francess? Wag ka ngang paranoid. Best friend mo si Erika. Walang dahilan para mag selos ka.
"Ah nga pala, seasons meet my new friend si Rein Talaver. I know kilala mo na siya Vera siya yu--"
"Classmate natin siya at seatmate ko pa. He's our class president at the same time top one ng room. How come hindi ko siya makikilala?" Vera
"Good!" Erika
-__^ ??
Tama ba ako ng nakita?
Nakita ko kasing inirapan ni Vera si Erika.
"Rein she's Veronica Trixie Serrano. A.k.a Autumn in our group."
"Its nice to meet you Miss Veronica." Inabot ni Rein yung kamay niya para makipag shake hands kay Vera. Pero tinignan lang yun ni Vera.
Maya maya lang tumingin siya sa mata ni Rein.
"We already knew each other. So bakit kailangan pa natin magkakilala in a formal way Mr. Talaver?" Ibinaba naman ni Rein yung kamay niya.
"Just call me Rein. Yun ang nickname ko!" Rein
"K Fine!" Vera
"So Rein, eto si Francesca Abigail Suarez ang summer ng grupo. Francess meet Rein my new friend."
"H-hi" bati ko sakanya
"Hello Francesca! " at inabot niya yung kamay niya.
The moment na nagdampi yung kamay namin ni parang may kuryenteng dumaloy mula sa kamay niya papunta saakin.
"Naalala mo pa ba ako? " Curious na tanong ko sakanya.
Malay mo naalala niya pala ako.
Para namang nagkaroon ng question mark sa kanya kaya binawi ko agad yung sinabi ko.
"Ah, hehe! Nevermind."
He just smile at me and shrug his shoulders.
*Sigh*
°•♥•°