°•♥•°
Kinabukasan matapos yung last subject ko nagpaalam ako kay Vera at Erika na hindi ako sasabay sa kanila sa uwian.
Dumiretso ako sa gym para kausapin si Rein.
"REIINNNNN!" Sigaw ko
Shi-noot niya yung bola saka tumingin saakin.
Kaya naman hundi maiwasang lumakas nanaman yung tibok ng puso ko.
Nakakatakot nga baka marinig ni Rein.
"Francess anong ginagawa mo dito? " sabi niya habang tumatakbo papalapit saakin.
Umupo kami sa bench.
"May itatanong sana ako sayo."
"Go ahead. Spill it."
"Kamusta yung girl? Nayaya mo na ba siya sa date para sa 14?"
"Tungkol nga pala dun. Salamat Francess ha? "
"What do you mean? "
"Thanks sa advice. Nagamit ko lahat yun."
"T-t-talaga?"
"Oo, gusto niya rin pala ako. Hinihintay niya lanf ako na magtapat. Mabuti nalang nandiyan ka para i-mitivate ako. Salam--"
"Sige alis na ako." Kinuha ko yung shoulder bag ko at aalis na sana kaso hinawakan niya yung wrist ko.
"Anong problema?!"
"Wala, may nakalimutan kaai ako sa locker." Biglang nag crack yung voice ko.
I hate this feeling.
Konti nalang bubuhos na yung luha ko.
Ayoko namang mangyari yun sa harap niya.
"Please, nagmamadali talaga ako." Binitawan niya ako.
Saka naman ako nagmamadaling tumakbo palayo .
Nang malayo na ang natakbo ko.
Iniyak ko na lahat. Lahat ng sakit na nararamdaman ko inilabas ko lahat yun sa iyak.
"Sabi ko naman sayo noon pa aminin mo na sakanya" Tumingala ako at nakita lo si Vera.
Tumayo ako at niyakap siya.
"Bakit ganun Vera? Minsan na nga lang ako tamaan ng ng pagkagusto saka naman nagkataon na hindi ako gusto ng lalaking yun."
"Ganun talaga Francess, may mga taong hindi talaga nakalaan para saatin. Darating lang sila para turuan tayo ng aral."
"Akala ko kasi ako yung tinutukoy niya."
"You expected much. Alam kong kakayanin mong kalimutan siya. He dont deserve you Francess. You deserve much better."
°•♥•°
