°•♥•°
Alam kong naninibago si Rein sa mga kinikilos ko.
Iniiwasan ko kasi siya.
Hindi ko naman magagawang kalimutan siya kung makikipag close parin ako sa kanya at umakto na walang nanyari.
Tapos na ang February 14 pero hindi ko ramdam yung presence nito.
Maraming nag bigay ng chocolates saakin at rose. May nag iwan din ng sulat sa locker ko pero wala yun saakin.
Iisang sulat, chocolate at rose lang naman ang kailangan ko. Pero wala akong narecieved galing sa kanya.
Tulala akong nakatingin sa sa salamin habang inaayusan ako ng hairstylist ko.
Magkatabi kami ni Erika na inaayusan, si Vera kasi kanina pa tapos mag ayos.
Ngayon na kasi ang Js Prom namin. At solo flight kami ni Vera.
Samantalang si Erika may promdate nga di naman ipinakilala saamin.
Mamaya nalang daw.
Napansin ko naman [via] peripheral vision ko na kanina pa nakangiti tong si Erika.
"Hey! " bati ko
Ngumiti siyang humarap saakin.
"Why? "
"Bakit kanina ka pa nakangiti? "
"Valentines kahapon right? "
Tumango ako.
"Kahapon kasi nag date kami ni Rein."
Napantig yung tenga ko.
si REIN?
"Si Rein? "
"Ay oo nga pala, inamin na ni Rein na gusto niya ako. Niyaya niya ako sa isang date. Akala ko mag e-end up na yun ng sumakay na kami sa kotse niya. Yun pala dinala niya ako sa isang place na super romantic. Naghihintay doon ang candlelight dinner."
"Candlelight Dinner?" Hindi makapaniwala kong tanong
"Oo, isa pa." Huminto siya at dinukot ang kwintas na nakatago sa loob ng Robe niya.
"Binigay niya to kasama ng lifesize Teddy Bear. Ang romantic diba? "
Isang kwintas at lifesize teddy bear.
Biglang nag init ang ulo ko at sumama ang tingin ko sa kwintas na yun.
"P-patingin." I try to control my temper
Hinawakan ko yung kwintas.
Meron itong infinity sign at elegante ang dating. Sa bandang ilalim may naka lettering dun na 'Erein'
Humigpit ang hawak ko sa kwintas.
'Erein'
Pinaghalong pangalan ni Erika at Rein.
"Francess, bitawan mo na yung kwintas nasasakal ako." Erika
Hindi ko sinunod yung sinabi niya. Instead mas hinigpitan ko pa yung pagkakahawak ko dito.
"This should be mine!" Sigaw ko sa kanya
"Ma'am" Sabi nung hairstylist ko.
"Pwede ba? Iwan niyo muna kami." Sigaw ko
At nang makaalis na sila inulit ko yung sinabi ko.
"Saakin dapat 'to."
"Ano ba ang pinagsasabi mo Francess?"
"Ako ang gusto ni Rein. Ako. Ako. Ako."
"Ano? " gulat na tanong niya sa sinabi ko
"Siya yung lalaking sinasabi ko. Siya si Mr. Right."
"I-I-im sorry"
"Yung Candlelight na yun, yung lifesize teddy bear at yung kwintas na yan. Dapat saakin yan. Para saakin yun lahat."
"Francess stop. Ano ba? " pinipilit kong kunin yung kwintas
"Ang stubborn mo. Kumalma ka nga. Ano ba? "
"Kalma ? The hell Erika! " naputol ko na yung kwintas sa leeg niya.
At ang kalmadong Erika kanina nag turn into monster na.
"Look.What.Have.You.Done." ang sama mg tingin niya saakin
"Ilang beses kaba namin kinulit tungkol sa guy na gusto mo? Ilang beses ka ba namin tinanong kung sino siya? Pero tumatanggi ka."
Tumulo yung luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
"Kung mas maaga ko sanang nalaman na iisa lang pala ang lalaking tinutukoy natin. Edi sana naagapan ko pa ang pagkagusto ko kay Rein."
Napaupo ulit ako sa swivel chair.
"Pero huli na ang lahat. Mahal ko na si Rein. Mahal na mahal ,hindi ko siya kayang ipaubaya sayo. Dahil si Rein ang buhay ko." Tinakpan ko yung tenga ko.
Hindi ko iniintindi yung mga sinasabi niya.
"Ang sama mo."
"Ang sama sama niyo! " tumayo ako at tinulak siya. Napasalampak naman siya sa sahig. Kasabay nun ang pagbukas ng pinto.
"Erikkaaa! " Vera
"Vera" Erika
Tumayo si Erika. Lumapit saakin si Vera at hinila ako palabas.
"Ano ba ang nasaisip mo Francess? Bakit mo ginawa yun? "
"*sniff* I hate her. I hate them. I hate the both of them." Hinawakan ako ni Vera sa dalawang balikat
"Open your eyes Francess. Tumigil ka na sa kahibangan mo. Wala silang kasalanan."
"I hate them!"
"Sinabi ko naman sayo dati pa na sabihin mo na sakanya ng maaga yang nararamdaman mo."
"Its her fault."
"Ano ba Francess? Wala nga sabing may kasalanan."
"Anong wal-- *slaaaaap*"
Napahawak ako sa pisngi ko.
"I told you. I told you many times na kung gusto mo si Rein aminin mo na. Pero hindi ka nakinig. At ngayon, ipinapasa mo pa sa iba ang naging kasalanan mo. And much worst? Kasi sa sarili mo pang kaibigan."
Tinalikuran ako ni Vera at pumasok na sa dressing room.
Habang ako eto. Umiiyak.
°•♥•°