°•♥•°
"Whaaaa! Francess we miss you!" Salubong ng dalawa kong bestfriend, palibhasa kasi magkaklase sila.
"May free taste ngayon sa canteen, halika bilisan niyo!"
Hinawakan ni Erika yung kamay ko pati narin ang kamay ni Vera sabay hila saaming dalawa.
"W-wait lang Erika!"
*booooooooooogsh*
Yan na nga ba yung sinasabi ko eh!
Anshakit >.<
Bumangga ako.
"Sorry!" Sabay naming sabi ng nakabangga ko.
Teka! Nasa heaven naba ako? Napalakas ba yung pag bunggo ko kaya namatay ako at nandito nasa heaven?
Ay! Ang OA ko.
Di hamak naman na mas pogi at cute pa siya sa Angel. Para nga siyang si Adonis eh!
"Sorry miss, nagmamadali talaga ako."
Para akong tangga dito na nabangga na nga nakangiti pa.
"Hoy! Francess, Bilisan mo!" Tawag saakin ni Vera
°•♥•°