18

8 3 0
                                    

°•♥•°

"Ladies and Gentleman. Thankyou sa pag punta sa 5th year anniversary ng GG."

Nagsimula na yung celebration.

Ibinigay ko yung invitation card ko at tuluyan ng pumasok sa loob.

Nakasalubong ko dun si Vera na nakasuot ng 3 sister pink dress.

She looks so pretty sa ayos ng buhok niya at sa shimmering shoes niya.

Iniwas niya yung tingin niya saakin ay mabilis na naglakad.

Kaya naman tingnan ko siya palikod. At nakita kong kadarating palang ni Erika at Rein.

Erika is wearing sky blue high neck cocktail dress. At si Rein naman naka Tuxedo na naka partner sa suot ni Erika.

So what?

Sinubukang kausapin ni Erika si Vera pero iniwasan lang siya nito.

Kawawang Erika.

Almost 2 hours na ang nakalipas. Nakaupo ako ngayon sa table habang mag isang pinapapak tong cup cakes.

Naalala ko tuloy.

Mahilig kaming pumunta ng canteen kapag may Free Taste.

Haaaaays.

"Enjoying the party? " tanong ng lalaking umupo sa tabi ko.

O__O its Andrew

"A-anong --"

"May dumi ka." Sabi niya sabay punas sa gilid ng labi ko.

"Ayan much better." Sabi pa niya

"Nag pa straight ka pala ng buhok? "

Parang nawala ako sa sarili ko. Ano bang nangyayari saakin?

"5 months lang akong nawala pero mas lalo kang gumanda."

A-ano bang pinag sasabi niya?

"Kaya lang hindi kana masayahin tulad ng dati."

"Mag C-cr lang ako."

Ang gulo ng isipan ko. Ano yung mga sinasabi niya?

'Nag pa straight ka pala ng buhok'

'5 months lang akong nawala pero mas lalo kang gumanda.'

Ibig sabihin?

"Francess, tawag ka sa stage." Napalingon ako kay Hazel na isa sa mga kaklase ko.

Tumingin ako sa stage, si Shara na isa sa member ng GG.

Si Shara na dating member ng 'seasons' at kilala siya noon bilang si 'spring'

Itinuro ko ang sarili ko habang nakatingin kay Shara and I mutter the word "Ako? "

Tumango lang siya.

Umakyat ako sa stage at nakita ko dun si Vera at Erika.

"Alam kong wala akong right para pakialaman ang kung anong meron kayo ngayon, kasi in the first place ako rin naman ang biglang nawala. Pero kahit ganun tinanggap niyo parin ako bilang kaibigan niyo."

Napatingin ako sa mga bisita. Halos lahat sila nasa amin ang atensyon.

Napa gawi naman ang tingin ko kay Andrew na masayang nakatingin saamin.

"Actually hindi ko alam ang buong kwento kung paano kayo nalagay sa sitwasyon na yan. To think na kayo yung taong kilala ko na napaka tatag. Kaya nga kayo tinawag na seasons kasi kahit iba iba ang personalities at attitudes  nagkakasundo parin kayo sa iisang bagay."

Tama naman si Shara. Iba iba kami ng personality pero madalas nagkakasundo kami sa iisang bagay. Gaya nalang kay Rein.

Naging related kaming tatlo sa kanya.

Who have thought na Ex siya ni Vera at siya pala yung lalaking madalas mag pangiti kay Erika.

"Pero sana maayos niyo na kung anong namamagitan sa inyo..."

Hindi pa tapos mag salita si Shara, kinuha na ni Erika yung mic.

Kahit kelan talaga tong si Erika.

"*sniff* First of all, Francess im sorry kasi hindi ko inintindi yung sitwasyon mo. Kasi ako dapat ang iintindi sayo, kaibigan mo ako eh. *smile* kaso naging makitid ako at nasigawan pa kita. Im sorry sa pagiging manhid, hindi ko alam na gusto mo rin pala siya." Sabi ni Erika ng umiiyak na tumatawa. Baliw na ata pero masaya akong marinig yun galing sa kanya.

"At girl Vera, aaminin ko nagtatampo din ako sayo ng malaman kong ex ka pala niya. Pero wala na yun saakin ngayon. Past is past nga diba? " Pag dudugtong niya

Kinuha ni Vera yung mic.

"Seasons *smile* Im sorry." Pinunasan ni Vera yung luha niya. Grabe iba na to. Ang drama namin.

"Im sorry hindi ko sinabi sa inyo... Im sorry. Pero it doesn't mean na hindi ko kayo pinagkakatiwalaan kasi hindi ko sinabi. Its because ayokong malaman niyo. Tutal wala narin naman kami, wala ng dahilan para malaman niyo. Pero dumating din yung time na ginusto ko yung sabihin sa inyo. Kaso nga lang, nalaman kong may gusto si Francess sa kanya at ganun ka din. Kaya minabuti kong itago nalang para hindi gumulo. Kaso nga lang, mas lalo atang gumulo ang lahat."

Hindi ko pa kinukuha yung mic, inabot na yun saakin ni Vera.

Ngumiti siya saakin at nginitian ko din siya.

Halos lahat sila nakatingin saakin at hinihintay yung sasabihin ko.

"Erika, V-Vera." Nag crack yung boses ko.

Pero grabe, ito na yung hinihintay kong pagkakataon ang humingi ng tawad sa kanila at aminin ang pagkakamali ko.

"Erika, Im sorry. Alam kong wala akong karapatan na magalit sayo kasi... Kasi wala naman 'kami'. Sobrang nilamon lang ako ng pagkagusto ko sakanya kaya ko nagawang magalit sayo kahit hindi naman dapat."

Humarap ako kay Vera.

"Vera Im sorry. Ikaw na nga lang tong taong nasa tabi ko nung iniwan ako ng lahat pero nagawa ko pang itaboy ka at hindi pakinggan ang side mo. Im sorry sa lahat."

Nilapitan ako ni Erika at Vera.

Niyakap nila ako at niyakap ko din sila.

"Ang drama mo Francess! " sabi ni Erika habang magkayakap parin kaming 3

"Anong ako? Si Vera kaya." Ako

"Ha? Si Erika nga yun eh." Vera

"Haha! I miss you girls. Sobrang saya ko kasi okay na tayo." Erika

Sasagot pa sana ako kaso, nagpalakpakan yung mga tao.

(O__O)

What?

Kumalas kami sa yakap at nagkatinginan.

At sabay din kaming tumingin sa mga tao sa baba. Nakalimutan ata naming tatlo na nasa stage kami ngayon.

Whaaa! Nakakahiya.

Ang daming nakarinig ng kadramahan ko sa buhay.

Nagkatinginan ulit kami at parang iisa lang ang nasa isip namin.

"Masaya kaming makita kayong okay na." Sabi ni Shara

"So iisang lalaki lang pala ang dahilan ng lahat." Sabi ni Aira

"I wonder kung sino siya." Sabi ni Sherly

"Sino pa ba ang napapabalitang girlfriend ni Papa Rein?" Tanong ni Mary

"Oh em gee! " nakakatawang reaction ni Bernie

"Ibig sabihin si Rein ang ugat ng lahat? " Shara

Napalingon naman kami sa agaw pansin na mga lalaki banda dun.

"Ang tinik mo bro."

Si Rein. Pinagkokotongan ng team mate niya sa basketball.

"Hahaha! Ang dami nating dama."

°•♥•°

Love ForecastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon