Ikadalawangpu't-apat na Kabanata

1.4K 34 13
                                    

GIANN’S POV

Okay na okay na kami ngayon ni Francel.

At sobrang saya ko dahil dun.

December na din.

Pwedeng hindi na ako SMP.

Pero kasama padin ako sa Samahan ng Macho’t Pogi. Hahahahaha.

Ngayon, napagdesisyunan kong kunin na kay Pat yung bracelet na kay Francel naman talaga.

“Pat? Labas tayo?”

Tanong ko kay Pat.

Tapos na din kasi ang shooting namin.

Kitang-kita ko na nagulat siya sa tanong ko at the same time, nasisiyahan din.

“Ako? Ako talaga?”

Hindi makapaniwalang tanong niya.

“Oo. Ikaw.”

Casual ko lang na sinabi.

“Sige! Mauna ka na sa parking lot, susunod nalang ako.”

Sabi naman niya.

Syempre, nauna na ako.

Nakita ko naman si Francel .. 

na ihahatid ULIT ni Yaelle. Tss.

Anak ng tokwa.

Kung hindi ko lang kasi sana babawiin yung bracelet sa ganitong paraan, ako sana ang maghahatid kay Francel.

Sarap sapakin ni Yaelle eh. Tragis. Nakakasakit sa puso.

After ilang minuto. Nandito nadin si Pat.

At halatang nagretouch pa.

Ganito ba talaga ang mga babae? O siya lang talaga ang ganito?

Hindi naman kasi magdedate eh.

Tsaka para saan yan, magdidisguise naman kami.

Hahayyy.

Nagsimula na akong magdrive.

“Saan tayo Giann?”

Tanong niya habang nasa biyahe kami.

Sa totoo lang, hindi ko din alam.

Mall?

Sa mall nalang siguro.

Friendly dinner date lang naman to eh.

Kasi ang totoong romantic date ko, para lang sa isang taong mahal ko. At gustong gusto ko na nga siyang idate eh. Kaso konting tiis pa.

 

Sacrifice (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon