YAELLE'S POV
HAHAHAHA! Natatawa ako kay Giann. Kausap ko kasi ngayon si Franccel at ilang beses na siyang napagalitan. Wala yung focus niya sa ginagawa niya at alam kong selos na selos yan sa amin ni Francel. Halata naman eh.
Ang sama pa ng mga tingin niya sakin. WAHAHAHAHA. Tokwa lang talaga.
Feeling ko lang eh mag-eenjoy ako sa project kong ito dahil kay Giann.
At dahil dito, feeling ko malalampasan ko na din siya sa wakas. With the use of Francel.
I REALLY HATE GIANN. I DESPISE HIM.
Kung wala siya, I should be the one who shines the most. Pero dahil sakanya, pang-second lang ako. Palagi nalang pangalawa and I am sick and tired of it.
Kaya Giann, humanda ka ngayon.
PAT'S POV
Naiinis ako. Bakit ganun? Ako kasama ni Giann pero kay Francel padin siya nakatingin.
Could it be may pagtingin na si Giann kay Francel?
No effin' way!
Sinacrifice ko na nga friendship namin ni Francel tas wala akong mapapala? That really cannot be!
Breaktime.
Naglalakad si Giann pero nahabol ko siya.
Nag-offer ako sakanya ng water but he rejected me!
BASAG ako dun.
Maya-maya, naisipan kong lapitan si Francel na busy nakikipagLANDIAN kay Yaelle. Mabuti na rin para masolo ko si Giann.
"Francel?"
Napatingin naman siya sakin.
"B-bakit?"
Halatang naaawkward siya. Pati din naman ako. Hayy.
"Pwede favor?"
With matching puppy eyes pa naman daw ako.
"Ano yun?"
Sagot naman niya kagad.
"Paabot naman tong Gatorade kay Giann oh. Pasabi sakin galing."
Inabot ko naman na sakanya yung Gatorade.
Naglakad na siya.
NGANGA ako nung nakita kong kinuha kagad ni Giann yung Gatorade kay Francel.
Ano ba talaga Giann
May gusto ka na ba kay Francel?
O gusto mo lang talaga ng Gatorade?
