Kagabi pa lang ay kinakabahan na talaga ako sa magiging presyo ng school uniform at P.E. uniform ko. Gustong-gusto ko na talagang makabili nito dahil grabe na ang kahihiyang natatanggap ko sa t'wing pinagsasabihan ako ng mga professors. Buti sana kung sila lang e! kaso nasita na din ako nung isang araw ni Dean!
Pagpasok ko pa lang ay nagulat ako sa katahimikan ng eskwelahan. Wala masyadong estudyante. Pumunta na agad ako sa bookstore ng school. Nandoon kasi talaga kumukuha ng mga uniform, pati mga libro, syempre.
Balita ko nandon na din daw kumukuha ng mga school supplies na kakailanganin ng mga estudyante. Ang maganda pa doon ay kasama na ito sa binabayarang tuition fees ng mga estudyante kaya naman ang iba ay pumupunta na lang doon at nabibigyang kalayaang kumuha ng kung anong mga kailangan nila.
"Good Morning po. Pwede po bang malaman kung magkano po ang school uniform pati ang P.E uniform?" Tanong ko sa babaeng nandoon.
"Ah..." Medyo nagulat pa siya dahil doon sa tanong ko. "Depende kasi iyon sa size pero sa pagkakatanda ko, pinakamababa na ang 10 thousand pesos sa school uniform pareho sa P.E uniform. Maaari pa 'yang tumaas." Sabi niya na ikinagulat ko talaga! Saan ako kukuha ng ganyang halaga?!
"Ang mahal..." Sambit ko. Napatingin pa 'ko ng alanganin kay ate. Nakakahiyang nagtanong ako pero hindi naman ako bibili. Pano na sa Lunes? 'Yun pa naman ang sabi ni Dean. Kailangan ko ng mag-uniform sa araw na iyon.
"Ate... may alam po ba kayong ibang paraan para mabayaran 'yan? Wala ho kasi akong sapat na perang hawak ngayon para d'yan"
"Oo naman." Nabuhayan ako sa sinabi niyang iyon. "Pwedeng card naman." Nakangiti pang sabi niya dahilan para mawala ang ngiti sa mukha ko at bumagsak ang mga balikat ko.
"Hindi ho yun ang ibig kong sabihin, Ate. Kung sakali ho bang kukuha ako ngayon, pwede ho bang bayaran ko ng paunti-unti? O kaya naman po magtatrabaho po ako dito after class."
"Naku hija, hindi pwede iyang gusto mo." Napapikit pa 'ko sa sobrang kabiguan. Lord, patulong naman please!
"Matagal pa ba 'yan?" Napatalon pa 'ko ng kunti sa sobrang gulat nang marinig ko iyon. Paglingon ko ay siya namang pagtama ng mga mata namin ni Lucius.
"Sorry." Nakatungo kong sabi. "Balik na lang ho ako, Ate. Salamat po." Pagkasabi ko noon ay naglakad na 'ko paalis.
"I'm here to claim my unifom, school uniform and P.E uniform. Five pairs each." Narinig kong sabi ni Lucius. Limang pares? Lumingon ako sakanya at nakita ko ang pag-abot niya ng card kay ate. Literal na nanlaki talaga ang mata ko sa nakita. Amex Black Card? He's insanely rich!
"Tss." Sabi ko dahilan para mapalingon siya. Nagulat pa 'ko ng bahagya.
"Do you have something to say?" Masungit na tanong niya habang nakakunot pa ang noo at magkasalubong ang mga nagkakapalang kilay. Ba't ba ang sungit niya lagi.
"Ah... wala naman." Napapahiya kong sabi at dali-daling naglakad paalis. Naiinggit ako. Kung bakit ba kasi ganon na lang kadali para sa ibang makuha ang mga gusto nila samantalang ako ay pahirapan pa!
'Nakakainis!'
Napaupo ako sa may hagdan at doon nag-isip. Pa'no 'ko makakakuha no'n e wala akong pambayad? Tsk!
Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa sobrang pamomroblema. Nagpapapadyak din ako ng mga paa dahil sa sobrang kainisan.
"Pa'no na?" Naiiyak kong tanong sa sarili. Tumungo ako dahil konti na lang ay tutulo na ang mga luha ko.
'Kung kumpleto kaya kami nila daddy, mamomroblema ba 'ko sa mga ganitong bagay?'
"What... are you doing?" Nagitla ako sa nagsalita. Bago lumingon ay pinunasan ko pa muna ang namumuong mga luha sa mata ko.
"Nothing...just taking some rest." Sabi ko habang bahagyang nakangiti.
"Mmm." Tatango-tango pang sabi niya. Akala ko ay aalis na siya ngunit nabigla ako ng umupo siya sa katabi ko. Amoy na amoy ko ang pabango niya! Sa sobrang bango nito ay parang araw-araw kong gugustuhing amuyin siya. Tsk. Ano bang pinagsasasabi ko?
"Di ka pa ba aalis?" Tanong ko.
"Are you pushing me away?" Sabi niya sa isang seryosong tono.
"No. It's not like that." Bawi ko.
"Why are you crying?" Seryosong tanong niya pa rin. Tiningnan ko muna siya bago magsalita. Mula sa mata niya ay basang-basa ko ang emosyong nandoon. Puno iyon ng pag-aalala. Nakakunot man ang noo pero ang mga mata niya ay punong-puno ng emosyon.
"I'm not crying."
"You are. I saw you."
"Wala. Napuwing lang." Pagsisinungaling ko. Parang matagal na naming kilala ang isa't isa kung mag-usap.
"Tss. You can't fool me."
"Why do you care?" Masungit na tanong ko. "Kung ayaw mong maniwala, then don't!" Masungit na anya ko. Lumingon siya sakin at matagal na pinag-aralan ang mukha ko. He even tilted his head. "W-what?" Naiilang ko pang sagot.
"Tone down your voice, woman." Sabi niya bago tumayo at akmang aalis nang bigla itong tumigil. Lumingon siya sa'kin at ibinato ang isa sa mga paper bags na dala niya. May tatak ito ng logo ng school.
"What's this?" Tanong ko.
"Open it." Mataray pang sagot niya at naglakad na paalis.
'Bat ba ang sungit-sungit niyaaaa?!'
Pinagmasadan ko pa siya habang naglalakad paalis. Ibinaling ko ang tingin ko sa paper bag na dala niya. May kalakihan ito kaya naman bigla akong kinain ng kuryosidad. Binuksan ko ito at nagulat sa laman nito!
'School uniform at P.E uniform!'
"F-five pairs?!" Gulat na saad ko. Why the hell did he gave me this? Napatingin ako sa dinaanan niya kanina at naisipang sundan siya. Dali-dali kong ibinalik sa paper bag ang mga laman nito at hinabol siya. Subalit natahak ko na lahat ng pwede niyang daanan ay 'di ko pa rin siya makita!
'Sa Parking Lot!'
Dali-daling pumunta ako do'n at sakto namang papunta pa lang siya sa kotse niya.
"Hey! Wait!" Kaming dalawa lang ang tao dito kaya alam kong narinig niya ko.
"I said wait!" Tumatakbo pa din ako. "Hey!" Malakas na tawag ko at doon lang siya lumingon.
Hinihingal pa ko nang makarating ako sa harap niya. Binigyan niya 'ko ng nagtatakang tingin.
"What are these for?" Tanong ko ng maging kalmado ang paghinga ko. Ipinakita ko sa kanya ang paper pag.
"What do you think?" Masungit pa rin!
"Ba't mo ko binigyan nito?"
"Don't ask." Walang emosyong sabi niya at binuksan niya na ang pinto ng kotse niya.
"Hey, wait." Kalamdong sabi ko at di ko namalayang napahawak ako sa braso niya. Napatingin siya doon kaya naman mabilis kong tinanggal iyon.
"Just take it." Bored niyang sabi. Bubuksan na sana niya ang pinto ng kotse niya nang magsalita akong muli.
"Babayaran ko." I firmly said.
"Who said that? Sinisingil ba kita?" Kalmado pero masungit ang tono ng boses niya nang sabihin niya iyon.
"N-no... but, these cost a lot." Nakatungong sabi ko.
"Tss. Its price didn't hurt me at all" Tch palibahasa mayaman! "I'll go."
"Babayaran ko sabi." Makulit na sabi ko.
Napabuntong-hininga pa s'ya bago magsalita. " I'm telling you, you don't have to." He sincerely said. Sumakay na siya sa kotse niya at di na 'ko nilingon pa.
"Thank you." Mahinang usal ko habang nakatingin sa papaalis niyang kotse.
< 3