Kabanata 13

1 0 0
                                    


"I'm sorry, Lloyd. Hindi talaga pwede, eh." Sabi ko. Lloyd is one year ahead of us. He's a baseball player daw from what I heard. I have been hearing so much from other students that a guy named Lloyd likes me. I later found out that he's also the same guy who consistently puts a rose on my desk everyday. Umasa akong si Ryder 'yun e!

"Just lunch, Lalaina." Pamimilit pa niya. Nasa hallway kami papuntang library. Nasa ibang building kasi ang library kaya medyo madistansya din kapag linakad. Kaya nasasayang ang oras ko dito. Mga 5 minutes na kaming nag-uusap. Edi sana nakatapos na 'ko ng isang page sa loob ng 5 minutes na 'yun!

"Hindi talaga pwede, Lloyd."

"Please, just one lunch..." I flinched a bit when I felt him touched my elbow. " ... then let's decide if we'll go for lunch again." Anak ng... humirit pa!

"Hindi talaga. Sorry, but I have to go." Paalam ko at nang hahakbang na sana ako ay nagulat ako sa marahas niyang paghila sa braso ko.

"Ano ba!" Sigaw ko na dahil nainis talaga ako don.

"Ikaw kasi e! Sabing isang lunch lang e, masyado kang pahard-to- get!" The audacity of this man to put the blame on me! "Ano papayag ka na ba? Hindi ka makuha sa maayos na usapan e, dap-"

"Get your hands off my girl, asshole." Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakitang si Ryder iyon. Nakapamulsa pa habang naglalakad. Hindi niya pa suot 'yung coat ng uniform ng boys at maluwag pa ang necktie. Lord, why is this man so attractive?! Nasan ang hustisya?

"Ry." Sambit ko sa pangalan niya. Tiningnan niya ko ng mariin mula ulo hanggang paa. Pero napalitan at napuno ng galit ang mata niya ng makita ang kamay ni Lloyd na nakahawak sa braso ko.

"Bibitawan mo 'yan o mamatay ka?" Nakakatakot ang boses niya ngayon. Punong-puno ng awtoridad. Naramdaman kong lumuwag ang hawak sa 'kin ng lalaki sa braso at oras na bitawan ako nito ay tumakbo ako kay Ryder. He gently held my waist and put me behind him. Makikipag-away pa ata 'to!

"Kaya naman pala ayaw pumayag sumama sa'kin maglunch dahil andyan ka, Sandoval. Halatang pinipilit ni Lloyd patatagin ang boses niya pero rinig na rinig ko ang takot niya mula sa kinatatayuan ko.

"Well, I guess my girl wants to have lunch with me." Mayabang na sagot ni Ryder. Asa ka!

"Yun ang akala mo. Papayag na dapat siya kanina eh kung 'di ka lang dumating." Sinungaling!

"Uh-huh" Ryder has his playful smirk on his face. Yabang. " I've been watching you two from a far. I don't remember hearing her almost saying yes to your offer." Huh? San siya galing?

"Bakit ngayon ka lang lumapit kung ganon?"

"Dahil titingnan ko pa kung may gagawin kang masama para naman masulit ko ang pagtama ng kamao ko sa pangit mong mukha." Halos mawalan ng kulay ang mukha ng lalaking kausap ni Ryder. "Mas malakas akong sumuntok pag galit eh. Ano? Aalis ka ba o makikipagsuntukan muna?" Tanong pa ni Ryder. Nagkatinginan pa ang dalawa bago humakbang palayo ang lalaki. Nang makaalis na ito ay mabilis akong nilingon ni Ryder.

"Are you okay?" He asked. Pinag-aralan niya pang muli ako mula ulo hanggang paa.

"Tss. Okay lang ako. Inuna mo pa 'yung pakikipagsagutan, e."

"Sorry. You don't know how much I'm stopping myself from throwing a fist on that asshole's face." Galit talaga siya.

"Kumalma ka nga." Sabi ko dahil hanggang ngayon nakakuyom pa din ang mga kamay niya.

"Tss. Where are you heading by the way?" Buti tinanong niya. Jusko! Nasayang na naman ang ilang minuto ng buhay ko!

"Papunta sana akong library, e kaso hinarang ako ng gagong 'yun." Nanggigigil ko na ding sabi.

Drowned By The Waves of LoveWhere stories live. Discover now