"Are you flirting with my boyfriend?" Tanong ni Harriet. Tapos na ang afternoon class namin at napagdesisyunan kong pumunta na muna sa C.R. Kamalas-malasang sinundan pala ako ni Harriet at nung mga alagad niya.
"No." Madaliang sabi ko.
"Ha! I know you are!" Kung umasta siya akala mo'y kumbinsidong-kumbinsido siya sa sinasabi niya.
"Umalis ka na diyan sa imahinasyon mo Harriet, hindi ka safe d'yan." I let her have a taste of sarcasm from what I said.
"I don't get you."
"Because only smart people will understand that, Harriet." Sabi ko habang naghuhugas ng kamay at bahagyang nakatalikod sa kanila.
"Are you saying that I am stupid?" Galit na sabi niya.
"I never said that. You did." I smirked. Pati mga kasama niya ay nakita kong nakitawa pa. Tiningnan niya ito nang masama at mabilis na nagbago ang mga ekspresyon nito.
"Who do you think you are, you trashy social climber!" Medyo masakit 'yon ah! Well, medyo lang naman.
"Who do you think I am, Harriet?" Palaban kong pagbalik ng tanong sa kanya.
"Well, for me, you don't belong here. Look at yourself, you don't look rich. You look like someone who thinks highly of yourself! Someone who's so thirsty for attention!"
Being accused of something you're not is a different kind of pain. Hindi mo alam kung paano mo idedefend ang sarili mo. People will always have their own version of truth.
"And for me, you're someone who doesn't worth my time. Now, if you won't mind, I need to go." Aalis na sana ako nang hilahin niya ang braso ko nang napakalakas at idiniin niya pa talaga ang mahahaba niyang kuko.
"Not too fast, Lalaina. I'm reminding you for the first and last time, stop flirting with Lucius." Nanggagalaiti niyang sabi.
"Tsk. No one wants to flirt with your guy Harriet." Asik ko at malakas na hinila 'yung braso ko. Dire-diretso ang lakad ko pabalik ng classroom. Akalain mo nga naman, medyo maliwanag pa nang pumunta ako do'n tapos pagbalik ko malapit ng dumilim. Dapat pala nagpahintay nalang ako kila Alex. Badtrip!
"Ba't wala na 'yong bag ko?" Tanong ko sa sarili. Ang natatandaan ko ay hindi iyon dinala ng mga kaibigan ko. Para makasiguro ay naisipan kong itext si Alex.
Me: Hoy, dala niyo ba 'yong bag ko?
Mabilis namang nagreply si Alex.
Alex: Nope. Sabi mo iwan na namin eh. Bakit?
Me: Wala, nagtanong lang.
'Asan na 'yon, kung ganon?'
Hinalughog ko lahat ng pwedeng paglagyan at pagtaguan sa classroom namin. Uso pa naman ang mga trippers sa mga kaklase ko! Pero ilang minuto na 'kong naghahanap ay wala pa rin. Madilim na sa labas at ako na lang ang nandito! Mabuti na lang at ako ang naka-assign para humawak ng susi nitong classroom since maaga daw akong pumasok ay ako na lang ang magbubukas at magsasarado nito.
"Is this what you're looking for?" Biglang may nagsalita sa likod ko na talaga namang muntik nang ikalaglag ng puso ko!
Nakita ko si Ryder sa may pintuan hawak ang bag ko. Mukhang di pa rin siya umuuwi.
"Bakit mo hawak yan?!" Pabulyaw kong tanong sa kanya.
"I saw this inside the trash bin, maybe?" Sarkastiko niyang ani pabalik. Mabilis naman akong pumunta sa kanya at padabog na kinuha ang bag mula sa kanya.
"Thanks." Mataray kong sabi. Akmang lalampasan ko siya nang iharang niya ang kaliwa niyang braso sa dadaanan ko. Nagmukha tuloy na nakayakap ito sa bewang ko. I swear, kinakabahan ako nang matindi!
"Bakit ba ang sungit-sungit mo pagdating sa 'kin? Sa iba ay hindi ka naman ganito?" Tanong niya sa isang seryosong paraan.
"Ano bang pakialam mo?" Sikmat ko. Nagpapatalasan kami ng titig sa isa't isa at gusto kong puriin ang sarili ko dahil nagagawa kong labanan ang mga titig niya.
"See?" Sabi niya at nakakatawang tingnan ang naging ekspesyon ng mukha niya dahil parang napatunayan nga nya iyong sinasabi niya kanina.
"Eh bakit ba lapit ka nang lapit sa 'kin? Sa pagkakatanda ko ay ayaw mong lumalapit ng ganito sa kung sino-sino! Maliban na lang sa girlfriend mo na nag-aapoy na agad ang mga mata sa galit 'twing may kakausapin kang ibang babae o may kakausap sa'yo?!" Pasigaw kong sabi.
"Why do you talk so much?" Tanong niya na nakakunot pa ang noo. Nakakapagtakang hanggang ngayon ay hindi niya pa din tinatanggal ang mga braso niya sa harap ko. "And why do you talk so loud?" Tanong niya pa at bahagya pa 'kong napatitig sa kanya.
"Aalis na 'ko." Hindi ko siya sinagot at humakbang na ako paalis subalit nagawa pa akong pigilan ng braso niya na naging dahilan upang tuluyan niya ngang mayakap ang bewang ko. Ayan na naman 'yung bolta-boltaheng kuryente na nararamdam ko pag nadidikit siya sa 'kin at ang balde-baldeng kabang nararamdaman ko pag nagtatama ang mga mata namin.
"W-what... are you doing?" Kabado na talagang tanong ko.
"Wala pa 'kong sinasabing umalis ka na." Ma-awtoridad niyang sabi. Demanding! At dahil nasa glid ko siya, sinabi niya iyon sa mismong tenga ko! Sa ginawa niyang iyon ay parang may kumikiliti sa tiyan ko!
"Bitiwan mo 'ko." Ako na mismo ang nag-alis ng kamay niya sa bewang ko. Bawat hakbang ko ay mabilis, nagbabaka-sakaling hindi na niya na 'ko maabutan pa. Pero ang pagbabakasakaling iyon ay hanggang doon na lang dahil may marahas na humila sa braso ko. Kahit hindi ko hulaan kung sino iyon ay alam ko na.
"Ryder!" Bulyaw ko na ikinatigil niya.
"That's the first time you called me by my name tapos pasigaw pa." Mararamdaman mo talaga ang tampo sa boses niya nang bitiwan niya ang mga salitang iyon. "Everyone's calling me Lucius, but you called me Ryder. I liked it better, though." Kumento niya at nakahinga ako ng maluwag nang sa oras na 'yon ay binitawan niya na ang braso ko. Hindi ko napansin na natagalan ko palang h'wag huminga dahil sa kanya!
"Wala akong sinabing bawal ka huminga, Lalaina Tatiana." Ang sarap sa pakiramdam marinig siyang banggitin ang pangalan ko. Iyon ang unang pumasok sa isip ko nang marinig iyon. Parang may sensasyong dala sa katawan ko nang banggitin niya ang pangalan ko.
"That's the first time you called me by my name, too." Mahinahon kong sabi habang nakatingin sa sahig.
"Dapat pala lagi kong banggitin ang pangalan mo para kumalma ka at hindi magsisigaw sa harap ko?" Sabi niya na ikinagulat ko naman. Humakbang siya palapit sa 'kin at humakbang naman ako paatras para hindi magdikit ang katawan namin. "Why do you keep on pushing me away, Lalaina?" Tanong siya sa'kin. Hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil hindi ko naman maintindihan ang ibig sabihin ng tanong niya! "Why do you love raising your voice while talking to me?" Patuloy siya sa paghakbang paunta sa'kin at nagpatuloy din ako sa paghakbang paatras.
"I don't kno- Ah!" Nagulat ako nang wala na 'kong mahakbangan dahil iyong hagdan na pala ang nasa likod ko! Grabeng kaba ang bumalot sa katawan ko sa oras na 'yon. Subalit agad iyong napalitan ng kaginahawaan nang may brasong sumalo sa bewang ko. Mabilis niya akong hinila pabalik dahilan para mapahawak ako sa malapad niyang balikat. Him and his fast reflex!
I never felt this so much relief in my whole life. And for the first time in my life, I felt the feeling of being safe while looking into someone's eyes. God knows how much I wanted to feel that again.
"Habang patuloy mo 'kong tinutulak palayo ay mas lalo ko tuloy ginugustong lumapit sa'yo." Sabi niya habang nakatingin pa din sa mga mata ko at nakapulupot pa din sa bewang ko ang braso niya.
"I'm telling you, if you're planning to push me away again, don't even try executing that plan of yours, Lalaina."
< 3