Kabanata 11

1 0 0
                                    


Ilang araw na ang nakalipas matapos 'yung gulo namin ni Harriet. Hindi na din ako ginugulo ni Harriet at nung mga kaibigan niya. Pero dahil magkaklase kami ay hindi pa rin maiiwasan ang palitan namin ng masamang tingin. Ilang araw matapos ang nangyari ay naging usap-usapan iyon, lalo na ang pagkapahiya ni Harriet sa maraming tao.

Matapos din non ay nadadalas na din ang pag-uusap namin ni Ryder. Madalas kaming mag-text pero madalang kaming mag-usap sa personal. Mahirap na dahil baka pag-usapan na naman kami ng mga tao.

"Understand?" Napabalik sa reyalidad ang utak ko nang magtanong ang lecturer namin.

Isang malaking hamon na ata ang labanan ang antok tuwing panghapong klase. Napatingin ako sa buong klase at halos lahat ay tamad na tamad makinig sa sinasabi ng lecturer namin. Ang iba ay nakatungo sa kanya- kanyang lamesa samantalang ang iba ay hindi matigil sa paghikab. Every tick of the clock syncopated the dronings–on of our lecturer about our topic na 'di ko alam kung ano ba. Basta tamad na tamad akong makinig ngayon.

'Kailangan ko ng motivation.'

Ang hiling na iyon ay mabilis na natupad nang mag-vibrate ang cellphone ko.

From: Ryder

Let's eat outside later.

Anong trip nito at naisipang magyaya? Naguguluhan man ay nagtipa pa rin ako ng isasagot sa kanya. Tumingin pa muna ako sa paligid ko dahil baka may makakita sa 'kin.

To: Ryder

Bakit? Anong meron?

From: Ryder

Manlilibre daw si Val. Your friends can come too.

To: Ryder

Ok.

Nagpapasalamat ako na kasama ang mga kaibigan ko. Aaminin kong nag-expect ako na kaming dalawa lang. Ako tuloy ang nahihiya para sa sarili ko.

From: Ryder

Listen to your lecturer, Lalaina.

Nagulat ako sa mensahe niyang iyon. Bakit niya sinabi 'yon. Halata bang tamad na tamad akong makinig? Kumunot ang noo ko at pagkuwanan ay tumingin sa room nila. At don ko nakitang nakatingin din pala siya sa 'kin. Since pareho kaming nasa dulong upuan ay may posibilidad na makita namin ang isa't isa. Ngayon ko lang nalaman na nasa dulo rin pala siya. Di ko naman siya nakikita dati d'yan ah?


"Grabe nakakatamad mag-aral ngayon 'no?" Padabog na ibinagsak ni Alex ang notebook niya sa desk niya.

"Ha? Ngayon lang? Nakakatamad kayang mag-aral araw-araw!" Sabi naman ni Aria.

"Girl aminin mo na lang na tamad ka sa lahat ng bagay!" sabi ni Florence at nasundan iyon ng malakas na tawa ni Alex. Patuloy kaming nag-aasaran nang maalala kong nag-aya nga pala si Ryder.

"Uh, guys..." Tawag ko sa atensyon nilang lahat. "Nagyaya nga pala si Ryder, kain daw tayo sa labas." Nagpanggap akong hindi kinakabahan nang sabihin ko iyon dahil alam kong may sasabihin at sasabihin sila. Hindi sila nagtanong tungkol sa inasta ni Ryder nung huling away namin ni Harriet pero sigurado akong atat din silang may malaman ang tungkol doon.

"Ha? Close kayo?" Naguguluhang tanong ni Sandra.

"Ay, ngayon mo lang napansin?" Tanong sa kanya ni Florence.

"Alam mo ikaw..." Itinuro ako ni Aria habang nakapamewang ang kanang kamay niya. "... matagal na 'kong may napapansin sa 'yo eh." Kinakabahan ako!

"Ay i-share mo 'yan teh! 'Di ako papayag na hindi malaman 'yan!" Si Alex. Basta talaga tsismis napakabilis nito eh!

Drowned By The Waves of LoveWhere stories live. Discover now