Simula nung nangyari kagabi ay walang katapusang pagtatanong sa sarili ang ginawa ko. I keep on asking myself 'What happened?' 'Ano'ng ibig sabihin ng mga salitang binitawan niya?' 'At bakit kailangan kong maapektuhan ng ganito?'
I was bothered by it until the next day. Pinilit kong h'wag magtagpo ang mga landas namin kaya naman pumasok ako ng mas maaga kaysa sa nakadalasan ko. Nasa hallway ako papunta sa classroom namin ay nakita ko Ryder na nakasandal sa pintuan ng room namin. Habang nakapamulsa ay may sinisipa-sipa pa siya sa sahig at 'di ko alam kung ano 'yon. Bakit ang aga niya?!
Naiilang at kinakabahan man ay mas pinili kong humakbang palapit. Dahan-dahan at maingat na paghakbang ang ginawa ko.
"Move." Pigil hiningang tugon ko nang makalapit ako. Napalingon siya sa akin at ayon na naman ang mapanindig-balahibo niyang ngiti. Pati na rin ang napakabango niyang amoy.
"Good Morning." Bati niya na binalewala ko na naman.
"I said move." Naglakas-loob akong tingnan siya sa mata nang may nakasalubong na kilay. Bakit ba ang hirap pakiusapan nito?
"Greet me back and I'll move." Inayos niya ang tayo niya habang nakapamulsa pa din. Nakaharap ang katawan niya sa classroom na katapat ng room namin which is room nila pero ang tingin niya ay nakatuon sa akin.
"Have a bad day." Sarkastikong tugon ko at umiwas ng tingin nang may nakakalokong ngisi. Nang tingnan ko ulit siya ay basang-basa ko ang gulat sa buong mukha niya. Anong meron? "Why do you look so shock?" Tanong ko nang may nakakunot na noo.
"Ano bang ginawa mo?" Tanong niya naman pabalik. Ang tanong ay hindi sinasagot ng isa pang tanong.
"Anong ginawa ko?" Naguguluhan kong tanong.
"Ang tanong ay 'di sinasagot ng isa pang tanong, Lalaina." Sambit niya na talagang nakapagpagulat sa'kin. Iniisip ko pa lang 'yon kanina tapos sinabi niya?
"Alis na nga!" Sabi ko sa kanya at tinulak siya paalis sa pinto ng room namin.
"Anak nang..." Nagulat kami nang may biglang nagsalita. Paglingon ko ay nakita kong sina Kent at Val iyon.
"Pucha pre! Totoo ba 'tong nakikita ko? Sapakin mo nga ako." Sira-ulong sabi ni Val kay Kent. Kinusot-kusot pa muna ni Val ang mga mata niya at hinawakan si Kent sa balikat.
"H'wag mong hilingin sa 'kin yan. It would be an honor to punch you, asshole." Mas sira-ulo pang sagot ni Kent sa kanya. Natawa naman ako sa kanila.
"Napakabrutal mo, gago!" Tawanan naman nila.
"Bakit nga ba ang aga mo masyado? Sa elementary lang uso ang award na 'Most Punctual' Lucius." Pabirong sabi ni Kent.
"Sir Dantes assigned me to open the room every morning." Sagot ni Ryder.
"Oh talaga? O baka naman nagpa-assign ka?" Mapanlokong ngisi ang ginawa ni Val nang sabihin niya iyon bago tumingin sa 'kin.
"You're Lalaina, right?" Tanong ni Val. 'Di ko alam na kilala niya 'ko kaya halatang nagulat ako sa tanong niyang iyon.
"Oh, you know me?" Itinuro ko pa ang sarili ko nang tanungin ko iyon.
"Who wouldn't?" Makahulugang sabi ni Val na tumingin pa muna kay Ryder. Ibinalik niya sa 'kin ang tingin niya at nakangiting inilahad ang kamay niya na malugod ko namang tinanggap. "I'm Val by the way and this guy right here beside me is Kent. Pero siguro kilala mo na din kami."
"Who wouldn't?" Pabalik kong tanong sa kanya at nagtawanan naman kami.
"Woah, ngayon pa lang nagugustuhan na kita!" Sambit niya ng may malawak na ngiti. Napatingin siya bigla kay Ryder at ganon na lang ang pagtataka ko nang mabilis na nagbago ang ekspresyon niya. "Oh, seloso si baby Lucius." Nagtawanan naman sila ni Kent samantalang halatang pikon na pikon na si Ryder.