Araw ng Lunes ngayon at maaga akong nakarating sa school. Wala pang masyadong estudyante kaya tumambay na muna ako sa garden ng school. Maraming magagandang bulaklak at iba-iba pa ang kulay! Maganda rin siguro ang paraan ng pagkakatanim kaya maganda ring tumubo. Umupo ako sa may bench at itinuon ang atensyon sa mga naggagandahang bulaklak.
Hanggang ngayon ay 'di pa rin ako makahanap ng sapat na dahilan kung bakit niya ginawa iyon. Ano 'yon? Trip niya lang? Trip niya lang magwaldas ng ganon kalaking pera para sa taong 'di niya naman kilala nang lubusan?
Gayunpaman, nagpapasalamat ako sa kanya dahil sa ginawa niya. Kailangan ko na talaga nito eh. Pero unti-unti rin akong binabalot ng konsensiya. Hindi naman ata tamang tumanggap ako ng basta-basta diba? Ang hirap mag-isip ng paraan kung pa'no ko ba siya mapapasalamatan. Napabuntong-hininga ako sa kaisipang iyon.
"Good Morning." Tila nagtayuan ang balahibo ko nang marinig iyon. Jusko, ganito ba ang boses niya tuwing umag? Tsk, kaya maraming nababaliw dito e! Truth to be told, I find it attractive everytime he speaks with a husky voice.
"Hey, I said good morning." Huminto pa talaga siya sa harap ko para ipaalala iyon. Amoy na amoy ko na naman yung pabango niya. Unti na lang ay baka hanap-hanapin ko na ang amoy na iyon! Ipinitik niya ang mga daliri niya kaya naman bumalik ako sa reyalidad. Tiningala ko siya at nakita kong pinag-aaralan niya na naman ang mukha ko. Nakapamulsa pa dahilan para mas maging malakas pa tuloy ang dating niya.
"Kailangan bang batiin din kita pabalik?" Masungit kunyaring tanong ko.
"Not really but I'd like it if you will."
"Ano na naman bang ginagawa mo sa harap ko?" Tanong ko na bahagyang ikinagulat pa niya. Dahil sa tanong na iyon ay bumalik na naman ang masungit na itsura niya.
"I just felt like greeting you today." Seryosong tugon niya.
"Makakaalis ka na." Sabi ko.
"Ang sungit mo." Asik niya. Akmang maglalakad na siya paalis ng may biglang tumawag sa kanya.
"Babe!" si Harriet. Gaya ng dati, maikli ang palda niya, makapal ang make-up, puno ng accessories, at nag-uumapaw ang pabango na animo'y ito ang ipinaligo niya.
"I didn't expect you to go here this early..." Sabi niya nang may malawak na ngiti. "and you're with..." Lumingon siya sa akin at ganon na lang ang bilis ng pagbabago ng ekspresyon niya. " a trash." Pagtatapos niya sa sasabihin niya. Nagulat pa 'ko sa sinabi niyang iyon pero di ako nagpahalatang apektado ako. Umiwas na lang ako ng tingin sa kanila at nagpaalam na aalis na.
"What the hell did you just call her?" Narinig kong sabi pa ni Ryder. Naglalakad ako nang may nagbabadyang mga luha. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay sa mga ganoon gayong matagal ko nang nararanasan iyon.
Pumunta na ako sa classroom at di na nag-abalang batiin pa ang mga kaibigan ko. Nakinig na lang ako ng discussions kahit ni isa ay wala akong maintindihan.
Makalipas ng ilang discussions at walang katapusang quizzes ay napagpasyahan naming pumunta sa mall diyan lang sa harap ng school para doon kumain ng lunch. Hindi ko pa rin magawang makipag-sabayan sa mga biruan nila. Ewan ko ba, msyado akong naapektuhan dun sa nangyari kanina.
"Hoy teh, uso magsalita." Sabi ni Alex. Siguro napansin na nila ang pagiging tahimik ko.
"Anyare ba? Kanina ka pa walang kibo." Tanong ni Florence.
"Wala naman. Nakakatamad lang magsalita." Pagsisinungaling ko.
"Ikain mo na lang 'yan. Tara na at manlilibre daw si Alex ngayon." Anunsyo niya na ikinabigla ni Alex.