PROLOUGE
Malamig na hangin ang unang bumalot sa 'kin kasabay ng unang tapak ko sa mapuputing buhangin. Magandang tanawin, sariwang hangin, simpleng pamumuhay, at tahimik na buhay. Kabaligtaran ng kung anong naranasan ko kung saan ako unang nanirahan.
I have never been this peaceful in my whole life. Everytime I wish for the better, I always end up getting the opposite. It's so hard... painful, and traumatizing.
Now, here I am. In front of the most beautiful sea I've ever seen. I let its vastness engulf my field of vision. It's so peaceful and calming. Nakaupo ako sa isang patag na bato dito sa may rock formation. Kabado ako habang inaakyat ito. Nasugatan pa ako pero ayos lang naman. I'd trade everything just to see this kind of view.
The sea....
Sometimes, it's calm... but sometimes, it's dangerous.
It's unpredictable and complicated. Just like how life goes and works. You don't know what tomorrow holds. You don't know what kind of wave will come to you and will just crash you without even noticing it. You wouldn't know what kind of storm you'll be in. You just need to go with the flow of the current of the sea.
This sea reminds me of what happened to me in the past. Behind it's beauty lies a dark and painful story. Too bad, it was like fighting against the storm. Being crashed and drowned by the waves of love...
I was hurt... I was hurt by the person whom I thought would give me a calm sea but he chose to be a destructive wave. It drowned me. The pain nearly killed me.
"My love for you is deeper than the ocean, Lalaina."
Those words are just so good to hear. It's been so long since I last felt the warmth of someone's words. I guess words are so powerful. However, if someone's actions are not according to his words, it will be nothing...nonsense
I snapped back from my reverie when my phone suddenly rang. Kinuha ko ito mula sa bulsa at nakitang ang matalik na kaibigan ko lang pala. He's always calling me even though he knows that I'm in a vacation! Kaya naman inis kong sinagot ang tawag.
"Hello..." I answered.
"Napakatagal namang sumagot ng Seniorita." Mataray na sabi niya sa 'kin. Inirapan ko lang ito.
"What do you need?" I asked blankly.
"Ah yeah... Sorry to disturb you but I have a good news!" Tili pa niya. Napakunot ang noo ko dahil rinig na rinig ko ang galak niya mula sa kinaroroonan ko. "Guess what?" Tanong niya at nanatili naman akong tahimik. "Natanggap ka na sa trabaho!"
"Talaga?!" Kahit ako ay nabuhayan din. Nagresign kasi ako sa dati kong pinagtatrabahuhan. I'm a secretary there. I am also getting a lot of benefits from that company but I chose to resign due to personal reasons. My work was based in New York. Malaki din ang sahod. Sayang nga daw eh, pero anong magagawa ko? Nothing beats home.
"Ay hindi! Prank lang!" Siraulo!
"Yung totoo nga!" Pagmamaktol ko.
"True nga! Ayaw mo maniwala eh!"
"Sorry, masaya lang." Natatawa ko pang sabi. My original plan is to go back to New York if ever I won't get hired here. And now that I got a job, I was ecstatic!
"Pa'no yung saya? Patingan nga."
"Siraulo!" Tawa ko pa. Alex also told me the other details about my work. The salary, the dos and don'ts, pati na rin kung kalian ako magsisimula.
"Thanks, Alex! You're the best!"
"Ako lang 'to." Hirit niya pa.
"Oo na, ikaw lang 'yan." Pagsang-ayon ko at tumawa siya dahil ngayon ko lang 'yon ginawa. "Yung 'di binalikan?" Segunda ko na nakapagpatigil sa kanya. Kala mo ha!
"Saya ka?"
"Oo, feeling ko nga kumpleto na araw ko eh. Naasar na kita." Tawa ko pa na mas ikinainis niya.
"Alam mo ang pangit mo maging kaibigan." Ramdam ko na ang inis doon. I laugh it off. "Ikaw naman 'tong pinagpalit sa ex!" Ngayon ay siya naman 'tong tumawa at ako naman ang natigilan.
"Alam mo mas pangit ka palang kaibigan, eh."
"Ganda ko kaya!" Hirit niya.
Matapos ang ilang asaran ay bumalik kami sa usapan namin kanina. Nasabi niyang malaking kompanya raw iyong pinasukan ko.
"Kaso ano eh..." Nagulat ako sa tono ng boses niya. "Lalaina, may isa pala tayong problema eh." My forehead creased.
"Ano?"
"Kilala mo na ba kung sinong boss mo?" Kinakabahan niyang tanong.
"Hindi nga eh. Balita ko kasi nasa ibang bansa daw 'yung CEO ng kompanya. Bihira lang daw umuwi dito sa Pilipinas." Sabi ko. "Anong problema?" Tanong ko.
"Ano eh...." I can hear the hesitation from his voice. Nag-antay lang ako ng isasagot niya. "S-si..." He tsked. "Si Mr. Lucius Ryder Sandoval." And right from there... my world stopped. Natigilan ako. Di ko namalayang nag-init na pala ang sulok ng mga mata ko. Memories are slowly coming back... one by one.
"Girl..." Nag-aalalang tawag sa 'kin ni Alex. "Are you okay?" Ipinagsawalang-bahala ko ang kung anong namumuong pakiramdam sa puso ko. I don't know why but I started to tear up upon hearing his name. I tried to smile and looked at the beautiful ocean infront of me.
"Y-yeah, I'm fine." I laughed. "Anong problema roon?" Kunwaring ayos lang na tanong ko. Iniiwasan kong pumiyok ang boses ko.
"You sure?" Tanong niya pa at tumango lang ako kahit alam kong hindi niya iyon makikita. " Pwede ka namang mag-apply sa iba kung gusto mo." Suhestiyon niya. "Di ko naman kasi alam na siya pala ang CEO, eh. I'm sorry..." Sabi niya at tumawa naman ako.
"Ano ka ba! Ok nga lang. I've moved on, Alex." Pag-aalo ko.
Matapos iyon ay nagpaalam na ako sa kanya. Ayoko nang humaba pa ang usapan namin. Tumingin ulit ako sa harap. The combination of the beautiful sea and the setting sun is perfect. Ibinaling ko ang atensyon sa mga alon na humahampas sa mga bato.
'Is this it?'
I asked myself. Ito na ba? Susuong na naman ba ako sa bagyo? Magpapaanod na naman ba ako? I gave up when tears started streaming down my face. Ito na naman tayo... kailan ba 'ko makakatakas sa hagupit ng nakaraan? Sa masasakit na alaala?
The choice is mine. Will I let the waves of love drown me again? Will I let him enter my life again and ruin it again? No.
Sa ngayon ay lalaban ako. Sa puntong ito ay mas pipiliin kong maging matapang. Para sa sarili ko...
At lalong –lalo na para sa anak ko...