Nandito kami ngayon sa Bliss Breeze, isang rooftop restraurant. The sun is already starting to set when we came. No one asks but my favorite time of the day is during sunset. Ang ganda-ganda niyang pagmasdan. It always gives me the relaxation that really satisfies me. I think a lot of people love sunset. We have different reasons why we love sunset.
"You love sunset, I see." Natigil ako sa pagmumuni-muni nang biglang magsalita si Ryder sa gilid ko. Hindi ko alam na nasa tabi ko na pala siya. Nauna kaming umupo dahil sila na lang daw ang mag–oorder. Nagpareserve na pala sila kanina kaya hindi na namin kailangan pang maghanap ng mauupuan.
"Yeah." Sagot ko sa kanya dahil totoo naman. Wala akong ganang sungitan siya ngayon dahil ayokong masira ang mood ko. Napakaganda ng paligid para masira ito. "I've always loved sunset." I stated while staring at the setting sun. I smiled sweetly while looking at it.
"And why is that?" Biglang tanong niya. Nagulat ako sa pagiging kuryoso niya. But I felt something I couldn't explain. But it was a...nice feeling. Just him asking me that, seems like he wants to know more about me.
"I actually don't know why I love it." I chuckled that made him smile too. He's directly looking at me. I can clearly see how his eyes sparks in every blink he made. "Maybe..." Nag-isip pa 'ko ng sasabihin. I looked at his eyes too and smiled. "I think you don't really need to have a reason why you love something or someone. You just feel it. Because if you do have a reason why you love it, does that mean your love will fade the moment your reason disappears?" Makahulugang sagot ko sa kanya habang nakangiti. Mas lalong lumawak ang ngiti niya at mas lalong lumalim ang titig niya sa 'kin.
"You're right." He chuckled sexily after he said that. Umiwas na naman ako ng tingin dahil sa hindi ko malamang dahilan. What he did was just so attractive. I never saw this coming. Ako at siya? Nag-uusap nang matino? "Now I'm starting to love sunset..." Seryosong sabi niya kaya naman napatingin ulit ako sa kanya. "...again." Pagpapatuloy niya. Naguluhan ako sa emosyong bumabalot sa mukha niya. Nakatingin siya sa tanawin sa labas kaya naman malaya ko siyang natitigan. He looked...hurt.
"Are you okay?" Sinserong tanong ko sa kanya. Napatingin ako sa kanya at mabilis namang nagbago ang emosyon niya. May pagkamangha. May saya din. "Why are you looking at me like that?"
"You care for me." That was not a question. That's a statement.
"Silly." I chuckeld. Nakakatuwang pagmasdan sa tuwing namamangha siya. Pumupula ang tenga niya. Malawak din ang ngiti niya halos umaabot yun sa mga mata niya. "Of course, I care." I smiled sweetly.
'I care, especially now that... I like you.'
Nagulat ako sa nasabi ko sa loob-loob ko. Nagulat ako pero hindi ko naramdamang kailangan kong bawiin at itanggi iyon. Para akong nabunutan ng tinik nang masabi ko iyon. Florence is right. I'm just afraid to acknowledge it.
"That's good to hear. Malaman ko lang na may pakialam ka sa 'kin ay sapat na." Basang-basa ko ang tuwa sa mga mukha niya pati na rin ang sinseridad niya. Nakakahawa ang sayang nakikita ko sa mukha niya.
"Ehem!" Natigil kami sa pagtititigan sa biglang pagtikhim ni Val. "Respeto naman pare sa mga walang lovelife." Puna niya kay Ryder.
"Mas matamis pa kayo sa dessert na nasa harap natin, eh!" Natatawang sabi naman ni Alex.
"Usong maghanap kung walang lovelife." Sagot naman ni Ryder. Halatang may bahid ng pang-aasar sa boses niya.
"Inis na naman siya kasi naabala mo na naman." Pang-aasar ni Kent.
"Ay hala! Pasensya na!" Madramang sabi naman ni Val. Hinawakan pa niya ang dibdib niya na animong nasasaktan talaga. "Nasisi pa ako! Excuse me? Eh di sana nagdate na lang kayo!" Asar na nga itong isa ay mas inasar pa ni Val!