Kabanata 4

2 0 0
                                    



"In fairness, masarap ang pagkain nila." Pahayag ni Aria habang kumakain kami. We're here inside the cafeteria eating our lunch. Their food cost like gold but it's actually worth it once you get a taste of it.

"What do you expect? This is a prestigious school after all." Sabi naman ni Sandra. I'm glad that we are all getting along so well. I'm happy seeing her slowly getting comfortable with our company.

Maya-maya pa ay pumasok ang grupo nila Harriet and as usual, the group of Lucius is with them too. They took the table not far from ours. Ang problema nga lang ay kitang-kita ko sina Harriet at Lucius na magkatabi. As in sa harap ko pa talaga!

"Sino ba sila?" Kuryusong tanong ni Florence. "Nakakapagtaka kung pa'no sila tratuhin ng mga estudyante dito." Dagdag pa niya.

"Well, they are the most influential here. They have the power." Makahulugang sabi ni Sandra. We suddenly became attentive to her when she gave that statement.

"Ha? Powers yan? " Tumawa kaming lahat sa sinaabi ni Alex. Napakaseryoso ng sitwasyon tapos bigla siyang babanat ng ganon?

"Baliw, hindi ganoon ang ibig 'kong sabihin" Tatawa-tawa pang sagot ni Sandra. "Alam niyo naman na ang mga taong nakakapasok lang raw dito ay mayayaman. At kung merong mas mayayaman p'wes ay sila naman ang pinakamayaman rito. "

"Lucius is actually a transferee but I heard that he's really powerful. Iyong dalawa niyang kasama ay sina Kent at Val. Dati na rin silang kilala dito sa SIU and ang sabi ng iba ay may isa daw silang kaibigan na nag-aaral sa States at kung sila raw ay nuknukan ng yaman, mas lalo pa raw iyon and maybe that's Lucius they're referring to. " Seryosong sabi ni Sandra. Kami naman ay tatango-tangong ibinalik ang atensyon sa pagkain.

"He's Lucius Ryder Sandoval. 'Yung dalawang kaibigan niya naman ay sina Kent Jaxion Mariano at Lloyd Valexian Saavedra. Si Lucius ay anak ng may-ari ng SIU. Samantalang ang parents nina Kent at Val ay parehong major stockholders nitong school." Dagdag pa ni Sandra na ikinamangha naming lahat.

"Kaya naman pala ganon na lang kalakas ang loob nila para gawin 'yon sa'yo" Medyo mahihimigan ang inis sa boses ngayon ni Aria.

"Pero aminin niyo, gwapo iyong Lucius ang pangalan. Pati na rin naman iyong dalawa pero alam mo 'yun? May kakaiba lang kay Lucius that sets him above the rest. " Sabi ni Alex. Well, tama naman siya. Gwapo nga kaso may kasamang­­­­... nevermind

"Lucius is Harriet's boyfriend." Dagdag pa ni Sandra. "Maybe girlfriend for this month." Humalakhak a siya matapos sabihin 'yon. "Kung hindi naman iyan boyfriend ni Harriet ay hindi rin makakayang gawin ni Harriet kung ano mang pinaggagagawa niya ngayon. I don't know what she did to Lucius para maging boyfriend niya ito."

"Sayang naman, napunta pa siya d'yan. Papi pa naman!" Malanding anas ni Alex. Kahit kailan talaga 'to!

We continued talking while eating but my attention seems like it doesn't want to cooperate with me today. I keep on glancing at the people sitting in front of us. I don't even know why! Ako ang naiirita sa view ko, eh. Nakaakbay si Lucius sa upuan ni Harriet samantalang si Harriet naman ay nakahawak sa hita nito. 'Diba sila o-order? Mabubusog ba sila sa pag-upo lang nilang 'yan? Tsk.

"Hoy ate girl, ba't naman ganyan ang mukha mo? D'ba masarap 'yang pagkain mo?" Kuryusong tanong ni Alex. Napatingin tuloy ang tatlo saakin.

"Masarap." Kumento ko.

"O bakit ganyan 'yang itsura mo?"

"Alam ko din kung anong itsura 'yan. Itsura yan ng nagse-" Biglang sabat ni Aria na may nakakalokong ngiti. Sigurado akong may napapansin na si Aria sa'kin. 

Sa kanilang lahat ay kay Aria talaga ako pinakamalapit. Kilalang-kilala na niya 'ko. Actually, kilala na nila 'kong lahat pero sadyang mas kilala lang ako ni Aria. Siya itong nakakaalam ng bawat kilos ko. She also has the ability to read between the lines which I really admire the most about her.

"Tumahimik ka nga! Kanina ka pa." Pigil ko sa sasabihin niya. Sabay-sabay pa silang tumawa dahil sa inasta ko.

Mas nainis ako dahil d'on. Dadatnan ba 'ko? Dahil ang bilis kong mairita ngayon. Siguro nga. Pero hindi, katatapos ko lang! This is probably one of the things that even a scientist couldn't explain. Bahagya akong napangiti dahil sa sariling biro ko. Siguro kasi hindi scientist ang kailangan ko? Hmm...

Napaangat ako ng tingin sa table nila Lucius at ganoon na lang din ang gulat ko nang makitang nakatingin din siya sa'kin. Napatingin ako sa magkabilang gilid ko pati sa likod ko at nakitang wala namang nakaupo. Dahil don ay napabalik ang tingin ko sa kanya.

He's looking at me intensely. 'Di ako bumitaw sa titig niya. Linabanan ko din ito. Subalit naputol din ng tawagin siya ni Harriet. And when he's about to look at me again, umiwas ako. Suddenly, I felt something weird that I didn't felt before. This is so foreign to me...

Now I know what I need. Is it what or who? I'll figure it out myself.

Nagulat ako ng tumunog ang cellphone para sa isang mensahe. Unknown number. Sino 'to? Sa kuryosidad ko ay binuksan ko iyon.

From: Unknown number

Stop staring at me. I might misinterpret you.



< 3

Drowned By The Waves of LoveWhere stories live. Discover now