Kabanata 10

1 0 0
                                    


Ang kaninang hiling ko ay mukhang kabaligtaran ang nagkatotoo. Kung ganito lang din naman pala ay hindi ko na lang hihilingin ulit 'yon. Palabas na kasi kami ng room nang bigla kaming hinarang ni Harriet. Here we go again.

"Parang ang saya niyo naman ata?" Nakangiting tanong ni Harriet habang magkakrus ang braso.

"Ay, oo teh sana ikaw din!" Tumatawang sabi ni Alex. Gusto ko siya kurutin ngayon dahil pinatulan pa talaga niya!

"I'm happy." Palaban ding ani Harriet.

"Hindi halata." Mataray pang singit ni Aria. Biglang nagsalubong ang mga kilay ni Harriet at humakbang papalapit sa 'min.

"Talagang hindi halata dahil sino ba namang magiging masaya kung kayo ang makikita ko? Lalo na ikaw!" Pasigaw at galit na tugon ni Harriet. Tumingin siya sa 'kin ng masama na nilabanan ko naman. May ideya ako kung anong ikinagagalit niya pero hindi ako sigurado.

"Anong ginawa ko?" Kalmado kong sagot.

"Ha!" Singhal niya. "Stop playing innocent, Lalaina. I know what you and 'MY' boyfriend did earlier." Sabi niya na ikinabigla ko! Dahil doon ay naagaw namin ang atensyon ng ibang estudyanteng nasa loob pa rin ng room at pati na rin ang nasa labas na nakarinig sa mga sinabi ni Harriet. "I have already reminded you, Lalaina. What happened to that 'No one wants to flirt with your guy' huh?"

"What did I do?" Naguguluhan ko pa ding tanong.

"Oh, so you want me to say it here?" Nanghahamon na sabi niya. Linabanan ko ang nag-aapoy niyang tingin dahil alam ko sa sarili kong wala akong ginagawang masama.

"Is that even a question? I asked you and I'm demanding answers." Palaban na sabi ko.

"May nakarinig lang naman sa inyong nag-uusap at nagahaharutan kanina. Talagang sinadya mo pang masyadong maaga pumasok para lang malandi siya?" Tangina.

"At naniwala ka naman?" Sabi ko na ikinakunot ng noo niya. "Oo, nag-usap kami."

"See? You admitted it. Guys, did you hear that? This girl right here is flirting with my boyfriend!" Pahayag niya sa mga taong nandoon at itinuro pa 'ko. Proud na proud siya na parang may napatunayan sa mga paratang niya. Dahil don ay nagsimulang magbulungan ang mga kaklase namin at nakatingin na sa 'kin ng masama. "Now what?" Pagbalik sa 'kin ng atensyon ni Harriet.

"You know what? You really are beautiful." Pahayag ko dahilan para mapangiti siya at hinawi pa ang buhok niya. Uto-uto. "You're sexy." Pinasadahan ko din ng tingin ang buong katawan niya. "You're wealthy." Basang-basa ko ang tuwa sa mukya niya. "But there is one thing that I know for sure you're not aware about yourself." Sabi ko. Pinagkrus ko pa ang mga braso ko at lumapit sa kanya. "Wanna know that?" Hamon ko.

"And what is it?" Nanghahamon niya ding sagot sa 'kin.

"That is.." Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. "... you're not aware that your stupid, Harriet." ikinabigla niya ang sinabi ko. Mabilis na nagbago ang ekspresyon niya dahil sa sinabi ko. "Yes, I admit it. Me and your boyfriend talked..." Pangbibitin ko. Ipinagpatuloy ko ang paglapit ko sa kanya hanggang sa tuluyan ng magkalapit ang mukha namin. Mas matangkad ako sa kanya kaya naman medyo nakayuko ako. "... but as far as I know, 'talking' is different from 'flirting'."

"At sana bago ka lumapit sa 'kin ay inalam mo muna ang ibig sabihin niyan. O gusto mo pang i-explain ko sa 'yo ang ibig sabihin ng mga salitang 'yan?" Dahil don ay nagsipagtawanan ang mga nakikinig sa 'min. "Sinabihan ka lang ng ganon ay naniwala ka naman agad? Why don't you talk to your boyfriend first before you come to me and lash out at me? You act as if you know everything... but from what I am seeing right now, you know nothing." Mas lalong sumama ang tingin niya sa 'kin at parang handa na 'kong patayin. Tsk.

Drowned By The Waves of LoveWhere stories live. Discover now