"Oh, nandito ka pa pala. Akala ko ba umalis ka na?" sabi ni Kristina sa kanyang nakababatang kapatid habang ito'y umiiyak sa labas ng mansion nila.
"Ate, ayokong umalis, ayoko! Bakit ba kailangan pang umalis ako sa bahay natin. Ngayon lang ako nagkamali ate pero bakit parang lahat kayo tingin niyo sa'kin kahiya-hiya na ako kaagad na dapat palayasin. Bakit, ate?"pangiyak-ngiyak na sabi ni Aria sa kanyang ate na si Kristina.
Walang katao-tao sa lugar na 'yon at isinadya talaga ng mga Perez na wala silang kapitbahay para na rin walang makaalam sa mga masamang ginagawa nila. At kung meron mang tao ay binabayaran nila ito o kung kaya't dinidespetya rin nila. Wala silang puso. Kahit sino ka man ay kaya ka nilang patayin nang walang awa.
"You know naman na sampid ka lang dito sa pamilya na 'to. Ay wait. Hindi ka pala sampid, ampon ka lang na binihisan ng mga magagandang damit, pinag-aral sa mamahaling eskwelahan, at pinakain ng mga mamahaling pagkain. pero kahit magkano pa man ang kinain, inaral at sinuot mo ay 'di mawawala ang katotohanan na ampon ka lang nila mom and dad. Oops, sorry, ganito mo pa nalaman, pero it's true, ha. Kaya umalis ka na rito sa pamamahay na 'to, and you're not a Perez anymore cause your no one na kaya get up and umalis ka na. NOW!!" Itinulak pa ni Kristina ang kapatid niya sa kalsada dahilan para magkaroon ito ng galos. At habang tumatayo pa si Aria sa kinatumbahan niya ay biglang may truck na papunta sa direksyon niya na parang sasagasaan siya. Sinubukan niyang tumakbo paalis sa kalsada ngunit sinusundan pa rin ito ng truck at ang huling nakita niya bago siya tuluyang mabangga ay ang tawa ng kanyang kapatid na si Kristina na ngayo'y kasama ang kanilang mga magulang; mga magulang na itinuring ni Aria na tunay at mahal siya ay ang mga magulang din na pumatay sa kanya.
Naging malakas ang pagtalsik ni Aria kung kaya't malabong mabuhay pa ito. Tumawag naman ng ambulansya si Kristina pero pinaabot pa niya ito ng 10 minuto bago siya tumawag upang masigurado na mawawala na si Aria sa buhay nila.
"Hello! Yes may accident na nangyari malapit sa house namin and I don't know what happen, but I think the girl is agaw-buhay na kaya can you please send an ambulance here?" Ngumiti si Kristina na pawang nagwagi sa isang patimpalak kung saan siya ang gumawa. Ngumiti rin naman ang mga magulang nito sa nangyari dahil sa wakas wala na si Aria. Wala na ang balakid sa mga pangarap nila.
Dinala na sa ospital si Aria gamit ang ambulansya na nag-aagaw buhay na. Ang lahat din na nakasaksi sa panyayari ay binayaran nila pati na rin ang driver ng truck na inutusan nila.
Makalipas ang ilang oras ay may tumawag sa telepono ng mga Perez na nagsasabing patay na si Aria. Ang sumagot ng tawag ay ang Ina ni Kristina, hindi muna nagsalita ito ng ilang segundo at sinabi na lang niya na ipa-cremate na lang nila si Aria at bigyan ng kaunting seremonya dahil babayaran nila ito. Walang pakialam ang buong pamilya sa nangyari kay Aria sapagkat plinano na ito nilang lahat simula pa lang.
Flashback
Kasulukuyang nagpaplano ang pamilyang Perez na i-dispatch si Aria.
"Dad, how would we kill her without anyone knowing? They will suspect us," tanong ni Kristina sa kanyang ama na ngayo'y nakaupo sa upuan nito sa kanyang opisina.
"No. No one will suspect us dahil hindi alam ng mga tao kung sino talaga si Aria. At isa pa, hindi naman siya rito nakatira. Walang nakakilala sa kanya maliban sa mga tauhan natin, at napaka-loyal nila sa atin. We just need to wait na magkamali siya ng galaw at do'n na natin siya papatayin, at sa gano'n, mapapasaatin na ang kayamanan ng ina niya na ibinilin niya sa kanya," sagot ni Benjamin sa kanyang anak.
Lumapit si Katerina sa mag-ama niya.
"Wala ring halos kaibigan ang batang 'yan maliban sa Clara na 'yon. Kaya walang maghahanap o magsususpetya. Hindi rin kasi niya alam ang koneksyon ni Aria sa atin. Kaya mamamatay siyang mag-isa na walang makakaalala sa kanya. She should be thankful to us too dahil magkikita na rin sila ng kanyang ina at tiyahin," tawang-tawa na sabi nito sa kanyang mag-ama.
End of Flashback
Sa huling araw ng seremonya ng pagkamatay ni Aria, iisang tao lang ang pumunta rito at 'yon ay ang kanyang kaisa-isang kaibigan na si Clara. Si Clara ang naging karamay ni Aria araw-araw kung may problema o kaaway ito. Walang alam si Clara na ang ikinamatay ng kanyang nag-iisang kaibigan ay dahil sa itinuturing nitong pamilya. Kailanma'y hindi kasi pinakilala nito ang kanyang pamilya sa kanya. Ang alam niya lang ay hindi gusto ng pamilya ng kaibigan niya si Aria. Hindi rin naman nasagi sa isipan niya na sila ang dahilan ng pagkamatay nito.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss
ActionAria Scarlet Armani is a powerful and intelligent young woman with incredible beauty, but, her beauty is exactly the opposite of her dark status. Mafia Boss. Who says a girl can never be a Don? Aria is living proof that even a girl can become a migh...