Chapter 2

23 2 0
                                    

"Kumusta siya doc? Will she be okay? It's already been 3 months, pero di pa rin siya gumigising" hindi na natapos nito ang sinasabi ng biglang, iminulat ng batang babaeng nakahiga sa kama ang kanyang mga mata na ikinagulat ng lahat na nasa silid at biglang lumapit naman sa batang babae ang doctor sa hinihigaan nito upang tingnan ang kalagayan nito.

"Nasaan po ako? sino po kayo? At bakit po ako nandito?" sabay-sabay na tanong ng batang babae sa mga tao na nasa harapan niya ngayon.

"You're in my house now and you're safe here, I tell you later what happen to you so just calm down and let Doctor Choi check you first." sabi ng matandang lalaki na parang nasa mid-30's, chineck na ng doktor ulit ang kalagayan ng batang babae at lumapit sa lalaki

"she's already ok sir, but she still need some rest knowing that she have been in a coma for three months I advise you to hire someone who can totally take care of her 24/7, to make sure she'll recover faster and by the way some of her memories may not come back yet because, of the big impact from the accident so, don't push her too much from remembering everything that had happen to her and maybe it's a good thing also, that she forget it temporarily to avoid getting her trauma, while she's still in recovery. Mauna na po ako." Mahabang paliwanag ng doctor sa matandang lalaki. Tahimik namang nakikinig ang batang babae sa kanyang higaan, di kasi niya alam kung ano ang gagawin at di niya alam kung paano siya napunta sa lugar na 'yon.

Isang buwan na ang nakalipas at maayos-ayos na din ang kalagayan ng batang babae at naalala na din niya ang lahat ng nangyari. Lalo na ang lahat na kasamaang ginawa ng itinuturing niyang pamilya, di niya lubos na maisip kung bakit kailangan pa nila itong patayin. Tuwing gabi ay di niya maiwasang umiyak sa kanyang kwarto dahil, sa mga bangungut na nangyayari sa kanya, wala siyang magawa kung di ang umiyak ng umiyak. Ano ba kasi ang magagawa ng isang batang babaeng katulad niya na walang kalaban-laban sa kanyang maka-pangyarihang pamilya.

"Signorina Aria, pinapu-punta po kayo ni Don Armani sa kanyang opisina, may mahalaga daw po siyang sasabihin" Tawag ng isang katulong kay Aria, habang nakakatitig lang ito sa kawalan.

Hanggang ngayon iniisip pa rin ni Aria, ang lahat ng nangyari bago ang aksidente. Hindi din niya maiwasang isipin ang bawat salitang sinambit ng kanyang kapatid sa araw na 'yon. Nalaman niya kasi na hindi siya parte ng pamilya, pero kahit di man pa sinasabi ng pamilyang Perez ang katutuhanan ay alam na niya na hindi siya parte ng pamilya dahil, sa pakikitungo nila sa kanya pero kailanman ay di niya inisipan ng masama sila bagkus mas minahal pa rin niya ang mga ito.

Apat na buwan na ang nakakalipas at nasa mukha pa rin niya ang kalungkutan. Dahan-dahan siyang tumayo sa kanyang kinauupuan at habang naglalakad papunta sa opisina ni Don Armani ay, may biglang nabuong mga tanong sa isipan niya. Tanong kung paano at bakit siya tinulungan ni Don Armani gayun hindi pa niya ito kilala o di kaya kilala ba siya nito. Marami siyang tanong gaya, kung kaya ay binilisan niya ang paglalakad papunta sa opisina nito. Apat na buwan nga kasi siya nakitira na sa isang bahay na di naman niya alam kung, sino ang may ari at sa loob ng apat na buwan ngayon lang sila pormal na magkakausap tungkol sa nangyari.

Biglang huminto sa harapan niya ang katulong na kanina pa niya kasama papunta sa Opisina ni Don Armani.

"Nandito na po tayo Signorina, pwede na po kayong pumasok sa loob" mahinhin na sabi nito kay Aria, habang naka-yuko ang ulo.

Pinagmasdan naman ni Aria ang malaking pintuan sa harapan niya at dahan-dahan na binuksan ito. Ang unang bumungad sa kanya sa loob ay ang Vintage vibe na meron ang kwarto inikot-ikot niya ang kanyang paningin at kahit saan siya tumingin ay nakikita niya, ang mga vintage na mga gamit dito, at sa isang tingin pa lang alam niya na mamahalin ang mga ito.

"Signorina Aria, umupo na po kayo, kanina pa nag-aantay si Don Armani sa living area" Nagulat si Aria sa biglaang nagsalita sa kanyang likuran, hindi na niya kasi napansin na kasama pa rin niya ang katulong dahil, sa pagkamangha niya sa loob ng Opisina ni Don Armani.

Liningon ni Aria ang Living area at agad niya namang napansin ang isang lalaking na parang nasa mid-30's, iniyuko niya ng bahagya ang kanyang ulo para magbigay galang.

"Pasensya na po kayo sa'kin, namamanghaan lang kasi ako sa inyong Opisina, ngayon lang kasi ako nakikita ng Opisina na grabe ang Vintage vibe." Sabi ni Aria, na parang wala ng bukas. Natuwa naman si Don Armani sa kanya, ngayon lang kasi siya nakakita ng isang batang babae na napaka energetic pa rin sa kabila ng mga masamang nangyari sa kanya.

"Ahh. ganun po ba, alam mo Aria, natutuwa ako at may mga bata pa ring kagaya mo na nagagandahan sa mga lumang gamit" sabi nito kay Aria

Umupo na ng matuwid si Aria habang ngumingiti kay Don Armani.

"Ano po pala ang sasabihin niyo sa'kin?" pabiglang tanong ni Aria kay Don Armani, lumingon naman sa kanya si Don Armani at sinuklian din siya nito ng ngiti.

"Tatanungin sana kita kung, ano ang buong nangyari sa iyo nung araw na naaksidente ka?" tanong nito kay Aria, nagkaroon naman ng nakakabinging katahimikan sa loob ng Opisina. Yumuko muna si Aria at muling ngumiti.

"Unang-una po maraming salamat na tinulungan niyo ako at tungkol naman po sa nangyari sabihin na po nating nagkamali ako ng mga taong piniling mahalin at itinuring na pamilya"

Ikinuwento lahat ni Aria kay Don Armani, alam ni Aria na pribado niya itong impormasyon pero may isang parte ng kanyang puso at isipan na, kompartable at pinag-kakatiwalaan niya ito.

"ahh. Don Armani?" Tawag ng atensyon ni Aria kay Don Armani

"Ano 'yon hija?" Tanong naman ni Don Armani sa kanya

"kung mamaratin niyo po, may itatanong rin sana ako sa inyo?"

"Ano 'yon?" Nagulat si Don Armani, pero may parte sa isipan niya na alam na niya kung ano ang itatanong ni Aria sa kanya.

"Paano niyo po ako natagpuan? Bakit niyo po ako tinulungan? Kilala niyo po ba ako? O baka kilala niyo rin po ang totoo kong mga magulang?" Sunod-sunod na tanong ni Aria

"Una sa lahat oo kilala ko ang mga magulang mo, matagal na rin kita pina-susundan sa mga tauhan ko at matagal na rin kitang hinahanap, ang kapatid ko na si Amanda Armani, siya ang itinuring mong ina ng bata ka pa lang pero, di siya ang tunay mong ina dahil, patay na ang totoo mong ina dahil sa panganganak sa'yo. Ang ama mo naman ay..." Napatigil si Don Armani sa kanyang sinasabi at biglang tumingin kay sa mga mata ni Aria

"sino po ang aking ama?" tanong ulit ni Aria

"Ako ang ama mo Aria, ibinilin kita kay Amanda at nangako ako na babalikan kita, ngunit pagbalik ko ay wala na kayo at nalaman ko na lang kailan lang na patay na si Amanda dahil sa car accident hinanap kita anak, pero mahigpit kang itinago sa'kin ng mga Perez. Perez ang mama mo, ang buo niyang pangalan ay Amelia Perez, hindi ko alam kung bakit ka nila itinatago noon pero, ngayon alam ko na, ngunit hindi ko muna 'yon sasabihin dahil, mas bibigat lang ang dadalhin mong sakit ngayon, kung malalaman mo pa ang katotohanan. Kailangan kitang iwan dahil sa tungkulin ko, maraming mga tao ang naghahanap sa akin, gusto nilang patayin ang lahat ng tao na mahal ko kung kaya ay, minarapat kong iwan ka kay Amanda at gustuhin man kita na alagaan, di pwede dahil, nagpapalakas pa ako, para mas maprotektahan kita. Ngayon na nalaman ko ang mga kasamaan na ginawa ng mga Perez sa iyo ay di ko sila mapapatawad. Dudurugin ko sila isa-isa kung kina-kailangan." Mahabang paliwanag niya kay Aria, pinagmasdan ni Don Armani si Aria pagkatapos niyang sabihin ang totoo.

Hindi nakapagsalita si Aria, kailan lang ay nalaman niya na, hindi niya totoong pamilya ang mga Perez at ngayon naman nalaman naman niya na anak siya ng taong sumagip sa kanya at hinahanap siya nito. Masayang-masaya siya na may kahalong hinagpis at galit. Ilang taon din itinago ng mga Perez ang katotohanan sa kanya at itinago pa siya nila sa kanyang tunay na Ama.

Hindi na napigilan ni Aria na yakapin ng mahigpit si Don Armani, at sa pagkakayakap Aria naramdaman ni Don Armani ang saya ni Aria. Kilala na niya ang tunay niyang ama at mahal siya nito. Matagal din siyang naghahanap ng tunay na pagmamahal ng magulang at ngayon ay magkakaroon na siya ng tunay na pamilya kasama ang ama niya. 

Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon