Aria's POV
May masama man ang nangyari sa akin ng nakaraan buwan at taon masaya ako at kasama ko na ang totoo kung Ama at pati na rin ang itinuturing niyang pamilya. Nalaman ko na isa pa lang Mafia boss si Don Armani ay si Daddy pala, di pa ako sana'y na tawagin siyang daddy dahil, ilang linggo pa lang ko kasi nalaman ang katotohanan. Natakot ako noong una, nang malaman ko na isa siyang Mafia boss pero, nakita ko naman ang pagsisikap niyang tumayong ama sa akin at nakilala ko na rin ang ilang myembro ng Mafia ni daddy, mababait sila at di ko 'yon inaasahan ang turing nga nila sa akin ay parang anak at nakababatang kapatid nila parati ko silang kalaro kung wala si daddy at alagang-alaga ako nila parati.
"Signorina Aria, pinapatawag ka po ni Don Armani sa kanyang Opisina" sabi ng isang katulong sa akin, gaya ng dati siya pa rin ang pinapupunta ni Daddy sa akin siya din kasi ang naka-assign na mag-alaga sa akin, namimiss ko tuloy si Yaya Belin na kasama ko mula pagkabata, siya kasi ang kasama ko sa apartment ko, oo nasa apartment lang ako di kasi gusto ng mga Perez na do'n ako tumira sa kanila kaya siya parati kung kasama itinuring ko na din siyang tunay na Ina kahit di kami magkadugo alam kong tunay ang pagmamahal niya sa akin bilang anak niya.
"ahh, sige ililigpit ko muna ang mga gamit ko, antayin mo na lang ako muna Alice" sabi ko kay Alice habang isa-isa ko ng iniligpit ang mga laruan na ginamit ko kanina sa paglalaro ko.
Habang naglalakad kami ni Alice ay yakap-yakap ko ang isa niyang kamay palagi akong ganito sa kanya naging close ko na din kasi siya kaya napakakomportable ko na sa kanya, nagkwekwentuhan din kami tungkol sa mga trabaho nila daddy, at nalaman ko din sa kanya na di katulad ng mga Mafia sila Daddy na puros masasama ang ginagawa dahil, sila ang palihim na tumutulong sa gobyerno na mabawasan ang mga criminal ng iba't-ibang bansa, at parati rin daw may ginagawa na feeding program sila Daddy pero, hindi din naman nila pinapaalam sa iba na Mafia sila except sa mga Presidente ng iba't-ibang bansa, tinatago nila ang kanilang trabaho sa pamamagitan ng iba't-ibang kompanya na meron ang Mafia sa bawat bansa.
Binuksan ko na ang pintoan at hinanap ko si Daddy, yinakap ko ito na ikinagulat at ikinatuwa nito.
"Daddy alam mo naglalaro kami nila kuya Den at Jay kanina ng bahay-bahayan at napaka-ganda pala ni Kuya Den maging babae hahahaha" pagsusumbong ko kay Daddy at natawa naman siya sa mga sinabi ko
"Mukha ngang napaka-saya mo nga anak kitang-kita sa mga mukha moa ng bahid ng kasayahan, kaya anak since malapit na ang birthday mo." Biglang banggit ni Daddy sa akin
"Po?" nagtaka si Daddy sa reaksyon ko at nakuha naman niya agad kung, bakit ganun na lang reaksyon ko sa sinabi niya
"Ang tunay mo na birthday kasi malapit na at gusto ko sanang magkaroon tayo ng simpleng pagsasalo para na din makilala mo pa ang iba pang myembro ng ating Mafia family, yan ay kung gusto mo" Paliwanag ni Daddy sa akin, pagkadinig ko na magkakaroon kami ng handaan sa tunay birthday ko ay di ko mapagilang lumundag sa tuwa
"Talaga Daddy? Magkakaroon tayo ng handaan sa Birthday ko? gustong-gusto ko Daddy alam mo pangarap ko talagang mag-celebrate ng birthday ko kasama ang pamilya ko, at ngayon na nakilala ko na kayo at pati na rin sila kuya Jay at Den kayo na ang pamilya ko" Banngit ko sa kanya
Ngumiti si Daddy at yinakap niya ako bigla na parang naluluha.
"Ako rin anak pinapangarap ko din na makasama ka sa iyong mga kaarawan, kay tagal ko na ring hinintay ang pagkakataon na ito." Maluha-luhang sabi ni Daddy sa akin
"Daddy are you crying?" tanong ko sa kanya, hindi ko kasi makita ang mukha niya ngayon dahil, magkayakap pa rin kami.
"No, malakas kaya daddy mo hahaha. Ahh, oo nga anak meron pa pala akong sasabihin sa'yo"
"Tungkol sa ano po Daddy?" pagtataka kong tanong sa kanya
"balak ko kasi na ipa-homeschool ka para mas maalagaan ka rito sa bahay" sabi ni Daddy sa akin
"Sige daddy gusto ko yan, pero daddy pwede bang turuan mo din ako ng mga martial arts at mga iba'-ibang techniques mo? hehehe. Gusto ko din kasi na maprotektahan kita, para kung may aaway sa'yo ipagtatanggol rin kita. Please. Please." Pagmamakaawa ko kay daddy
"sige ako mismo ang magtuturo sa iyo ng mga iyan, basta gamitin mo din yan sa mga nag-aaway sa'yo huh." Sang-ayon niya sa sinabi ko
"Yes! Daddy" sabi ko kay Daddy habang naka-salute sa kanya, tumawa naman ulit si Daddy sa ginawa ko.
11 years old lang ako pero alam kong makakaya ko ang mga aaralin ko dahil, madali akong matuto at 'yon ang kinabiliban ng mga guro ko dati, sa akin nung nag-aaral pa ako, kasi titingnan ko lang ay natutunan ko na kaagad, sa academics naman madali rin ako matuto at minsan nga ay hindi na ako nakikinig sa teacher's ko dahil, alam ko na kaagad ang mga lessons namin.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss
ActionAria Scarlet Armani is a powerful and intelligent young woman with incredible beauty, but, her beauty is exactly the opposite of her dark status. Mafia Boss. Who says a girl can never be a Don? Aria is living proof that even a girl can become a migh...