Chapter 1: Dream
Nakaupo ako sa malamig at maduming sahig ng bilangguan na kinalalagyan ko. Halos maging kulay pula na ang dating puting-puti kong kasuotan dahil sa dugong nagmumula sa mga sugat sa buong katawan ko. Madilim ang paligid dahil ang nag-iisang ilaw ay nasa bungad pa ng silid at wala ring kahit isang bintana upang masilayan ang labas, habang bumabalot ang katahimikang nakakabingi, nakakabaliw.
Lumipas ang oras na hindi ko man lang nalalaman kung ano na ang nangyayari habang nasa loob ng kulungang ito. Hindi ko man lang malaman-laman kung ilang oras, o araw o baka buwan na akong nakulong dito.
Hindi ko man lang nakausap ang pamilya ko bago nila ako kinuha. Hindi man lang ako nakapagpaliwanag sa kanila at pati na rin sa nasasakupan namin. Nakayuko lang akong naghihintay sa sulok ng rehas na ito, nag-aabang ng balita hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog ako dahil sa pagod at sakit.
Naalimpungtan lang ako nang may magbuhos saakin ng tubig. Napapakislot dahil sa lamig, nakarinig ako ng mahinang pag-iyak mula sa labas ng rehas ko. Napalingon ako dito at nakita ko ang pamilya kong umiiyak dahil sa sinapit ko.
May kasama silang mga bantay at ang mga lapastangang gumawa nito saamin. Nagngingitngit man sa galit ay hindi ko napigilang abutin ang pamilya kong halos abot kamay ko na, ngunit hindi ko sila tuluyang naabot nang hagupitin ng latigo ang braso ko. Humihikbing napahiyaw ang aking ina at ang aking kapatid habang umiigting naman ang panga ng aking ama sa galit. Tiniis ko ang sakit at nanghihinang ngumiti sa kanila upang iparating na maayos lang ako.
"Hindi ko akalaing makikita kong ganito ang pamilyang tinitingala ng lahat. Kaawa-awa at walang magawa upang iligtas ang isa't isa," narinig kong komento ng isa sa mga gumawa nito saamin. Kilala ko sila. Kilala sila ng pamilya ko. Ngunit nagawa pa rin nila kaming pagtaksilan.
Humakbang palapit sa rehas ang isa sa kanila at marahas na hinawakan ang panga ko upang makita nilang lahat ang paghihirap ko. "Panuorin mong maigi ang susunod na mangyayari. Dahil siguradong tatatak ito hindi lang sa isipan mo kundi pati na rin sa puso't kaluluwa mo," pagkatapos ay ngumisi syang tila isang demonyo.
Hindi sya bagay para maging isang anghel, bakit nga ba sya ipinanganak sa lahing ito kung mas nararapat sya sa lahing demonyo?
Tumawa sila ng mga kasama nya habang nagbibigay ng senyas sa mga bantay. Biglang nilukob ng takot at kaba ang buong sistema ko nang maglabas sila isa-isa ng punyal at itutok ito sa leeg sa mga mahal ko sa buhay.
Nanginginig na napahawak ako sa rehas habang nagmamakaawang nakatingin sa kanila. "Pakiusap, huwag na ninyo itong gawin saamin. Huwag mo silang papatayin. Ako nalang. Pakiusap," namumuo na ang mga luha ko sa mga mata habang nakatitig sakanila, kinakabisado ang mukha ng bawat isa.
Natawa lang sila sa pagmamakaawa ko habang nakatingin saakin na may pagkaaliw sa mga mata. "Ang hinahangan ng lahat na anghel ay kasulukuyang nagmamakaawa saamin. Tila ito na ata ang pinakamagandang musika na narinig ko."
Akala ko ay makikinig sila sa pagmamakaawa ko ngunit ginawa pa rin nila ang bagay na kinatatakutan ko at ikinasabog ng galit sa puso ko.
"Mamaalam kana sa iyong pamilya, magkakasama rin kayo pagkatapos nila," at sa harapan ko mismo, itinarak nila ng walang pakundangan ang punyal sa dibdib ng mga mahal ko sa buhay. Walang ibang maririnig sa buong silid kundi tanging ang paghiyaw ko, ang mga daing ng pamilya ko, at ang nasisiyahang halakhakan ng mga walang pusong pumatay sakanila.
Napabalikwas ako ng bangon nang magising ako mula sa bangungot na iyon. Tagaktak ang pawis, hinihingal at may mga luha sa mata. Pinahid ko ang mga luhang nasa pisngi ko habang hinahabol ang hininga. Napahawak nalang ako sa ulo habang binabalikan ang mga napanaginipan ko.
That nightmare again. It always haunts me almost every night. It always shows up even if I wanted to forget about it.
Napasuklay nalang ang mga daliri ko sa puti kong buhok at tiningnan kung anong oras na, saka napagpasyahang bumababa na ng kama. Nagtungo agad ako sa kusina upang uminom ng tubig upang mapakalma ang sarili ko. Nagluto na rin ako ng umagahan para sa mga kasama ko sa bahay. Nang matapos ako, bumalik na muli ako sa kwarto at nag-ayos na para pumasok.
Narinig kong kumatok sa pinto si mama habang nasa harap ako ng salamin at inaayos ang uniporme ko. "Opo, pababa na po!"
Kinuha ko na ang gamit ko at nagmamadaling bumalik sa kusina. Nakita ko silang dalawa na nakaupo na, magsisimula nang kumain. Nilapag ko ang bag ko sa upuan at umupo na rin. "You're early today. Is it about that nightmare again?" tanong saakin ni papa.
Sila ang kumupkop saakin nang matagpuan nila akong nakahandusay noon sa gitna ng kalsada, puno na sugat at halos naghihingalo na. Inalagaan nila ako hanggang sa magkamalay muli ako at itinuring na tunay na anak. Masasabi kong sakanila ko ipagkakatiwala ang buhay ko dahil na rin sa dami nang nagawa nila para saakin.
Ngumiti lang ako ng marahan sakanya bilang sagot at ipinagpatuloy ang pagkain. Napabuga nalang sila pareho ng hangin dahil sa inasal ko. Inilihis nila ang usapan dahil alam kong naramdaman nilang ayaw kong pag-usapan ang bagay na iyon.
Nauwi ang umagahan namin sa isang kwentuhan bago naghiwa-hiwalay upang pumasok sa kanya-kanyang mga gawain. Ako sa eskwelahan at sila naman sa negosyong ipinundar nila.
Sinimulan ko nang lakarin ang daan patungo sa paaralang pinapasukan ko. May mga nakasabay din akong mga estudyante pero mayroon silang kanya-kanyang mga grupo. I'm just a nobody in this school. Pero may dalawang taong gustong-gusto na lumalapit saakin kahit na ipagtabuyan ko na.
"Lia! Hey! Wait for us!" Tumakbo silang dalawa upang makahabol saakin. Kasalukuyan na kaming naglalakad sa pasilyong papuntang classroom nang simulan na nila akong kulitin. "Hey Lia, did you already heard about the news? May transferees daw!" masiglang ani ni Rianne. She's a petite girl who always smiles at everyone. Her curly raven hair was laid down behind that emphasizes her fair complexion.
"They actually came from an elite school. I bet they're geniuses," kibit balikat namang sabat ni Ainslee. While her, Ainslee is a totally different version of Rianne. Sure she smiles but rarely. She's always composed and formal, the reason why she gained the position of president in the student council.
I almost rolled my eyes on them. The hell I care with those newbies. I want to have peace, a calmness without this two girls.
They choose to be stucked with me. A boring and weird student like me.
I heared Rianne giggled. "Rumors said it was a group of beautiful girls and handsome boys. It was actually a large group that's why some of them were seperated with each other. And you know what's good? Five in that group were in our class!" She almost shrieked that made Ainslee point her forefinger in her lips to signal her to lessen her voice. Napabuntong hininga nalang ako sa kanilang dalawa at napapailing na binilisan ang paglalakad nang matanaw ko na ang pinto ng classroom.
Nabuksan ko na ang pinto nang mapansin nilang nakalayo na ako sa kanila kaya nagmamadaling humabol silang dalawa saakin. Umupo na ako sa may bandang bintana sa pinakalikuran ng silid habang tumabi naman sila saakin.
I frowned. I wanted to be alone but how can I do that if they're always tailing me.
They continued to talk in my side while I'm staring blankly in nowhere outside the window. When the bell ringed, all students came into their respective seats. Some of them were still babbling but it all disappeared when the professor entered the room.
He cleared his throat before he utter some words. "I'm sure everybody already heard that we're having transferees," paninimula nya. Nang lumingon sya sa nakabukas na pintuan, pumasok na rin ang mga transferees.
Three boys and two girls. The rumors were true, they have those faces everyone could ever wish for. But there's something odd about them. And when I move my eyes to observe them more, it stopped to a certain guy with a familiar face and presence, also intently looking at me.
•••
BINABASA MO ANG
Eclipse
FantasyEclipse is a hybrid angel. She became a threat to both Dark and Light Angels, that's why they kill her. She disappeared in thin air, forgetting about her existence and treated her like a myth. In present time, the angels can associate with humans. B...