Chapter 5: Death
Lumipas ang ilang linggo pero wala pa naman akong nababalitaan na may namatay sa lugar namin. Gusto kong ignorahin ang nangyari noong gabing 'yon pero hindi ko magawa. Habang tumatagal, mas bumabalot ang takot at pangamba saakin.
Sa nakalipas din na mga linggo, binabantayan ko sina mama at papa pero hindi ko yun laging nagagawa dahil may pasok ako at isa pa, hindi din ako sigurado kung sila ba. Ang hirap mangapa, manghula kung sino sa kanila ang mamamatay.
Sa nakalipas ding mga linggo, I've been alone, bagay na lihim kong ipinagpasalamat dahil hindi ko na alam ang gagawin kung mangungulit pa rin silang dalawa saakin. Pero wala nga yung dalawang makulit, may isa namang laging nang-iistorbo.
"Hey. Focus on the report Eclia, not on something isn't important," pang-iistorbo ni Lune saakin nang mapansin nyang okyupado na naman ng ibang bagay ang isip ko.
It was such a headache to be his partner in a group reporting in one of our classes. Mayabang pero may maipagmamayabang naman pero nakakainis pa rin.
Napairap lang ako sakanya at ipinagpatuloy na ang pagbabasa at pag-outline sa gagawing report.
We were currently at the library where there's no one except for us and the librarian. The reason why most students avoids to be in here is because of the eerie atmosphere that will give you some goosebumps and the librarian is also scary.
She was a tall old woman who will always glared at you whenever you disturbed her. Her grayish hair is fixed in a bun with a pen in it and she's always holding a stick to make the students quiet and organized inside the library.
Lune was searching for the books related to our topic while I'm taking down some notes.
Bumalik sya, dala dala ang isang pile ng libro at ipinatong ito sa lamesa kung saan ako nakaupo. Sinamaan ko sya ng tingin. "Nang-aasar ka ba talaga McCaea?" Ngumisi lang sya saakin dahilan para lumabas ang biloy nya sa kaliwang pisngi. Napatiim bagang nalang ako sa inis.
Naiinis man ay pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa para matapos na agad at matapos na rin ang paghihirap ko bilang kapareho nya pero di nagtagal, binasag din nya ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Why are you so scared to be closed with someone? Don't you feel lonely for not having someone by your side?" He curiously asked while looking intently at me. Sinulyapan ko lang sya saglit at saka ipinagpapatuloy na ulit ang pagsusulat habang nagsalita syang muli.
"You have a dark heart. Full of misery, hatred, loneliness and vengeance. That leads to your inability to trust someone. You should give some chance to others to prove their intentions to you. Open up your heart for those who truly cares for you," he said while his crystal blue eyes were softly gazing at me. I scoffed in his remarks. He said it as if it is easy as reciting the alphabets.
"Why do you care if I'm all alone? Just mind your own bussiness and don't speak as if you know me because you don't," naiinis kong sagot. I hated it when someone can see through me because in just one wrong move, they'll know how I feel.
Napaupo naman sya ng maayos habang nakahalukipkip ang mga braso at nakadekwartro ang mga binti. "Then who are you really, Eclia Wray?" Seryoso syang nakatitig saakin habang pinag-aaralan ang bawat emosyon ko sa mukha.
We were staring with each other as if no one wants to give up in this low-key staring contest. He cheekly grinned. "But then again, you're right. It's not my bussiness to know. But I'm so sick to see you having that dark aura of yours. Go and apologize to those girls so a bright aura can lighten you up."
Naiinis na napasuklay ako sa puting mahabang buhok ko at napahinga ng malalim para kumalma. He really know how to pissed the hell out of me.
He just let out a chuckle because of my actions. "You really have a thin patience, don't you?" he playfully said while his eyes shined with amusement.
I glared at him. "Just shut the hell up Lune."
We consumed our time in the library by pissing me off and him, laughing while we're doing the damn report. Until we finished it and already walking towards the gate, he didn't leave me alone even if I'm shooing him away.
But I stopped bothering him when I saw from afar the group of ravens, again. But this time, the doves were not with them and they're not flying in circles, they're just passing by but I felt goosebumps while staring at it.
The thought of what happened few weeks ago filled me with dread. I stopped from walking and just stared at the sky filled with flying ravens, stunned and unable to move. Halos hindi na ako makahinga dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Natatakot ako, para sa mga posibleng mangyayari.
Napansin ni Lune na wala na ako sa tabi nya kaya napalingon sya sa direksyon ko. Nanatili lang akong nakatingala, tinatanaw kung saan patungo ang mga uwak. He also stared at the ravens and then back to me. "What now? You want to fly like them?"
Unti unti na akong napapaatras habang patuloy pa rin ang mga uwak sa paglipad sa iisang direksyon. May mga nabangga ako pero hindi ko yun pinansin kundi tumalikod na para sana pumunta sa direksyong iyon ngunit bago pa man ako makaalis, nahagip ni Lune ang braso ko.
"Why are you so scared?" kunot noong tanong nya saakin na hindi ko magawang sagutin dahil ang tanging nasa isip ko lang ay ang mga uwak at ang pupuntahan ng mga ito.
Marahas kong binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak nya habang umiiling na may mabibigat na hininga. "Not now Lune. Just.....just back off."
Tumakbo na ako pauwi. Doon patungo ang mga uwak, sa direksyon kung saan nakatayo ang bahay namin.
Kahit pa na halos hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa hingal at walang tigil na pagtambol ng kaba sa dibdib ko, pinagpatuloy ko ang pagtakbo. Habang papalapit ako sa lugar namin, mas lalong kumakabog ang dibdib ko.
Isang bagay na ayaw na ayaw kong maramdaman. Ang takot, pangamba, at pag-aalala.
Nang makarating ako sa wakas sa bahay, hindi na agad ako nag-aksaya pa ng oras. Dumiresto agad ako papasok at para akong pinagsukluban ng langit at lupa. Hinihingal habang nanginginig ang buong katawan, napaluhod ako sa nakikita ko. "N-no..."
Dugo.
Nagkalat na dugo sa buong bahay. Dugo ng mga kumupkop saakin. Dugo na malayang umaagos mula sa katawan nilang mga wala nang buhay.
Nakahandusay sila sa sahig, may saksak sa dibidib at may mga sugat na mukhang nakuha nila mula sa panlalaban sa kung sino man ang gumawa nito. Nanginginig na napatakip ako ng bibig habang humihikbing nakatitig sa katawan nila.
Nahuli ako ng dating. Kung sana ay maaga akong nakauwi, hindi sana ito mangyayari. Wala man lang akong nagawa. Wala man lang akong nagawa upang iligtas sila. Napakawalang kwenta.
Hanggang kailan ba ako magiging ganito? Hanggang kailan ba magiging ganito ang buhay ko? Naging mahalaga din sila saakin kahit na hindi ko iyon sabihin sa kanila, alam kong ramdam nila iyon. Pero bakit? Bakit lahat nalang ng mahahalaga sa buhay ko, laging nawawala?
Napaiyak nalang ako.
Sila ang tumulong saakin noon, pero hindi ko man lang sila natulungang iligtas ang mga sarili nila mula sa kamatayan.
•••
BINABASA MO ANG
Eclipse
FantezieEclipse is a hybrid angel. She became a threat to both Dark and Light Angels, that's why they kill her. She disappeared in thin air, forgetting about her existence and treated her like a myth. In present time, the angels can associate with humans. B...