Chapter 11

1 0 0
                                    

Chapter 11: Restored

I woke up with puffy eyes and dried tears in my cheeks, feeling groggy and hungry. Masyado atang napasarap ang tulog ko kanina dahil papagabi na ngayon, dahilan kung bakit gutom na ako.

Napabuga nalang ako ng hangin at inayos na ang sarili, naghahanap na rin ng makakain sa dala kong mga gamit. May mga baon akong pagkain para kung sakaling may mangyaring ganitong sitwasyon, mga armas na paniguradong kakailanganin ko at mga gamot.

Kumakain na ako ng dala kong tinapay habang nakaupo sa ugat ng isang puno nang may maramdaman akong presensya sa di kalayuan. Uminom na ako ng tubig at niligpit na rin ang mga gamit ko habang naghahanap ng mapagtataguan pansamantala.

Nakapagtago na ako sa mga matataas na damo na natatakpan ng malalagong mga baging mula sa isang puno nang bumungad saaking paningin ang dalawang lalaking mukhang nangangaso. Mga tao.

May mga dala silang pana at itak habang masayang nagkukwentuhan at bitbit ang mga huli nila. Mukhang napadaan lang sila sa parte ng gubat na ito at pauwi na. Pero nang malapit na silang makaalis sa paningin ko bigla nalang silang nahuli ng isang patibong at mayroong mga lubid sa kanilang paa kaya napabitin sila patiwarik. Nabitawan ang mga sandata pati na rin ang kanilang huli, pilit nilang tinatanggal ang pagkakatali ng paa nila sa lubid.

Tutulungan ko na sana sila at lalabas na sa pinagtataguan ko pero may mga naunang dumating. Sa pagkakataong ito, mga nilalang na kinamumuhian ko ngunit sa kasamaang palad, mga kauri ko rin.

Mga anghel. There are a lot of angels circling the humans who are trapped, eyeing them.

"She's here awhile ago," narinig kong ani ng isang babaeng anghel. Napatingin naman ang ilan sa mga taong nagpupumiglas sa pagkakabitin at tinulungan nila itong makaalis. Nagpasalamat naman ang dalawang mangangaso sa mga tumulong sa kanila.

"May nakita ba kayong babae sa parte ng kagubatang ito? Babaeng may puting mahabang buhok at lilang mga mata?" tanong sa kanila ng isang lalaking anghel. Nagkatinginan pa sila bago umiling sa mga ito. Hinayaan nalang ng grupo ng mga anghel na umalis ang dalawa dahil wala naman silang nakuhang impormasyon sa mga ito.

Hindi sila pamilyar saakin. Hindi sila ang mga anghel na kapanalig nila Cynthia dahil halos nakasalamuha ko na lahat ng mga anghel sa mansyon. Kung ganoon ay sila ang ipinadala ng kasalukuyang pinuno ng mga anghel upang patayin ako.

Napairap nalang ako. Ilang beses na ba itong nangyari? Magpapadala ng mga tauhan upang ipapatay ako pero wala ni isang nagtagumpay. Nagsasayang lang sya ng oras.

Ganoon na ba talaga sya kasabik na paslangin ako? Dahil nasasabik na rin akong patayin ang dahilan ng miserable kong buhay.

Angels are known for being pure-hearted. We are the divine creatures who's maintaining the peace and goodness in this world. The guardians. But nothing is permanent in this world. We are still prone to temptations, to commit unforgivable sins and be punished by the higher ups, the Gods.

The Gods can only punished us once we go beyond our limitations. The Light Angels and Dark Angels have the same sacred rule but with different purposes.

We guide and protect but most importantly, we keep the balance in this world while the Gods only creates. They can't always interfere with our affairs and to a human affair, that's why they created a prophecy.

Combined force into mighty one,
The creator and the destroyer.
A Guardian of Guardians,
Holder of Balance.

It was the reason why everything messed up. It fueled the darkest and deepest desires of many angels to surrender in their temptations.

Darkness consumed some of them, tainting the once pure race.

It was the time when they kept the prophecy from the knowledge of the next generations to prevent the darkness to spread. They banned all the informations about it, and it was only told now as a myth.

This group were part of the current generation of the angels. They didn't know anything, they only believe in what they saw and what they hear from the other side of the story.

It was easy to decieve someone who didn't know the whole truth. Napangiti nalang ako ng mapait.

History have different versions, from different point of views. You will never learn the truth if you only know one of the versions of it and decided not to know the others.

Napagdesisyunan kong lumayo na sa parteng iyon nang hindi nila napapansin. Itinago ko nalang ang presensya ko upang hindi nila ako masundan pa. Ayokong manakit hangga't maaari, dahil alam kong katulad ko ay biktima lang rin sila ng isang malaking panlilinlang. Pero hindi pa rin noon mababawasan ang hinanakit ko sa mga kauri ko.

Malapit ng dumilim sa kagubatan, maririnig na ang iba't-ibang huni ng mga hayop na naninirahan dito na nagpadali sa paglalakad ko upang walang makarinig ng mga kaluskos na nagagawa ng pagdaan ko.

Natatakpan na ng mga naglalakihang mga puno ang liwanag mula sa papalubog na araw ngunit kitang-kita naman ang ganda nito mula dito sa itaas ng bangin. Sa ilalim nito ay ang nagwawalang mga alon at mga naglalakihang mga bato sa malawak na damuhan.

Dito na ako nanatili habang pinapanood ang paglubog ng araw, nakaupo sa nilatag kong long coat na kanina'y suot ko habang nakatukod ang mga kamay sa lupa upang suportahan ang timbang ko.

I love how the sky painted in pink and orange hues with feathery clouds, the salty chilling breeze from the ocean below, and the serenity of this place that I've been seeking for. A quick calmness for a long exhausting ride. Napangiti ako.

The sun already settled down, the faint light coming from it were slowly fading, revealing the starry sky and the bright full moon. Everything was peaceful not until I felt something strange happening inside my body.

The flesh in my back were burning hot as if it was being cooked inside. Napaayos ako ng upo dahil dito habang iniinda ang sakit na unti-unting lumalala sa bawat paglipas ng oras. It was painful that I couldn't even restrain myself from groaning. I let myself fell on the ground while catching my breath, filled with my sweat and grasping the grasses. I am almost tearing up because of the extreme pain from my back.

Napahiyaw nalang ako sa sakit ng maramdaman kong parang napupunit ang balat ko sa likod, patuloy na umaagos ang mga luha sa pisngi habang mabibigat ang binibitawang paghinga. Napayuko nalang ako habang mahigpit na nakakuyom ang mga kamao na para bang mababawasan nito ang sakit.

Parang mas gugustuhin ko nalang mamatay kaysa maramdaman ito.

A loud scream from me disturb the calmness in the cliff, with my ripped dress, blood dripping from the wound on my back to the grasses, and a silhoutte of big wings in my back under the moonlight.

A pair of big black and white wings.

It was the last thing I saw before I lost my consciousness.

Vanished and loathed,
Cruelty within dark times.
The balance will regain it's spot,
And will be restored with another one.

•••

EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon