Chapter 26

40 2 0
                                    

Sid's Pov

"Ma, may nakita po ba kayong maskara kagabi?"

"Wala naman. Natignan mo na ba sa salas at kwarto mo?"

"Opo, tinignan ko po bago ako umalis, wala po."

"Baka naman kasi wala ka talagang dala pag-uwi mo kagabi. Patayin ko na to sasakay na kami ng Tatay John mo. I love you."

"Ganon po ba Ma? Sige po mag-iingat po kayo. I love you too po Ma."

Baba ko ng cellphone ko. Tumawag sila Mama sakin, aalis daw sila ni Tatay John at pupunta sa probinsya. Duga nila, bigla bigla silang umaalis, gusto ko tuloy umabsent at sumama sa kanila.

Umiling nalang ako at pinagpatuloy ang paglalakad ko sa kahabaan ng kalsada papasok sa campus. Maya maya ay may narinig akong papalapit na humaharurot na kotse. Hindi na ako nag-atubiling tumingin pa doon at tumabi na agad ako dahil sa lakas ng tunog at bilis nitong magpatakbo.

Pagkaraan nito ay hindi ko naiwasan at sumalpok padin sa aking mukha ang gamok na iniwan ng rumaragasang kotse. Napatakip ako sa aking bibig at tsaka sumulyap sa kotse na isang sports car pala.

"Maghinay hinay ka naman sa pagmamaneho!" inis kong sigaw, kahit na sigurado akong hindi niya ako maririnig.

Nakita ko ang sports car na lumiko papasok sa campus. Hindi narin ako nagulat at nagtaka kung merong mang may nagmamay-ari ng ganon na mamahaling kotse sa campus.

Umiling agad ako sabay pagpag sa aking uniporme dahil sa gabok na nakuha. Tumakbo na ako pagkatapos ko para maabutan ang kung sino mang may ari ng sports car na yun at mapagsabihan sa kanyang pagmamaneho.

Pagkapasok ko sa campus ay sumugod ako sa parking lot. Lumingon lingon ako sa buong parking lot at nakita ko din sa wakas ang sports car na yun. Lumapit ako dito, pero hindi ko naabutan ang may ari nito.

Napakamot nalang ako sa batok ko sa inis at biglang tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko ito at nagchat si Zach.

"Nasaan ka?"

Napataas ako ng isang kilay sa nabasa ko, bakit ako tinatanong ng Zach na to? Baka wrong send si Mokong. Umiling nalang ako at nilagay sa bulsa ang cellphone.

Hindi na ako nagsayang pa ng oras at umalis na ako sa parking lot. Habang papaalis ay tinignan ko ang plate number ng sports car na iyon at umalis na ng tuluyan.

----------

Palapit na ako sa building namin nang makasalubong ko sila Elize at Max. Kumaway sila sakin at kumaway din ako pabalik.

Lalagpas na sana ako sa kanila nang may sinabi si Elize. "Oh, nandito ka na pala. Hindi pa ba kayo nagkikita ni Zach? Kanina ka pa niya hinahanap dito."

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko na hinahanap daw ako ni Zach. "Ha? B-bakit naman niya daw ako hinahanap?"

"Hindi lang namin alam kung bakit. Ang huli niyang sabi samin pupunta muna siya sa parking lot ngayon." sabi ni Max.

"Sid!" sigaw ni Ben mula sa hagdan. Lumapit ito samin. "Hi Max." bati ni Ben.

Ngumiti naman si Max kay Ben. "Hello? Ako walang Hi? Kapatid mo ako, hmp!" tampo ni Elize kay Ben.

"Kanina ka pa nandito?" tanong ni Ben sakin.

"Kakadating ko lang, bakit? Tinanong din ba sayo ni Zach kung nasan ako?"

"Ha? Hinahanap ka niya?" takang sagot ni Ben. "Iba naghahanap sayo. At nasa room natin siya ngayon."

Oh, sino naman tong naghahanap sakin na isa. Missing ba ako? At laging hinahanap.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sana Ako Naman Ang IpanaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon