Prologue

430 13 5
                                    

Sid's Pov


Masasabi kong masalimuot agad ang simula ng aking buhay sa mundong ito.

Paano ba naman, 3 yrs old palang ako ng iwan na ako ng tatay ko, ni wala pa akong muang sa realidad. Pero hindi ko siya masisisi kasi siguro tadhana yun, may sakit kasi si tatay na Leukemia, late ng nalaman ayun hindi naagapan. Kaya eto pinalaking mag-isa ng Mama ko pero hindi niya pinaramdam sakin na kailangan ko ng tatay. Complete package na ang Mama ko no.

Sa senior high nagsimula ang pagiging BL fan ko, pero hindi naman katulad ng iba na die hard fan, yung oks lang ba, masaya para sa mga actors, sa story ganon ba? pero straight talaga ako kahit na nanonood ako non, trust me straight ako.

Graduate na ako ng Senior High School, so incoming first year ako sa napili kong school or should I say pumili sakin kasi may scholarship na binigay so take it and grab it lang.

Santa Monica University.

Papasok palang ako with my bestfriend, Ben, upang mag-enroll, kaso mga tili at sigaw agad ng mga babae ang maririnig mo mula sa corridor.

"AAAHHH ZACHARY MENDOZA! ZACH!!! I LOVE YOU!" sabay sabay pa sila at nagpapalakasin pa.

Yeah, sigaw ang buong pangalang Zachary Mendoza. Hindi nalang namin pinansin at tuloy tuloy kami sa Dean's office.

Usap usap with Dean, pakilala ng very light, then ayun enrolled na kaming dalawa.

By the way si Benedicto Torres o si Ben nga pala ang may ari ng school, but wag niyong isipin na hiningi ko ang scholarship na to, pinagkaloob to sakin dahil nagpursige ako sa pag-aaral.

Mabalik tayo sa Zachary Mendoza, ayon don sa babaeng nag rerecruit sa Student Center(SC) para sa club nila, Zachary Mendoza is the current President of Supreme Student Council and he is a savage leader pero mukhang matinik sa mga babae. Gwapo, matangkad, may dimples, matalino, well school's heartthrob ang definition nila.

Pero para sakin, para lang siya isang hambog at mayabang na mokong sa akin. Hhhmmm...

----------

Ngayon na estudyante na ako dito sa Santa Monica University, masasabi kong magaling talaga siyang mamuno, kita naman sa mga galamay niyo na nagala dito sa school.

Mukhang mahigpit nga siya pero yun lang, tama ang bulong bulungan na ang pagiging babaero nito. Biruin mo kahit na maraming napaiyak na babae na-elect parin as President.

"You! What's your name!" sigaw sabay turo sakin ng kung sinong lalaking ito.

"Ako ba? Ah... Sid." tugon ko, wala naman kasing ibang tao na nasa likod ko.

"Yes you! No buts! Kasali ka na sa Org namin. Sa Theater Arts." wait what?! Bigla bigla niya nalang ako isasali? ayaw ko nga!

"Sandali hindi ako marunong umar---"

"I said no buts! 4:00 pm at SC" pagsagot niya sa pinutol niyang sasabihin ko.

Kainis yung gagong mokong na yun! Ano to THE VOICE lang? Pag sinabing I want you, eh wala ka ng choice! Akala niya susundin ko siya? Siraulo! Tignan natin kung may Sid don na sisipot!

----------

Tapos na kami sa klase ni Ben at kasalukuyang paalis na kami ng school upang umuwi ng bigla niyang basagin ang katahimikan pagitan saming dalawa.

"Bestfriend, dinaig mo pa ako dito ah mas sikat ka pa sa may ari ng school. Dinuro ka lang ng Ssc Pres natin eh ugong na pangalan mo, goodluck mamaya don ha? kaya mo yan." What? yun ang Ssc president? walang alam kundi ang pag sigaw?!

"Anong goodluck? Ulol hindi ako pupunta, sinong may sabi? ano siya sinuswerte? dinaig ka pa Ben makapag-utos dito sa school na to. Indian siya sakin" Tugon ko kay Ben na nakangisi.

"Well ikaw din bahala Sid, malakas yun lalo't sa Ssc pati sa theater arts pa. Sabi din nila pag ginusto non masusunod hahaha, Una na ako ha? may dadaanan pa ako bye!" Paalam sakin ni Ben at sabay karipas.

"Sige ingats, Bukas ulit!" Sigaw ko baka kasi hindi marinig dahil kumaripas ng takbo ang tanga.

"Where do you think you're going? I said 4pm at Sc! Go now! I said now!" alam ko na kung bakit kumaripas ang tanga. Sa pagkasigaw niyang yun alam mo na kung sino siya. Yeap the Ssc Pres. Zachary Mendoza.

May kung anong nagtulak sa aking paa para sundin ang sinabi niya shocks katakot ampota!

Sinundan ko nalang ang gagong to baka kasi sigawan nanaman ako, hayst bahala na mukhang tama si Ben. Mapapalaban ako nito, mala-late pa akong tapusin yung BL ko!

----------

Nandito na kami ngayon sa Sc kung san ang sinasabi niyang meeting. Marami pala din sila akala ko naman kakaunti para magturo ng sasali. Eh mukhang puro magagaling ang nandito.

"Okay listen, everybody! This is Sid, our new recruit for our org. Siya ang hinahanap natin and wala na tayong ibang tatanggapin. Puno na ang list natin, maliwanag ba yun?" Sigaw nanaman ng lalaking ito, hindi ba siya napapaos kakasigaw?

"So Zach? san mo naman nakuha yan? Diba required mag-audition dito bago tanggapin? Paano naman yung nakapag-audition na? I see more talented than him." pag-suhestiyon ng isang babae na mukhang isang officer dito sa org.

"Are you questioning me? For your information Olive, never pa akong nagkamali pumili." Ah Olive ang pangalan nung babae. "At ang sinabi ko ay sinabi ko! Understand! Okay! Tapos na ang meeting pede na tayong umuwi." Dagdag pa niya rito. Sa wakas makakauwi narin.

"And bukas wala din meeting except you Mr. Sid kailangan mong sumama sakin bukas 4pm din dito sa lugar na ito, subukan mong hindi dumating at makakarinig ka ng sigaw sakin" Bulyaw niya sakin na nagtulak sakin upang kumaripas ng takbo papauwi.

Lintek, ano bang kailangan nito sakin at ako'y pinasali dito at ngayon ay pupunta dito bukas.

Sana Ako Naman Ang IpanaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon