Chapter 22

53 7 0
                                    

Sid's Pov


"AAAHHHH! SIDDD! KAKAIBA ANG HAIR MO! DINAIG MO PA AKO! AAAHHH!" walang sawang tili ni Madison pagkalabas namin sa Gym.

"Ang ingay mo!" sigaw ni Ben kay Madison.

Umirap nalang si Madison kay Ben. "Palibhasa, walang ka-date kaya ka ganyan." asar niya kay Ben.

"Ako? He, tignan nalang natin." sarkastikong sabi ni Ben.

"Malalaman." sabay crossed arms ni Madison. "By the way Sid, shampoo reveal ka naman dan oh!" katyaw ni Madison sakin.

"Bakit? Gagamit ka? Hindi yun gagana sa katulad mo ." singit ni Ben.

"Alam mo, ang epal mo. IKAW BA SI SID?!" taas kilay ni Madison.

"Ano ba, wala na ba kayong alam gawin kundi ang mag bungangaan lagi?" saway ko sa kanilang dalawa.

Agad naman tumahimik ang dalawa at hindi na kumibo. Nagsimula narin kaming maglakad papuntang parking lot ng school para makauwi na ang dalawa.

Buti nalang at kami ang huling lumabas sa Gym dahil kung hindi baka hindi ko na kinaya ang katyaw ni Madison sakin.

"So ayun nga, ang tanong namin sayo Sid, pumayag ka na ba?" tanong ni Madison pagkadating namin sa parking lot.

Tumingin ako sa kanila at seryosong iniintay ang magiging sagot ko.

Umiling ako sa kanila. "Alam niyo, umuwi na kayo at pupunta pa ako sa ospital." pag iiba ko ng topic.

Huminga nang malalim si Madison. "Fine, mag iingat ka basta. Ikamusta mo nalang ako kay Tita at Tito." at sumakay na si Madison sa kotse na susundo sa kanya.

"Sure ka bang, hindi ka na magpapahatid sa ospital?" tanong ni Ben.

Tumango nalang ako kay Ben at ngumiti. Sumakay narin siya sa sumusundo sa kanyang kotse at parehas na kumaway ang dalawa sakin habang paalis ng parking lot.

Buti nalang at hindi na nagpumilit pa ang dalawang iyun na sagutin ko tanong nila sakin. Buti narin na hindi ko yun sagutin dahil kahit ako sa sarili ko ay hindi ko alam ang isasagot.

Iba pala ang pressure pag maraming nakatingin na tao sayo habang tinatanong ang bagay na yon. Para kang nasu-suffocate kasi hindi ka makakapag isip agad nang isasagot mo.

Nagulat nalang din kasi ako sa biglaang sabi ni Michael sakin, kung hindi lang talaga dumating si Sir Montes nung oras na yun baka mas pinili ko nalang na magpalamon sa lupa sa sobrang pagkapula ng aking mukha.

Nakahinga ako nang maluwag nung pinauwi na kami ng maaga ni Sir. Montes dahil may pupuntahan daw sila ni Michael. Kaya ayun hindi ko nasagot ang paanyaya ni Michael sakin at nagmamadaling umalis sila ni Sir.

Napansin ko din na lumabas agad si Zach na nakakunot ang noo pagkatapos umalis nila Sir at Michael. Hinabol naman ito nila Elize at Max para pigilan at kausapin. Pero hindi ito nagpapigil at nagdere-deretsong lumabas na ng Gym.

No choice tuloy kaming tatlo nila Ben at Madison na kami ang magligpit at maglinis sa Gym dahil kami ang pinili ni Michael. May mga tumulong din naman samin na ilan at umalis narin pagkatapos.

---------

Papalapit na ako sa kwarto ni Tatay John sa ospital nang makita kong nakabukas nang kaunti ang pintuan ng kwarto niya.

Papasok na sana ako pero may narinig akong nag uusap sa loob ng kwarto. Boses ni Mama at Tatay John.

Napangiti agad ako at naexcite makita si Tatay John dahil gising na nga ito. Pero hindi ko maituloy ang pagpasok ko dahil nagkakatuwan ang tono nang pag-uusap nilang dalawa.

Sana Ako Naman Ang IpanaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon