Chapter 11

92 12 0
                                    

Ben's Pov


Alarm clock rings* tutututut* tutututut* tutututut*

smash* Alarm clock stops*

Lunes nanaman, isang panibagong araw para bumangon ang mga tao at ipagpatuloy ang kanilang buhay na minimithi.

Samantalang ako, heto nakahiga, nakatunganga sa aking kisame at nagmumuni-muni. Ano kaya naman ang alibay na gagamitin ko kay Sid para maiwasan lang siya at hindi nagdududa.

Actually, sanay na ako sa gantong set-up ng buhay ko, ang umiwas sa mga maraming tao. Biruin mo naman since elementary ko pa gawain yun hanggang sa pagtapak ko colegio.

Pero iba parin pa pala ang pakiramdam pag-importanteng tao na yung iiwasan mo. Yung bigat na hindi lang sa puso mo mararamdaman kundi sa buo mo pang katawan.

Sa halos tatlong taon namin ni Sid na magkaibigan, ngayon lang nag-iba ang pagtingin ko sa kanya. Kahit na hindi pa ako sigurado sa aking nararamdaman, alam kong pupunta at pupunta din ito lalo na at palagi ko siyang makikita at makakasama. Kaya minabuti kong iwasan muna siya sa ngayon.

Nakakalungkot man isipin, kailangan mawala ng nararamdaman kong ito sa mabilis na paraan dahil pag ito ay tumagal. Makakaramdam at mapapansin ni Sid na iniiwasan ko siya. Kahit na hindi ako pala kwento tungkol sa buhay ko, kakilalang kakilala ako ni Sid sa mga kilos at galaw ko.

Ano nga bang puwede at mabisang paraan para mawala ng tuluyan ang aking nararamdaman kay Sid...

----------

Papunta na sana ako sa una kong klase para sa araw na ito ng maaninag ko sila Sid at ang mga kaklase ko na nasa labas pa ng aming room. Mukhang wala pa ang aming prof, dahil sa oras na ito ay dapat nasa loob na kami at ayaw nun na maabutang nasa labas kaming lahat.

"Ben!" sigaw ng isang babae kong kaklase. Nagulat nalang ako ng mapansin nila agad ako kahit na hindi pa man ako ganon kalapit sa kanila.

"Oo nga! ayun si Ben oh!" kumpirmang sigaw ng isang lalaki ko pang kaklase.

Naalarma nalang ako dahil bigla nalang nagsitakbuhan ang mga kaklase kong lalake papunta sakin. Miski si Sid naki takbo din papalit sakin.

Imbis na hintayin ko silang makarating sakin at sabihin ang dahilan ng pagtakbo nila ay bigla nalang din akong kumaripas ng takbo.

"Ben! sandali! Wag kang tumakbo! Hintayin mo kami!" sigaw ni Sid habang nakikihabol sakin. Sh*t mukhang maabutan nila ako nito, kailangan ko ng matataguan kung hindi mahuhuli nila ako.

Pagkaliko ko ay eksaktong may nakita akong bukas na pinto na sigurado akong hindi yung room para sa mga estudyante kaya pumasok na agad ako at isinara ang pinto.

"Ano nasan na si Ben?" hingal na tanong nung isa. "Baka doon" sagot ni Sid. "Sige, bilis kailangan natin siya." at kumaripas na sila ng takbo.

Pagkadinig ko sa mga sinambit nila ay sinigurado ko muna na paalis na ang yabag nila. Agad akong sumilip kung tuluyan na silang nakalayo.

"Ehem..." tahim ng isang boses galing sa likod ko. "Bawal po dito ang hindi officer." dagdag nito.

Nagtaka ako sa sinabi ng boses na nanggaling sa aking likod at tiningnan ang pangalan ng kwartong kinaroroonan ko.

Ssc Office.

Pagkakita ko ng pangalan na yun ay akmang aalis na sana ako at pipiliing hindi lingunin ang tao sa likod ko. Pero...

"Benn!!." biglang may tumawag sa pangalan ko dahilan para pumasok ulit at isara ang pinto.

"NANDITO SI BEN!" Gulat ko ng isagaw ng nasa likod ko ang pangalan ko at nilingon kung sino. Si Max. "OO, NANDITO NAGTATAGO SI BEN!" sigaw niya ulit.

"Ssshhhh!!" yun lang nagawa ko dahil hindi ko gawain ang hawakan kahit sino, kainis siguro nabawi to sa ginawa kong paghiya sa harap ni Sid. "Wag mong sabihin lintek ka" bulong ko kay Max.

"Ha?" tanong nito.

"Sabi ko wag mong sabihin na nandito ako." diin kong bulong sa kanya.

"Okayy..." naglakad ito palayo sakin papunta sa sofa. "Pero sa isang kundisyon." nakangiti nitong sabi.

Lumapit ako sa kinauupuan ni Max at sinabing. "Sige kahit ano basta manahimik ka lang."

"Simple lang, sumali ka sa cheerdance." nakakalokong sabi ni Max.

"Hindi, ayaw ko." walang pag-aalinlangan kong sagot.

"aaahhh... ganon..." alam ko ang naisip nito, ang salitang yun ay pagbabanta. "SI BEN NANDI----"

"Fine!" see, sabi na nga ba at sisigaw siya. "Deal! Just shut your f*ckin' mouth" inis kong bulong sa kanya.

"Beennyy! Bestfriend! Where are youu?!!" lokong tawag sakin ni Sid sa labas ng Ssc Office. Tinungo ko ang pinto at pinakinggan kung andoon parin siya.

"Bakit mo naman tinataguan si Sid?" tanong ni Max. 

Lumapit ulit ako at umupo na sa kabilang sofa. "It's none of your business." taas kilay kong sabi. "Hep! Hep! Hep! Subukan mong magsalita at hindi na ako sasali sa cheerdance na yan." banta ko sa kanya dahil akmang sisigaw nanaman si Max.

"Mukhang may isang salita pala ang isang Mr. Torres" hawak baba niyang sabi. "Mabuti naman kung ganon."

"Oo kaya tumupad kadin sa sinabi ko na wag mag-ingay." turo ko sa kanya.

After ko yun sabihin sa kanya ay tinuon ko nalang ang pansin ko sa pinto.

Bigla nalang tumahimik ang buong paligid ng walang dahilan, parang may dumaan na anghel dahil wala kang maririnig na kahit anong ingay sa labas miski sa loob.

Kahit na sanay ako sa tahimik na lugar, iba ang nararamdaman ko dito. Nakaka-awkward ang katahimikan, nakakatindig balahibo ang katahimikan. Feel ko na parang may nakatitig sakin.

Click*

Napatingin nalang ako kay Max ng may narinig akong click sound galing sa isang camera ng cellphone. Nakita kong nakatutok sakin ang cellphone na hawak nito.

"Kinukunan mo ba ako ng litrato?" tanong ko kay Max.

"H-ha? a-ah" kamot nito sa mukha niyang sabi. "Sorry nag-seselfie kasi ako." biglang pose nito ng wacky at sunod sunod na pindot sa cellphone niya.

Mukhang hindi nagsasabi ng totoo si Max, kasi kinamot niya ang kayang mukha at nag-uutal-utal ang sinasabi niya. Halatang nagpapalusot.

"Sige aalis na ako, salamat kahit na nag-ingay ka talaga kanina." pagtayo kong paalam sa kanya.

"A-ah sandali!" pigil nito sakin. "Ahm, wala ng bawian sa cheerdance ha?"

"Oo nga kulit mo eh." inis kong sabi.

"Sorry and thank you" patawa niyang sagot.

Hahakbang na sana ako palabas ng... "Ben! Last one" pigil niya ulit sakin. Hindi na ako sumagot at hinintay ko nalang siya magsalita.

"Can I get your number? para ma-inform kita kung kailan start ng practice" namumulang sabi sakin ni Max.

Wala na akong nagawa, kinuha ko ang cellphone niya at nilagay ang phone number ko para matapos na at makapunta sa klase ko at tignan kung nagsta-start.

"Oh, BYE!" diin kong sabi sa kanya para naman makaramdam siyang need ko ng umalis.

"Thank you ulit Friend, enjoy your class!" sigaw niya sakin.

Nagulat at natawa nalang ako sa tinawag ni Max sakin. May friend na agad ako? Hahaha para siyang si Sid lang noon.

"Teka... may Fb at messenger naman diba? bakit niya pa kinuha phone number ko? Bwisit tanga ko don sa part na yun." sabi ko sa sarili ko at natawa nalang. Mukhang ayos din ang Max nayun ah. Habang naiisip ko parin yun ay may ideyang pumasok sa utak ko na dapat kong pag-isipan, pagtuunan at pagplanohan.

Sana Ako Naman Ang IpanaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon