Chapter 7

101 12 6
                                    

Zach's Pov

Max and I usually stay late at the Ssc office after dismissal of our class.

Kami yung tipong itatambay pa sa school yung oras kaysa sa umuwi. Mas trip namin na gawin na dito yung mga projects, homeworks, etc., kaysa sa bahay.

Since, minsan nalang din kami magkasama ni Max, kaya parang ito narin ang aming bro-time o bestfriend bonding.

Pwera lang sa araw na ito. Kasi General Assembly, maagang natapos pati narin ang mga registration para sa mga gustong salihan sa Sportsfest. Baka mga 3 or 4pm uwi narin kami.

knock* knock*

"Nandito po ba si Zachary Mendoza po?" tanong ng isang estudyante, parang alagad ni Sir Montes.

"Yes, he's here, please come in, anong kailangan nila?" sagot ni Max.

"Pinabibigay po sainyo ni Sir Montes yung list po ng mga cheerdancers po, kayo daw po mag-organize" sabay karipas ng takbo nung estudyante.

See sabi ko na nga ba alagad ni Sir montes hahaha. Si Sir lang naman malimit magpapunta ng estudyante pag may kailangan samin kasi busy ang pagiging Dean.

"Oh Zach, raming sumali sa Cheerdance halos mapuno na yung listahan" kamot ulong sabi ni Max.

"Bakit ka naman napakamot? ayaw mo nun, THE MORE THE MERRIER! HAHAHA" hagalpak kong tugon.

"Anong the more the merrier ka dan, tignan mo muna bago ka magsaya, palibhasa puro babae yang nasa isip mo." sabay abot ng list ni Max.

"Oh..." yun nalang ang nasabi ko pagkatingin ng listahan.

"See, natahimik ka diba? Ano na ngayon Mr. Heartthrob, hahahaha" pang-iinis ni Max sakin.

Napatitig nalang ako sa nakita ko, puro babae nga mga kasali at wala pang 20 ang lalaking kasali sa cheerdance. Kaya pala binigay samin ni Sir Montes to para kami na ang magbawas at dagdag ng members.

"Ikaw Max? any suggestions? I know may naiisip ka" tanong ko kay Max.

"Well... alam kong ganto ang kalalabasan natin. So dapat tayong magkaroon agad-agad ng tryouts for the Girls para masala natin yung magagaling sa hindi." paliwanag sakin ni Max.

Minsan talaga may kahambugan din tinatago tong si Max, sarap nalang pektusan minsan, may nalalaman pang ganto ang kalalabasan, eh kung palabasin ko siya dito sa Ssc Office, hahaha biro lang.

"That's good, buti naman at alam mo, edi i-chat mo na sila, gumawa ka na ng Group Chat to inform them!" daling labas agad ng cellphone si Max at ginawa ang plano namin.

"Max may tanong ako sayo..."

"Yeap?" tuloy parin sa pagpindot si Max.

"Bakit mo kasama sila Sid and Ben kanina?"

"Hindi mo ba ako narinig kanina? Sinama ko sila don to join to our team, pero tignan mo ang ginawa mo, pinag-init mo yung ulo nung Ben, dahil sa inasta mo kay Sid. Halatang taga sunod ni Ben yung si Sid kaya baka hindi na sila sumali, sayang naman kasi mukhang talented sila."

"I know that we need them, pero ikaw diba nagsabi sakin na wag natin pilitin pag-ayaw sumali? lalo kay Sid, remember?"

Hindi nalang sumagot si Max sa tanong ko. Ano kaya ang nagpabago sa isip ni Max para ipilit ngayon isali sila Sid pwera sa kulang kami ng lalake.

"Sige sige, ikaw bahala. Kung gusto mo sila isali, then go, hindi kita pipigilan, do whatever you want. Ang tanong KUNG sasali?" pagbibigay kong diin ng KUNG kay Max para naman matauhan.

"Eh kasi nga gawa mo kaya sila umalis, paano ko pa mapipilit yun, sige nga?" balik sakin ni Max.

"Nag sorry naman ako diba? hindi ko naman alam na mataas ang Ben na yun no. At alam kong biro lang ang dating nayun kay Sid, mukhang mabait naman yun." paliwanag ko sa kanya.

"Yan ang hirap sayo Zach lagi kang si biro, eh hindi mo pa mga kalilala yung tao."

"Si Ben oo, pero hindi si Sid? mukhang kuha ko naman kiliti non." nakangiti kong sabi.

Totoo naman mukhang alam ko ang kiliti ng Sid na yun. Kahit na bago palang kaming magkakilala nasunod agad sakin. Hindi naman mahirap kausap yung batang yun ewan ko nalang dun sa Ben.

"Max, I have an idea. Ako ang bahala kay Sid at ikaw ang bahala kay Ben. Deal? para mapasali sila satin." nakangiti kong tanong, habang ang mukha ni Max ay namumula. Teka, bakit namumula ang lalaking to? may hindi to sinasabi sakin. Malalaman at malalaman ko din yun.

"O..okay" utal na sagot ni Max.

See ngayon naman nauutal. Wait wag tayong judger baka naman nagkataon lang, baka may kachat lang sa cellphone kaya namumula to. Imposible din ang iniisip ko.

----------

Pagkatapos namin ni Max mapag-usapan at tapusin ang dapat gawin para sa school ay umuwi narin kami. Maaga kaming umalis ngayon para naman makapagpahinga. Kahit na hindi pa bakbakan ang gawain sa school, mukhang stress na agad kami sa raming gawain as Officers.

Phone rings* Babe's Message*

Babe: Hi babe. Mukhang stress na stress ka na. Gusto mo ba mawala ang stress mo? Punta ako dan?😊😉

Zach: Sure babe, eksakto miss narin kita!

Babe: Miss? hindi nga kita nakita sa school kanina.

Zach: Alam mo naman kung san ako makikita diba? Ano punta ka na ngayon please...

Babe: Okay, may gusto ka bang ipabili bago ako pumunta dan? babe?

Zach: Wala babe, ikaw lang sapat na. May pagkain pa ako dito sa Ref.

Babe: Bolero! See you there babe.😘

Sana Ako Naman Ang IpanaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon