Chapter 16

58 11 2
                                    

Sid's Pov


Isang buwan na ang nakalipas simula na mangyari ang mga bagay bagay na yun sa pagitan namin ni Zach.

Isang buwan na kami halos nag tatraining ng walang coach na nag hahandle samin, kaya hindi pa kami araw-araw nagpa-practice, puro pampalakas at pangpahaba ng stamina ang pinapagawa samin, para makatagal kami pag dumating na talaga ang magchoreo samin.

At isang buwan nadin akong naiilang kay Zach. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero may weird akong nararamdaman tuwing makikita siya.

Sa bawat magtatanong si Zach sakin ay ang tipid ng mga sagot ko, o pagnahuhuli ko siyang nakatingin o nakangiti sakin ay halos binabawi ko na agad ang tingin ko sa kanya.

Alam kong ramdam yun ni Zach, kaya I'm sure na nananadya siya tuwing makikita niya ako, lalo na ngayon may practice ng Cheerdance.

"Sid," tawag ni Max sakin.

"Oh Max, bakit?" tanong ko nang nilapitan niya ako.

"Ayos lang ba kayo ni Zach?"

Tumaas ang kilay ko sa pagkabigla, "A-ah oo, ayos naman."

"Buti naman kung ganon" ngumiti siya.

"Bakit mo naman naitanong?"

"Sa totoo lang... ako yung nakausap mo noon sa cellphone ni Zach. Remember? Yung nag attitude ka?" tawa niya.

Napatungo at napakamot ako sa batok sa sinabi ni Max sakin. Siya pala yun, kahiya shemss.

"Sorry talaga Max, hindi ko alam na cellphone niyo yun, kasi parehas kami ng ringtone kaya akala ko akin." paliwanag ko.

"I see... apology accepted." ngiti niya.

"Salamat... parang nabunutan ako ng tinik sa sinabi mo." saad ko.

Natahimik kaming parehas ni Max after kong sabihin yun. And ang dating sakin ay ang awkward, meron pa ba siyang gustong sabihin or tanungin sakin?

"Ahh... yun lang ba sige, magbibihis na ako para sa practice." paalam ko.

"Wait a second." pigil niya sakin.

Tumigil ako sa paglalakad at nilingon ko siya.

"Sabay na tayo magbihis." sabi niya nang makalapit sakin.

"HHAAA?" atras kong sabi.

"Gulat na gulat?" taas kilay niya sakin.

"A-ah, hindi naman ano lang..."

"Unless si Zach ang gusto mong makasabay?" seryoso niyang tanong sakin.

Napakagat labi ako sa tanong ni Max sakin. Ang weird na ewan, bakit parang may gustong ipoint out si Max kaya niya ako ginaganito, nag kwekwento kaya si Zach don?

"Don't take it seriously Sid, It's just a joke" tapik niya sa braso ko at umalis na siya.

Pinagmasdan ko nalang si Max maglakad palayo sakin hanggang sa mawala siya sa aking paningin.

Nang tiyak kong wala na si Max ay nakahinga na ako nang maluwag at matiwasaya. Lalakad na sana ako para makapagbihis, kaso may pamilyar na boses na lumapit sakin.

"Hey, are you alright?" tanong ni Ben.

"Yeah... Yeah am okay. Pagod lang siguro sa klase" tingin ko sa kanya.

Nagpalusot nalang ako kay Ben kaysa sabihin ko ang tunay na nangyari samin ni Max. Ngayon na kaibigan niya rin ito, ayaw ko naman mapasama si Max sa mga mata ni Ben.

Sana Ako Naman Ang IpanaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon