Chapter 24

64 7 0
                                    

Sid's Pov


"Kaya mo pala tinakpan ang bibig ni Madison kahapon." bungad sakin ni Ben nang makita niya ako sa Sm.

"Oo, bakit?" sungit ko sa kanya.

Nanlaki ang mata ni Ben sa inasal ko. Sorry na Ben, ngayon lang to. Kaya samahan mo ako please!

"Ikaw pa nag sungit." tawa niya sakin.

"Bili na, alam ko kasi na hindi ka papayag." pangungulit ko kay Ben.

"Oo na, sasamahan na kita. Dapat sinabi mo na kahapon pa, para nakapagdala ako ng extra money."

"Ayos lang yun, may ATM naman dito. Mag withdraw ka." siko ko sa kanya at nagtaas baba ng kilay.

Tinaasan ako ng kilay ni Ben at umirap sakin tsaka pumunta na kami sa ATM, eksaktong walang nakapila kaya nauna siyang lumapit doon.

Nagstay nalang ako sa kinatatayuan ko at hinintay na bumalik si Ben.

Habang naghihintay ako, sa hindi inaasahang pagdapo ng aking paningin ay nakita ko ang papalapit na sila Max at Zach.

Binaling ko agad ang aking paningin kay Ben at dali dali akong lumapit sa kanya. Nataranta tuloy ako na baka nakita din nila ako.

Shocks! Sa rami namang pedeng makita dito sa Sm bakit si Zach na naman. Diba may klase sila? Anong ginagawa nila dito.

"Matagal ka pa ba dan?" tago ko sa gilid niya.

"Wait lang. Umalis ka nga dan para kang holdaper eh." biro sakin ni Ben.

Siniko ko nga. Walastik tong bestfriend ko! Mukha ba akong holdaper? Sa cute kong to.

"Bilisan mo na kasi, para may oras pa tayo maghanap sa iba."

"Oo eto na, may pinagtataguan ka ba?" silid ni Ben ng ATM card niya sa wallet.

"Wala, tara na bili!" kinaladkad ko na si Ben papuntang escalator para makaiwas kami.

Pinauna ko na Ben para matignan kung nasan sila Zach, mukhang wala na sila buti naman.

"Sinong tinitingin mo dan?" lapit ng mukha sakin ni Ben.

"Bwisit! Wag ka naman manakot nang ganyan." gulat ko sa kanya. Muntik ko na kasi makiss ang pisngi ni Ben.

Lumayo naman si Ben at ngumiti sakin. "Sinadya mo yun no? Kung gusto mo bibigyan kita." nagpout ako ng lips at lumapit sa kanya.

"SIRA! Napansin ko kasi may tinitignan ka kaya sumilip ako." pigil niya sakin at umiwas nang tingin.

Hindi nalang ako kumibo at nakarating na kami sa second floor. Akala ko nagbago na si Ben hindi parin pa pala. Ayaw niya parin sa touchy o clingy.

Dumeretso na agad kami sa department store para makapili at makahanap ng damit.

"What color do you prefer?" tanong ni Ben.

"Yung mura lang." sagot ko.

Narinig kong tumawa si Ben sa sinabi ko. "Sid, kulay ang pinag uusapan natin hindi ang presyo!"

Humarap ako sa kanya. "Bakit ba, yun ang nasa listahan ko. Price muna bago ang kulay." pangatwiranan ko.

Aanhin ko ba ang kulay kung mahal naman. Kailangan maging praktikal no.

Pagkaharap ko ay halos sumigaw ako nang muntikan na ako madapa. Buti nalang at napasandal ako sa likod ng taong nasa harapan.

Agad akong umayos at humingi ng pasensya sa kanya. Pero mukhang hindi worth it ang pagbigay ko ng pasensya dahil pagharap nito sakin ay si Mokong pala ang nasandalan ko.

Sana Ako Naman Ang IpanaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon