Chapter 8

97 12 6
                                    

Sid's Pov


"Humayo kayo at magpakasaya!" hudyat ng pagtatapos ng Misa ni Father.

Ang sarap sa pakiramdam talaga pag natapos mo ang isang buong misa, lalo na kapag ang aral ni Father ay relate na relate sa mga nagyayari sayo. Pero sa totoo lang ngayon nalang ulit ako nakapunta sa Simbahan.

Si Mama lang naman kasi ang lagi kong kasama pag pupunta sa simbahan, eh busy si Mama sa mga nakaraang linggo kaya ako muna mag-isa at eksakto din kasi na pupunta akong Sm kaya dumaan muna ako sa Simbahan.

Palabas na ako ng Simbahan para sumakay ng Jeep papuntang Sm ng makita ko ang isang lalaking siguradong sisira ng maganda kong mood.

Binilisan ko nang maglakad palabas ng Simbahan para hindi na kami magsabay ng lalaking sinasabi ko.

Mukhang nagkamali yata ako sa ginawa kong aksyon at siguro'y napansin niya ako.

"Sid!" oo napansin niya nga ako, alam mo palang sa sigaw niya na siya yun. Si Zachary Mendoza.

"San ka pupunta ha?" sabay halbot saking kamay.

"Bitawan mo ako! Nagmamadali ako! ano ba!" pinilit kong alsin at kumawala sa pagkakahawak niya sa kamay ko pero hindi siya nagpatinag.

"Sandali lang, tinatanong pa kita, bakit ka ba nagmamadali?" tanong niya sakin. "Hindi ka naman ganyan kanina maglakad ah? Siguro nakita mo ako no? kaya ka nagmadali maglakad?" nakangising dagdag niya.

"Ano naman sayo kung ganon akong maglakad?" balik kong tanong sa kanya at nagtaka ako sa sinabi niyang yun. Ibig sabihin kanina niya pa ako nakita? "At teka, bakit mo alam na hindi ganon kabilis ang lakad ko? Tinitignan mo ko no? Sabi ko na nga ba, Stalker ka!" sabay higit ko sa aking kamay.

Oh diba, natameme siya sa sinabi ko at pinakawalan ang kamay kong hawak hawak niya kanina.

"Sid, wag mong sagutin ang tanong ko ng isa pang tanong. Ako ang unang nagtanong kaya sagutin mo muna ako." giit niya sakin.

"Ano bang pake mo kung san ako pupunta?"

"Oh, nagtanong ka nanaman, sabi ko sagutin mo muna yung tanong ko tsaka yung sayo."

Apaka kulit talaga ng lalaking to. Pati ba naman kung san ako pupunta ay aalamin? ano siya tatay ko?

"Sa Sm, may bibilhin ako, ayos ka na? Sagutin mo naman yung tanong ko."

"No need to answer that, tara na, don din punta ko, sabay ka na sakin." yaya ni Zach sakin.

Napatigil nalang ako sa sinabi niya. Napaisip ako kung ano bang meron at lapit ng lapit tong tukmol na to sakin. Ayos nanaman yung sa dramatic arts, ano pa bang kailangan nito?!

"Ano pa bang tinutulala mo dan? May kotse ako" sabay pakita ng susi ng kotse niya. "Ayaw mo ba? Ayos lang naman sakin. Sino bang mababasa ng ulan? Ikaw diba" dagdag niya.

Napatingin nalang ako sa kalangitan at tama siya dumidilim nga ito. Mukhang malakas nga ang buhos ng ulan, wala pa naman akong dalang payong, baka maabutan ako ng ulan sa paghihintay ng Jeep lalo't maraming tao ang pauwi galing sa Simbahan.

"Hoy Bata! ano na, aalis na ako" pasok nito sa kanyang kotse.

"Oo eto na, sandali." no choice ako ngayon kailangan kong pakisamahan ang tukmol.

Takbo kong pagpunta sa kotse niya. Maganda siya ang kotse niya, mayaman siguro to. Kahit na hindi ako magaling sa kotse alam ko naman ang kaibahan sa mura at mahal.

Pumasok na agad ako dahil nakaramdam na ako ng patak ng ulan sa ulo ko.

"Seatbelt first!" akmang kukunin ni Zach ang seatbelt at ilagay sakin.

"Ako na, kaya ko" pinigilan ko siya at ako na ang nagseatbelt ng sarili ko.

Paalis palang kami ng Simbahan ng bumuhos na nga ang malakas na ulan. Rinig mo sa loob ng kotse ang lakas ng hangin dala ng ulan.

Kainis bakit naman hindi ako ininform ni Mang Tani na may ulan na padating ngayon, edi sana nagdala ako ng payong, kahit na hindi ko ugaling magdala ng payong.

Ako kasi yung tipo ng taong ayaw ko ng maraming dalahin o bitbitin. Hindi naman ako boys scout na laging handa. Mas prefer ko na sarili ko lang ang dala para less hassle lalo na't gagala 'mag-isa'.

Oo friendly ako, pero alam mo yung ang rami mong circle of friends pero hindi ka priority. Yung may iba pa silang kaibigan na mas sasamahan nila at mas gusto, parang backup ako, ganon.

Kaya kung hindi si Mama kasama ko sa gala, si Ben naman ang kasama ko o ako nalang mag-isa.

Nakakalungkot man isipin, nasanay na ako. Pero syempre hiling ko parin ang magkaroon ng circle of friends na ako o kami yung priority, hindi ka iiwan kahit san.

"Ang tahimik pala ng isang Elijah Isidro Noble" sarkastikong tanong ni Zach.

Nakastuck kasi kami ngayon sa Traffic. Ganon talaga sa lugar namin, umulan man o umaraw trapik lagi, main road kasi ang daan papuntang Sm, rami pa naman ng intersection dito.

"Oo, katakot ka kasi, biruin mo? Zachary Mendoza, Heartthrob ng Santa Monica University, isa palang stalker! at bakit pa ako mag-iingay? friends ba tayo? 'ZACHARY MENDOZA'?" matching two fingers pa sa pangalan niya.

Totoo naman naalala ko pa nga sinabi niya noon sakin sa Ssc Office. Mga kaibigan niya lang daw ang natawag ng Zach sa kanya, edi pinapalabas niyang ayaw niya akong maging friend.

"Hahahaha, ang tampuhin mo naman" tawa niya habang inaayos ang Rear View mirror. "You can call me anything Sid."

"Ah anything, okay anything." pilosopo kong sagot.

"Hahaha, Korny mo rin no Sid? Ang ibig sabihin ko sa anything ay kahit ano. Pedeng Zach, Mr. Mendoza pero hindi pa ako teacher, Kuya Zach? nakakatanda masyado..." napatigil nalang siya bigla parang may iniisip na nasa dulo ng kanyang dila. "Or... Baby?" sabay kindat ni Zach.

"Anong baby! Gagong to!" sabay tingin ko sa labas ng kotse. Shet, fell ko namumula ang mukha ko sa sinabi niya. Galing maglaro ng tukmol na to eh.

"Uuuyyy! Namumula siya, kita ka sa salamin oh" sabay turo sa side mirror, na nagpalingon sakin sa kaliwa.

Napatigil nalang ako sa paggalaw ng halos magkalapit ang mukha namin. Paano ba naman si tukmol, nung tinuro pala yung side mirror ay inilapit ang mukha. Kitang kita ko ngayon ang buong mukha ni Zach ng malapitan. Oo na, gwapo talaga si Zach lalo na ang makapal nitong kilay at nakakaakit na mga mata, dagdag mo pa ang mapulang pulang labi.

"Huli ka!" sabay hawak ni Zach sa pisngi ko at pinisil.

"Arayyy" sigaw ko kasi ang ansakit ng pagkakapisil ni Zach sa pinsgi ko.

"Ang cute cute cute mo! talagang bata ka hhmmpp!" at binitawan na ni Zach ang pisngi ko ng tuluyan at bumalik na ulit ang tingin nito sa daan. Bigla ko nalang tong sinuntok sa balikat para makabawi.

"Yun na yun? hahaha. Suntok ba yun? Laki laki mong lalake ganon ka lang sumuntok? At sinabihan na nga kita ng cute, nanakit ka pa, hindi ka marunong mag thank you" birong saad ni Zach.

"Eh gago ka pala eh, ang sakit sakit ng ginawa mo, pasalamat ka nga hindi pa todo yun, eh kung nilakasan ko baka tumalsik ka palabas ng kotse mo edi nabasa ka pa" biro ko kay Zach.

"Yiieee, nag-aalala siya sakin"

"Ulol! ganon ako sa lahat, mabait kasi ako, hindi mo katulad."

"Oo nalang, nandito na tayo, hanap lang ako ng mapaparkan natin."

Sana Ako Naman Ang IpanaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon