Chapter 15

52 11 4
                                    

Sid's Pov


Naalimpungatan ako sa ingay na aking narinig... Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata upang hanapin kung saan nanggagaling ang ingay na yun, kaso eksaktong nawala naman ang tunog na yun at nagpasya nalang akong pumikit at bumalik sa aking pagtulog.

Naipikit ko na ang aking mga mata nang marinig ko ulit ang ingay na iyun. Dahil sa bugnot, hindi ko na minulat pa ang aking mga mata, kinapa ko nalang to habang hinahanap kung san nanggagaling ang tunog na yun.

Hanggang sa makapa ko ang isang cellphone sa may bedside table ko na kanina pang tumunog nang tumunog, agad ko tong sinagot at inalapit sa tenga ko. "Hello!" inis kong sabi.

"Hello, Zach---" sagot nung sa kabilang linya.

"Sorry hindi to si Zach, wrong number ka ata." putol ko at kunot noo kong sagot.

"Ha! Eh sino tong kausap ko?" takang sabi nung sa kabilang linya.

"Si Sid! Ibababa ko na to bye!" layo ko sa tenga ko ng cellphone at sigaw sa microphone nito.

"Teka! Sid paan--" hindi ko na siya pinatapos at pinatay ko na ang cellphone at inilagay sa bedside table ko.

Badtrip! Agang aga bungad agad ang pangalan ni Zach sa umaga ko, pati sa panaginip ko ayaw akong tantanan ng Zach na yun.

Biruin mo niyakap ko daw yung tukmol nayun habang naiyak ako sa panaginip! Tawa ko nalang kung mangyari yun sa totoong buhay.

Napahikab nalang ako habang natatawa sa napaginipan ko at bumaling ako sa kabilang gilid ng aking kama para yakapin ang malaki kong unan.

Pero imbis na malaki at malambot na unan ang aking mayakap, ay mga matitigas, malalaki at kasing hugis ng mga pandesal ang nadantayan ko.

Nagutom ako bigla este napa half-open ang aking bibig at nasaktan ang aking kamay sa pagdantay doon.

Nakapikit parin ako habang nakadantay ang aking kamay doon. Napaisip ako kung kung bakit may mainit init na pandesal dito sa kama ko, ano to? Breakfast in Bed! Naksss first time to ha...

Wait! nakakapagtaka, bakit nagalaw ang mga pandesal! Nagsisitaasan at baba ang mga ito, parang may mga sariling buhay!

Agad agad ko nang ginala ang aking kamay para mausisa ko kung ano ba talaga ang bagay na ito. Pinaakyat ko ang aking kamay at nabigla ako sa aking nahawakan, may mas malaki pang pandesal sa taas, at... at pasas???

Pinisil pisil ko ang nahawakan kong pasas at pagkatapos ay lumipat ako sa kabilang malaking pandesal at may pasas din ito! Katakam naman, gatas nalang ang kulang at perfect na ang breakfast ko nito!

Sunod ko naman ginawa ay biniba ko na ang aking kamay... maya maya pa ay napabalik ako sa mga maraming pansedal, binilang ko ito...

Isa, dalawa, tatlo, apat... ANIM NA PANSEDAL! GRABE ANG RAMING PANDESAL NAMAN ITO!!! Teka baka baka marami pa sa baba, kaapin ko muna...

"Masarap bang hawakan ang katawan ko? Halatang nag-eenjoy ka... Sid" halos lumindol ang buong mundo ko sa boses na aking narinig.

Panaginip ba to? Please parang awa niyo na sampigahin niyo ako para magising ako, kasi hindi ko kaya ang kahihiyaang ito kung totoo!!!

"Napatigil ka? Sige lang..." hinawakan nito ang aking kamay at pinagpatuloy igalaw kaso...

"AAAAHHHH" tili ko, sabay alis ko sa kama at hablot ng kumot. "Paano ka napapunta sa kwarto kong manyak ka!" sandal ko sa aparador.

Sana Ako Naman Ang IpanaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon