Chapter 4

121 12 5
                                    

Zach's Pov


Wala palang klase yung mga yun sabi ni Sir. Montes sakin. Kaya pala hindi ko mahagilap sa Sc, siguro eksakto yun dadating. Kung alam ko lang edi sana inagahan ko pa lalo't half day lang klase ko ngayon, medyo late narin kasi ang 4pm. Tambay muna ako sa Ssc Office.

Papunta na nga ako sa Ssc office upang tumambay o siguro makaidlip muna ako dahil 4pm pa naman ang oras na sinabi.

Papasok na ako ng Ssc office ng nakita ko si Maxwell Lopez. Mas kilala sa Max.

Siya nga pala ang Vice-President ko at siya ang Bestfriend ko simula pa ng shs kami, kahit na magkaiba ang aming major hindi parin kami nagkalimutan kasi parehas naman ng course, parehas din kami ng mga hobbies at extracurricular dito, kaso tinigil niya muna ang pagsali sa theater arts.

"Oh bakit ka andito? wala ka bang klase ngayon max?" tanong ko agad sa kanya.

"Bawal ba ako dito Zach? De biro lang." sagot niya ng nakangisi. "Nag-attendance lang kami tapos alis na. Kaya ayun tambay na muna dito." dagdag niya pa rito.

"Max eksakto may favor ako sayo. Since next week na ang General assembly ng Bsed Dep. Pede bang ichat mo yun Elijah Isidro Noble na after ng General Assembly ikutin ang gym at sumali sa mga activities ng sportsfest."

"Ahm sure, pero bakit hindi pa ikaw?"

"Wala lang, para naman may bago kang makilala, at oo nga pala, bagong recruit sa theater arts yun. Alam ko naman na magaling ka sa mga ganyan. Sige na max. Kaya mo nayan."

"Okay fine pero sasabihin ko lang ay umikot, hayaan natin siya kung sasali oh hindi, may sariling kagustuhan din yung tao" pag-sangayon niya sakin.

Ito ang kakaiba kay Max, ayaw niyang pinipilit ang tao lalo't bago niya palang kakilala, pero bilis makaclose agad ng ibang tao. Galing makipag socialize, Yun ang pagkakaiba namin. Siya kakausapin pa ang tao, ako titig at mukha lang. Well, ganon talaga pag Gwapo. Gwapo din naman si Max, mas lamang lang talaga ako.

"Sige sige. Pero kahit next week mo na sabihin. Baka magulat na bukas ang General Assembly eh next week payun." utos ko sa kanya.

Tumungo nalang si Max bilang pag sang-ayon sa sinabi ko.

Marami pa kaming pinag-usapan tungkol sa mga kaparehas naming subject, teacher, bagay bagay sa Theater arts at sa buhay namin. Tagal narin kami nung last na nag-usap simula nung umalis siya sa Theater arts hindi ko alam ang dahilan, respeto nalang daw.

Sa sobrang saya ng aming pinag-uusapan, hindi ko na namalayan na 3:40pm na ang oras. Naalala ko pala may usapan kami ni Sid.

"Max maiwan na kita, may aasikasuhin pa ako ha?" nagmamadali kong sabi.

"Sabay na ako sayo sa paglabas. Uuwi narin ako." sagot niya sakin.

"Akina na susi, ako na maglolock ng office." tumungo nalang siya sabay abot ng susi.

Binigay na ni max ang susi sakin at dumeretso na ako sa Sc.

----------

Aba aba, ang aga naman ng batang ito. Kahit wala pa sa oras eh nandito na, mukhang maasahan nga ito. Samantala ang iba eh late ng 10-15 mins.

Pero mukhang kakadating lang at halata mo ang pagod nito,  kakaupo lang.

"Early Bird pala si Mr. Sid, buti naman at hindi na ako mag-iintay sayo." bati ko sa kanya. "Tara sundan mo ako bilisan mo." utos ko sa kanya.

Buti nalang umalis si Max at walang tao sa Ssc Office, don nalang kami mag-uusap.

"Have a sit, Mr. Elijah Isidro Noble." paanyaya ko sa kanya.

Sana Ako Naman Ang IpanaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon