Chapter 13 (I)
• FLASHBACK •
Date: Year 2015
Ishmael's POV
Naglalakad ako papasok sa bagong school na papasukan ko, ang Don Agoncillo Institute located here in Makati City.
I came from Central International School Angeles, Pampanga. Layo ng inilayo ko.
I transferred because I decided to stay with my father. Hiwalay na ang mga magulang ko. Matagal na panahon na.
May ibang pamilya na ang papa ko, at may nakababata akong kapatid na babae. Di naman ako naging iba sa bagong asawa ni papa. In fact, anak talaga ang turing niya sakin.
Kay mama ako nakatira, siya nagpalaki at bumuhay sakin. Nakakasama ko naman ang papa ko every summer vacation lang. Ganyan ang set up palagi.
Hanggang sa gusto na akong kunin ni papa, kaya nagkaroon ng disgreements and misunderstandings ang mga magulang ko kung kanino ako titira.
Umabot na talaga sa point na pinagaagawan nila ko kaya nagstop ako ng school ng 1 year dahil di na talaga ko makapagfocus.
Naging maayos naman na lahat dahil ako na ang nag decide.
At ito na nga, nandito na ko. Papasok bilang Grade 9 student na dapat Grade 10 na sana.
Exclusive for boys itong pinapasukan ko, kasi mas trip ko lang dito kaysa sa school ni Nyx, kapatid ko.
Nakarating na ko sa room ng section ko at umupo sa pinakadulo sa likod. Napakaingay sa totoo lang kaya nakakailang buntong hininga na ko.
"Hi, may nakaupo ba?" tanong ng isang lalaki sakin. Tinignan ko ang kabuuan niya, mukha siyang pa-cool lol. Imbis na sagutin ko siya ay inalis ko ang tingin ko sakanya na parang walang nangyari.
Bahala na siya kung saan siya uupo.
"Sungit." Sabi niya sabay upo sa tabi ko. Kita mo uupo rin pala magtatanong pa kasi.
"Transferee ka? Ako rin eh." Sabi niya kahit di ko naman tinatanong.
"Looks like you're not interested talking to me huh? Pero kakausapin pa rin kita! Tangina kasi, ang corny dito walang babae!" Reklamo niya naman. Bakit pa siya lumipat dito kung babae habol niya? Labo rin eh.
"Actually, I'm from L.A., masyado ako naging party goer dun kaya pinauwi ako ng Pinas. Ang malala dito pa sa school for boys ang bagsak ko! Corny talaga!" sabi niya pa. I'm not answering, but I'm listening.
"At dapat, grade 10 na talaga ko. Eh di ko kasi natapos grade 9 ko dun kaya ayan, balik ulit." parehas pala kami eh.
"Ikaw ba? Mukhang ayaw mo rin dito ah? Or ganyan ka lang talaga?" tinignan ko siya ng seryoso at tinaasan ng kilay. Tangina kasi di ba to marunong makiramdam na ayaw ko ng kausap?
"Okay, okay chill! Sabi ko nga di na ko magsasalita. I'm Nixon, by the way." sabay lahad ng kamay niya sakin. Tinanguan ko lang siya at nagpakilala na lang rin.
"Ishmael."
•••
Break time na nakasunod pa rin tong Nixon sakin habang nagrereklamo na naboboring siya dahil ibang-iba daw sa US.
"Okay lang kahit di ka nagsasalita, alam kong magsasalita ka rin!" sabi naman niya at nagpatuloy lang magkwento ng kung ano-ano.
"Parang araw-araw nga ata ako laman ng dagat dun para mag surfing. Hays grabe ka-miss na agad. Ikaw ba saan ka ba kasi galing? Chinese ka ba? Hapon? Korean? Thai?" tanong naman niya, magsasalita na sana ako nang may isang lalaki ang pumagitna sa amin ni Nixon sabay akbay.
BINABASA MO ANG
What's up with the Grey's?
Teen FictionWhat's up with the Grey's? Joaquin Ishmael Co || Nixon Christian Grey || Xavier Dylan Dela Fuentes Grey Brotherhood is composed of 12 men. It is made unexpectedly, because despite of being friends in the present, they also experienced hating on ea...