Chapter 9 (II)

11 0 0
                                    

Chapter 9 (II)

Nyx's POV

Busy ang lahat sa pag pe-prepare ng susuotin na swimwear.

At dahil magsisleep over ang majority ng mga invited ay may kanya-kanya ng rooms.

Nandito kami ngayon sa room ng twins nag-aayos, at dito rin kami matutulog.

Malaki ang room nila and tig-isa silang king size bed. So, I guess kasya na kaming 8 dito. Si Hyeshin, Hyesun, Ako, Art, Khis, Cleo, Rain, at Porschia.

"May liquor drinks right?" Tanong ni Porschia.

"Of course!" Sagot ni Hyeshin. Sana payagan ako ni kuya uminom kahit onti! Minors pa kami but we're allowed naman na by our parents.

"Wait... Wait, Nyx, don't tell me balot na balot ka nanaman tonight?" Hyesun asked. I pouted. Wala naman kasi akong choice.

"Yup. Don't worry, black rin naman so di ako sumuway sa usapan." sabi ko naman. Napagusapan kasi namin puro black ang swimwear namin.

"I knew it. Tsk." Sabi naman ni Art habang umiiling-iling na nagkakalkal sa bag niya.

"That's why I brought you an extra swimwear, incase na pagbalutin ka nanaman ni Ishmael." dagdag ni Art at binato sakin ang isang one piece swimwear. Omg!

"Eh papagalitan ako--" naputol ang sasabihin ko dahil nagsabay sabay sila magsalita.

"We got you bitch!"

•••

"Shocks... Promise ba ka makakita kayo ng taong nag-a-anyong demonyo pag lumabas ako." Usal ko dahil kinakabahan ako sa reaction ng kuya ko kapag nakita niya kong naka ganito!

"HAHAHAHAHAHAHA!"

"Gaga, conservative type of swimwear na nga yang binili ni Art for you." sabi naman ni Khis. Hindi kaya! See-through yung banda sa chest part and sa waist, pero di naman masyado bikini ito na as in kita butt cheek.

"Pag nagalit, akong bahala." sabi ni Art. Hay nako, edi world war 100 na sa dalas nilang nagtatalo.

"Isa ka pa, di ka kabado girl?" tanong ni Khis.

"HAHAHAHA.. HA. HA. Kabado syempre." napaka-sarcastic ng tawa nito ni Artemis!

"Let's go bitches!" sabi ni Porschia at ipinagtulakan kami lahat lumabas ng kwarto.

Nakasuot kami ng bathrobe at dumiretso na agad ng pool area. Ang lakas na ng music at ang dami nang nagsuswimming.

Hinahanap ko sila kuya pero di ko sila makita sa sobrang hype ng paligid.

Pumunta kami sa isang vacant table at dun nilapag ang mga gamit namin.

"I can't see the Greys." sambit ni Hyeshin.

"Maybe they're just flirting dyan sa tabi-tabi." sabi naman ni Rain

"Hoy gaga ayun si Skye oh, nilalangaw." turo ni Khisfire kay Skye kung saan dinudumog na siya ng i-ilang schoolmates namin para magpapicture.

"Ay payag ka nun? Kung ako yan tinulak ko na yan sa pool." sabi naman ni Cleo. Umay Grey! Ewan ko ba bat di sila nauumay!

Hinubad ni Hyeshin ang robe niya kasabay nun ang pagsalubong ng tingin ni Skye sa kanya.

SANA ALL!

"Go girl! Go get what's yours!" sabi ni Porschia at agad na hinubad ang robe niya.

What's up with the Grey's?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon