Chapter 14
Artemis's POV
Mag ga-gabi na nang matapos magkwento sila Nixon kung paano sila nagsimula.
They started it for fun, but look at them now. Sobrang seryoso at dedicated nila sa brotherhood nila.
Eventually, nakilala rin naman sila ng mga students dahil palagi sila magkakasama. Sobrang solid and powerful pa ng group nila, kaya pansinin talaga.
Kaso paulit-ulit ko na naririnig mga pangalan nila, tapos madalas ko pa sila kasama. Yung isa ex ko, yung isa best friend ko. Kaya di niyo ko masisisi kung bakit umay na umay ako sa Grey.
"Grabe talaga yung bromance nila Kuya at Nixon!" sabi ni Nyx. I agree, lalo na pag may ikinagalit to si Ishmael asahan niyong mas galit si Nixon.
"Syempre, mahal na mahal ko yan si Ishmael eh!" sabi ni Nixon at itinataas-baba pa niya ang kilay niya.
"Mahal din kita." sagot ni Ishmael at nag finger heart. What the fuck?
Nagtawanan naman sila.
Dahil katabi ko si Ishmael, ay narinig kong tumunog ang phone niya. Tinignan niya naman yun agad.
Pasimple kong sinilip yung phone niya pero di ko makita kaya bumaling na lang ako sa reaction ng mukha niya.
Di ko alam kung naka ngiti o naka ngisi ba to.
Napansin ko namang parang di mapakali si Persephone, katabi ko rin kasi siya.
Sinipat ni Ishmael si Persephone kaya napairap na lang ako. Should I transfer a seat?
"Thanks." sabi ni Ish kay Persephone at winagayway ang phone niya. Di naman sumagot si Persephone at awkward lang na ngumiti.
Wow Ishmael, lalandi talaga right infront of me?
Di ko pa naco-confirm kung like niya ba talaga si Persephone, pero sa nakikita ko, type niya nga.
I'm observing Persephone too. I think she'll fall. Simula nung napanood niya sila Ish na tumugtog sa Shot 99, alam ko nang may pag-asa silang dalawa.
Di sa pinapangunahan ko, nase-sense ko lang talaga.
Pansin kong di inaalis ni Ishmael yung tingin niya kay Persephone, pati ako nabo-bother!
Kaya naman ini-level ko ang mukha ko sa kanya para makuha ko yung atensyon niya, tinaasan naman niya ko ng kilay.
"Nahiya ka pa, ba ka gusto mong magpalit na lang tayo ng upuan?" sarcastic na sabi ko.
"Galit ka?" tanong niya.
"Hindi." sagot ko.
"Di pala eh." sabi niya at inakbayan ako. Inalis ko naman yun, dahil nabu-bwiset ako sa hindi ko malamang dahilan.
"Don't touch me, bitch." sabi ko at inirapan siya.
"Oy, oy, oy!" pagkukuha ni Lewis ng atensyon naming lahat.
"Naniniwala ba kayong, the more, the merrier?" tanong niya at nagsigawan naman ng oo ang mga boys. Napailing na lang ako, may naiisip nanamang kalokohan yan.
"Dahil dyan, naisip ko... Bakit hindi tayo gumawa ng sisterhood?" sabi ni Lewis at nakakalokong ngumiti. See?
Tumingin naman ako kay Ishmael na nagpipigil ng tawa habang nakatingin sakin kaya siniko ko siya.
"Okay ba yan kay Nixon?" tanong ni Matti.
"Basta gusto nila." sagot ni Nixon at nag thumbs up.
BINABASA MO ANG
What's up with the Grey's?
Teen FictionWhat's up with the Grey's? Joaquin Ishmael Co || Nixon Christian Grey || Xavier Dylan Dela Fuentes Grey Brotherhood is composed of 12 men. It is made unexpectedly, because despite of being friends in the present, they also experienced hating on ea...