Chapter 8
Xavier's POV
"One more. Ready." sambit ni Ish sabay senyas kay Nixon.
Nandito kami sa studio namin. Actually, condo unit to ni Ish, di naman niya nagagamit kaya ginawa na lang band studio.
Di naman kami nakakabulabog dahil sound proof itong unit.
Sinimulan na ni Nixon ang pag tap ng drum sticks niya.
Sa totoo lang namamanhid na yung daliri ko, kanina pa kami nagpa-practice di nakukuntento tong si Ish. Lam niyo na, perfectionist yan pag dating sa ganito.
Yung feeling mo okay naman, tas sasabihin niya may mali daw amp.
"Umiiyak ka nanaman."
"Lang'yAa--"
"HAHAHAHAHAHAHA PUTANGINA PUMIYOK!" tawang tawa na sambit ni Nixon. Kahit ako ay hindi makapigil ng tawa sa piyok ni Ish, ganun rin si Beau na kasama namin ngayon na nakikitambay lang sa studio.
"HAHAHAHA ayan gago, pahinga na muna kasi!" sabi naman ni Beau.
Bakas sa mukha ni Ishmael ang pagkabadtrip dahil pinagtatawanan namin siya.
"Sige tawa pa, isusungalngal ko sainyo tong microphone." sabi ni Ish kaya napatikom kami ng bibig habang nagpipigil ng tawa.
Bigla namang tumunog yung keypad ng pinto at iniluwa noon si Collin at Travis na may dalang mga pagkain.
"Yun sakto!" sabi ko sabay tulong sa kanila maghanda ng pagkain sa mesa.
"Oh ambag muna bago kuha!" biro ni Collin sabay dampot ng pizza.
"Ulo mo ambag." sambit ni Beau at kumuha na rin ng pizza.
"Aba'y gago!" sabi ni Collin at binatukan si Beau. Napailing na lang ako sa kanilang dalawa. Sumunod nun ay nagsikain na nga muna kami. Sobrang nakakagutom!
Nagpapasalamat ako dahil pumiyok si Ish!
"Hoy Ishmael, ano bang mukha yan? Anlala ng pagkasungit ng mukha mo ngayon." Puna ni Travis kay Ish.
"LQ pa rin sila ni--" singit ko ngunit pinutol ni Ish.
"LQ amputa. Di naman kami." sagot niya, nagtinginan kami at nagpigil ng ngisi.
"Wait, crush mo--" sabi ni Collin at kagaya ko pinutol din yun ni Ish.
"Hindi! Kinginang yan! Best friend ko lang si Artemis." sagot naman niya. Bakit bawal ba maging crush ang best friend? Ako nga eh...
"Boi, okay lang sakin promise kung crush mo siya." Asar ni Nixon kay Ish.
"Tangina mo!" sabi ni Ish at binato si Nixon ng fries.
"Oy Ish di naman malala away niyo eh, ikaw lalaki, ikaw mag sorry!" sabi ko naman.
"Oo nga, parang tanga pinapatagal. Sige ka, di ka nun i-cu-crush back--HAHAHAHA! JOKE!" sabi ni Nixon na ikinatawa namin.
"Magso-sorry na nga eh." Sabi ni Ish.
"Sorry sabay, pwede ba manligaw? Yiiieee!" Dagdag na asar pa ni Beau na ginatungan pa namin, HAHAHAHA halos di tuloy maipinta yung mukha ni Ish.
"Alam niyo, tangina niyo sagad." Sabi ni Ish at inubos yung isang bote ng mineral water.
"May plano ka ba sa sorry mo? Mahirap amuhin yan si Art." sabi ni Nixon.
BINABASA MO ANG
What's up with the Grey's?
Novela JuvenilWhat's up with the Grey's? Joaquin Ishmael Co || Nixon Christian Grey || Xavier Dylan Dela Fuentes Grey Brotherhood is composed of 12 men. It is made unexpectedly, because despite of being friends in the present, they also experienced hating on ea...