Chapter 13 (II)

6 0 0
                                    

Chapter 13 (II)

Nixon's POV

Naglalakad ako sa hallway nang makita ko si Ishmael na nauunang maglakad sa di kalayuan.

"Ishmael!" sigaw ko at agad naman siyang lumingon. Tumakbo ako papalapit sa kanya at umakbay. As usual, wala nanamang emosyon ang isang to.

Di ko nga alam bakit sinasamahan ko pa to eh. Ewan ko ba, magaan naman loob ko sa kanya!

Tsaka parang mga gago tong old students ng Don Agon, ang e-ere lol.

Pag lipas ng ilang buwan ng stay ko dito, malalaman nila ang tunay na ibig sabihin ng ere! Joke.

"Nga pala, kapatid mo yung kahapon?" tanong ko para naman may pinaguusapan kami.

"Oo bakit?" sagot naman niya.

"Wala tinanong ko lang." nakangiting sabi ko. Lumingon naman siya sakin at tinignan ako saglit at tsaka siya lumihis ng tingin. Weirdo amp.

Pagdating namin ng classroom, naabutan namin si Xavier na may kausap na lalaki.

Kinawayan niya naman kami nang makita niya kami.

"Mga boi!" bati ni Xavier samin. Boi amputa. Napaka-friendly nga naman talaga ni Xavier.

"Si Beau pala!" pakilala niya sa kasama niya.

Ngumiti naman ito at nakipagkamay sa amin.

Siniko ko naman si Ishmael. Nung ako nakipagkamay di niya tinanggap! Ang daya!

"Hoy! Bakit nung siya nakipagkamay ka? Sakin hindi?" pagrereklamo ko. Umirap naman ang gago.

"Oh ulitin natin?" sabi ni Ishmael at inilahad ang kamay niya. Tanginang yan!

•••

Kasagsagan ng lunch time namin at kinuwento samin ni Xavier kung paano niya nakilala si Beau.

Tangina nagpanggap pa ngang pamangkin ng Presidente! Patay na talaga pag ito nalaman ng mga bully na yan.

Pero good thing na rin kasi nalayuan si Beau nung mga bullies.

Yun nga lang, di naman namin alam kung safe na ba talaga or not.

"Basta Beau, wag ka na humiwalay samin, or at least isa sa amin kasama mo palagi." advice ko naman.

"Nakakahiya naman... Paano kung madamay kayo? Ayoko naman ng ganun." sabi naman ni Beau.

"Sus, halos kasing edaran lang namin ni Ishmael yang mga seniors na yan. Anong galang-galang? Lul walang ganun!" sambit ko naman. Nako, wag ako.

"Ako di naman ako nananakit, wag lang nila ko hahawakan ba ka makapatay ako." sabi ni Ishmael na nakapagpatahimik sa aming tatlo.

Gago, feeling ko nakakatakot to magalit. Tahimik eh. Sabi nga nila mas masama galitin ang mga tahimik!

•••

3 weeks na nakakalipas mula nang pumasok akong Don Agon.

Hayop na yan, di naman ako pinanganak para mag pari sa simbahan pero pucha minu-minuto, oras-oras atang nagdarasal dito!

Di pa naman ako sunog.

I can say that in 3 weeks ay mas nakilala ko pa sila Ishmael, at mas naging close rin kaming apat.

May iilan na rin naman akong nakakausap na classmates, pero wala eh hanggang dun na lang yun. I am not fond of their attitudes lol.

"Get a 1/4 sheet of paper. Write your name, grade and section, and the date today. Quiz number 1." bungad ng teacher namin sa Science. Tsk, sana di masarap ulam mo mamaya Miss!

What's up with the Grey's?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon