Chapter 2

61 3 0
                                    

Chapter 2

Ishmael's POV

He got a card from his left hand and a car key from his right hand. Literal na nagulat ako sa car key, at ina-assume ko na yun ang para sa 'kin. 'Di ko alam kung halata yung gulat ko, pero nagulat talaga ko.

"This is for you Nyx, and for you Joaquin." Inabot ni papa sakin yung susi, manghang-mangha akong pinagmamasdan yun. 'Di ako makapaniwala. Parang kanina lang gusto kong umubo na tunog kotse eh!

"Papa--" Naputol ang sasabihin ko dahil sa tawa ni papa.

"Hahaha! Yes son, We've got you a Mustang Shelby GT350R. Nasa basement na, pwedeng-pwede mo na i-test pag-uwi natin." Sabi ni papa. Fuck! I'm the happiest today! This is my first car! My first own car!

Lagi lang ako nanghihiram kay papa ng sasakyan, pero ngayon shit! Akin na talaga 'to!

"Omg! A condo unit from Proscenium? Thank you mom and dad!" Said Nyx and hugged mom and papa.

Dati, ayaw yan bigyan ni papa ng condo unit, babae kasi. Maski ako ayoko, hanggang ngayon ayoko. Kaso wala eh condo unit ni-regalo eh, penthouse pa!

"Thanks mom and papa!" I said. 'Di ko alam kung mukha akong tanga sa itsura ko ngayon, bahala na basta ang saya ko!

"Hay salamat at ngumiti rin si Joaquin! Anak alam mo, ang gwapo mo lalo kapag nakangiti." Mom said at parang tinititigan pa ang mukha ko.

"Mom stop it." Sabi ko habang nakangiting tinitignan pa rin ang susi na nasa kamay ko. I can't help, but to smile.

•••

Pagkauwing-pagkauwi namin ay agad akong pumunta sa basement kung saan ang parking area namin.

"Fuck, it's beautiful." Sambit ko sa sarili at pumalibot sa sasakyan para lalo kong mapagmasdan ito.

Black ang kulay. Pumasok ako sa loob may plastic pa yung seats, halatang bago talaga. Sinubukan kong i-start at ang sarap lang sa tenga nung tunog, paiingayin pa kita soon! Se-set up ko rin 'to.

Bago ko pa tuluyang mapaandar ay dumating si papa.

"Tā céng shì zěnyàng de? Nǐ xǐhuān tā ma?" (How was it? Do you like it?) Sabi ni papa. Ngumiti naman ako sa kanya at tumango.

"Wǒ xǐhuān tā." (I love it.) Sagot ko sa kanya. Pagkatapos nun ay agad-agad kong pinaandar yung sasakyan. Tangina smooth!

'Di na ko lumabas at inikot ko na lang sa buong mansyon namin. Bukas na bukas ay dadalhin ko 'to sa shop namin para mapa-set up. We owned businesses na related sa mga sasakyan, car dealer ang papa ko eh.

May alam din ako sa pagse-set up kaya baka ako na mismo ang gumawa rito sa kotse ko.

After ko i-test drive ang sasakyan ko ay agad akong nag-order ng mga pagkain para sa party mamaya.


Nixon's POV

On the way na ko kila Ishmael nang biglang nag ring ang phone ko. Si Izce tumatawag.

Agad ko namang sinuot yung bluetooth earphones ko dahil nagdadrive ako.

"Yes Izce? Walang yelo dyan? Bili ako?" Pabirong tanong ko.

"Gago HAHAHA! Tatanong ko lang kung nasaan ka na, ikaw na lang wala!" Sagot niya naman. Ako naman palagi nilang hinihintay. Kung hindi ako, si Ishmael o kaya naman si Skye.

"On the way na nga ko, may papabili pa ba kayo? Para bago ako pumasok ng village nila Ish daan muna ko 7/11." Tanong ko naman.

"Wait-- HOY TINATANONG NI NIXON KUNG MAY PAPABILI DAW KAYO! ANO?" Tanginang sigaw yan! Nakadikit pa ata yung bibig niya sa cellphone!

What's up with the Grey's?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon