Chapter 9 (I)
Beau's POV
"Bree! What's taking you so long?!" sigaw ko mula sa pinto ng kwarto niya. Chineck ko ang relo ko, 5:30 na. 1 hour na lang at magsa-start na party. Napakatagal! 17th birthday nila Hyesun today.
"Wait kuya! I'm wearing my shoes na!" sigaw niya. Agad namang bumukas ang pinto niya at sinalubong niya ko ng ngiti.
"Let's go!" anyaya niya sakin. Tinignan ko ang kabuuan niya. Naka suot siya ng pink dinosaur onesie, samantalang ako ay stitch na onesie.
Sabay kami ni Xavier bumili ng onesie kaya isinabay ko na rin ang kapatid ko dahil invited rin naman siya.
"Dapat pala yung pig onesie na lang binili ko no? Mas bagay sana sayo." biro ko sa kanya, medyo chubby kasi ang kapatid ko.
"I hate you!" sagot naman niya at inunahan ako maglakad.
"Ay sabagay mas malaki ang dinosaur sa baboy kaya okay na rin pala yan!" Pahabol ko pa at tsaka sumunod na sakanya.
"You're not funny kuya!" sabi niya. Hinabol ko naman siya at nilagay ang hood ng onesie sa ulo niya. Sinamaan niya naman ako ng tingin.
"DADDY! KUYA'S--SHDJDJEJAJAKSK!!" tinakpan ko ang bibig niya at hinatak siya palabas ng bahay.
"Ate, pakisabi umalis na kami ah?" bilin ko sa kasambahay namin na si Ate Gigi.
Sinalubong kami ni Kuya Bert na driver namin sa labas. Agad naman kami na pumasok ni Bree.
"Kuya Bel Air Village tayo, ito yung invitation paki pakita na lang sa guard."
Sa totoo lang di pa ko marunong magdrive, at bawal pa kasi minor pa ko! Sa tropa namin ang legal na pwede na mag drive ay si Nixon, pero dati nagpapasaway din yan!
Ang pasaway sa amin ngayon na nagdadrive kahit di legal, unang una si Ishmael, walang pakialam yan mahuli man siya o hindi dahil may pambayad naman daw siya, yabang diba? Sabagay, mag 18 na rin naman siya this year. Pangalawa si Travis, at pangatlo ang bunso sa tropa namin na si Xavier.
BINABASA MO ANG
What's up with the Grey's?
Teen FictionWhat's up with the Grey's? Joaquin Ishmael Co || Nixon Christian Grey || Xavier Dylan Dela Fuentes Grey Brotherhood is composed of 12 men. It is made unexpectedly, because despite of being friends in the present, they also experienced hating on ea...