Chapter 4
Nixon's POV
Pumunta kami ni Ishmael sa pool area at dun sumindi ng yosi. Alam kong nasa katinuan na to. Sana magbati na kami ngayon.
"Chill ka na ba? Di ka na galit?" tanong ko. Humithit muna siya bago sumagot.
"Oo, chill na ko." sagot naman niya. Di naman niya sinagot yung isa kong tanong.
"Ah, galit ka pa nga." sambit ko at napalingon naman siya sakin.
"Alam mo ba kung bakit ako galit na galit kagabi?" tanong naman niya sakin. Di pa ba obvious yung tanong na yun?
"Dahil kinuha ko lahat sa kanya?" sagot kong patanong. Nga pala nag message ako dun ah? Nabasa niya na kaya? Okay lang kahit hindi, pero mas okay kung oo.
"Di naman yun eh, alam ko namang di mo siya gagalawin nang hindi ka nanghihingi ng permiso. Ano ka rapist? Kung ganon sana pala tinuluyan na kita." sabi naman niya. Sabagay may point siya dun. I'll go for it, but with consent. Sama lang sa loob kasi wala na kong itinira sa kanya, at di niya deserve yun.
"Eh bakit ka nagalit? Yung totoo Ishmael, gusto mo ba siya?" tanong ko. Nag-iwas siya ng tingin at muling humithit ng yosi.
"Gago ka ba? Best friend ko yun. Pinagsasabi mo dyan?" sabi niya naman. Eh ano naman? Di naman pinagbabawal na magkagusto sa best friend. Labo ni Ish. Sumasagot nang hindi naman yun yung sagot na hinihingi sa tanong ko.
"Okay sige best friend mo siya kaya ka nagalit?" tanong ko ulit at humithit. Nakakaginhawa talaga ng pakiramdam pag nagyoyosi eh.
"Oo, isa na yun. Mahalaga siya sakin eh. Nagpatong-patong na yung rason ng mga ikakagalit ko sayo." sagot ni Ish. Hindi ako nagsalita dahil alam kong may kadugtong pa yung sasabihin niya.
"Bakit mo pa kasi sinabi yun sa aming lahat? Naalala ko tuloy kung paano ko siya nakitang nasasaktan dahil sayo. Pinangakuan mo pa siya, tapos isinawalang bahala mo yung pangako mo sa kanya na walang magbabago kahit anong mangyari, na hindi mo siya iiwan? Tanginang mga pangako yan Nixon." sabi niya at hinulog ang yosing ubos na at inapakan. Ganun rin ang ginawa ko. Mali ko naman talaga.
"Nagtiwala sayo yung tao kaya niya binigay sayo lahat. Ikaw tong gago na alam mo naman sa sarili mong di mo kaya panindigan yang mga salita mo, pero anong ginawa mo? Kinuha mo pa rin. Lintek na yan." napayuko na lang ako sa sobrang guilt na nararamdaman ko. Bawat salita na binitawan ni Ishmael, tamang tama sakin.
"Oh ngayon, sabihin mo sakin Nixon. Sinong hindi magagalit dyan sa katarantaduhan mo?" pagkatapos niya sabihin yan ay nabalot kami ng onting katahimikan. Siguro oras na para ako naman ang magsalita.
"Pwede na ba ko magsalita?" tanong ko sa kanya at tumango naman siya. Bahala na kung magalit siya ulit o dumagdag pa sa galit niya tong masasabi ko. Pero aamin na ko sa kanya.
"I loved Artemis. I loved her so much. Alam mo naman yun eh, alam niyo yun lahat. Wala akong bagay na pinagsisisihan sa relasyon naming dalawa. Dumating din naman ako sa point na naisip kong ba ka sa huli ay siya na rin. Di naman imposible mangyari yun eh, pero ako ang may kasalanan kung bakit hindi na mangyayari yun." Lahat nang salitang binibitawan ko ay katotohanan. Nakikinig naman si Ish sakin.
"Nung mga panahong sobrang mahal ko siya Ish... Doon ko siya kinuha." napabuntong hininga na lang ako. Kahit naman ako tong nanakit, nasasaktan din ako sa ginawa ko.
•••
Ishmael's POV
"Kinuha ko lahat sa kanya, wala na nga kong halos itinira. Kinuha ko yung pagmamahal niya, tiwala, atensyon, oras... Siya." sabi niya. Hinahayaan ko lang siya magsalita kasi gusto ko rin naman malaman side niya. Mali ko lang rin naman na galit agad ang pinairal ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
What's up with the Grey's?
Teen FictionWhat's up with the Grey's? Joaquin Ishmael Co || Nixon Christian Grey || Xavier Dylan Dela Fuentes Grey Brotherhood is composed of 12 men. It is made unexpectedly, because despite of being friends in the present, they also experienced hating on ea...