Chapter 5
Ishmael's POV
Nagsiuwian na sila after nila kumain. Dumiretso ako sa kwarto ko para humilata, tangina eh, ang sakit ng ulo ko.
Kagabi nung galit na galit ako, nawala talaga yung pagkalasing ko pero grabe yung balik ng sakit ng ulo ngayon. Nakaka-tangina.
Napagdesisyunan kong tawagan si Art, kasi wala lang trip ko lang.
Yan talaga name niya sa contacts ko, binawian ko lang siya kasi ang pangalan ko sa phone niya 'Stupid Motherfucker' sino ba namang matutuwa sa ganun?
"OH?!" bungad na sagot ni Art sa phone. Sakit sa tenga amputa!
"Galit ka?" tanong ko.
"NO! How did you know na nandito ako sa condo?!" naiimagine ko yung mukha niyang masungit sa boses niya lol.
"Ah natanggap mo na pala, wala bang pa-thank you dyan? Sorry na nga kasi." sabi ko naman. Minsan sinusungitan ko rin to eh, kaso wala eh, ako rin ang sumusuko. Ibang klase siya.
"Eh paano mo nga muna nalaman na nandito ako?"
"Nag ig story ka diba, tss."
"Ah nagsusungit ka?" oh diba? ayan na nga ba sinasabi ko, pag ako nagsungit bawal na.
"Hindi po. Kulang pa ba yan? Ano pang gusto mo?"
"Baliw okay na. Daming alam. Bakit ka nag call?"
"Trip ko lang pero... Free ka ba ngayon?" tanong ko, parang gusto ko gumala ng siya ang kasama eh.
"Hmm, why?"
"Wala ayain lang sana kita umalis."
"Ahh okay. Gusto ko rin sana kaso, hmm... Nevermind, I'm not free today." sagot niya. Napaisip naman ako, parang ayaw niya sabihin sakin ah?
"Bakit?" tanong ko, mga ilang seconds pa bago siya sumagot. May tinatago to sakin, tsk.
"Basta, bukas na lang tayo umalis." sagot naman niya. Talagang ayaw sabihin ah?
"Di ka magsasabi?" pagbabanta ko.
"Anong pakialam mo kung ayoko sabihin?" aba, pumapalag talaga ah.
"Anong pake ko? Ikaw. Sayo. Nasayo ang pake ko." and as expected muli nanaman siyang natigilan sa sinabi ko.
"BASTA! Ang kulit mo! Bukas ko na lang sasabihin promise!" iritang sagot niya sakin.
"Fine. Basta sasabihin mo."
"Oo na! Oo na! Bye!" magsasalita pa sana ko, kaso binabaan niya ko. Napakabait talaga ng babaeng to.
BINABASA MO ANG
What's up with the Grey's?
Подростковая литератураWhat's up with the Grey's? Joaquin Ishmael Co || Nixon Christian Grey || Xavier Dylan Dela Fuentes Grey Brotherhood is composed of 12 men. It is made unexpectedly, because despite of being friends in the present, they also experienced hating on ea...