--
Nagising ako sa sinag ng araw na dumampi sa mukha ko. Pagmulat pa lang ng mata ko , naaninag ko na ang mukha ni Mommy na nakangiti.
"Mama?"
"Hi Marc" Kaway sakin.
"Ma! Totoo po bang ikaw yan?"
"Oo Anak". Panaginip ba to? Kasi kung panaginip to. Ayoko na magising pa.
"Maaaaaaa! Bakit niyo naman po kami iniwan?"
"Anak. May mga tao talagang hindi permanent sa mundo tsaka masaya na ako. Makikita ko na rin ang Daddy mo"…
"Ma. Bata pa po si Luigi. Hindi ko pa po kaya" Niyakap niya ako.
"Kaya mo yan, Anak. Alam ko dahil matapang ka!"
"Pero ma?"
"Mahal na mahal kita Anak. Mahal na mahal ko kayo ni Luigi kahit hindi ko sabihin alam kong aalagaan at hindi mo pababayaan ang kapatid mo. Paalam Anak" at unti-unti na siyang kinain ng liwanag.
---
"Maaaaaaaaaaaaaaaaa!!" Napabalikwas ako ng bangon. Puro puti? Nasa hospital ba ako?
"Gising ka na pala Marc" - Kimmy.
"A-anong nangyari?"
"Tatawagin ko ang doctor para masagot ang katanungan mo" ILang minuto ang nakalipas dumating na yung doctor tsaka kasama nito sina Squall at Kimmy.
"How are you Ms. Castro?" Babae ang doctor ko, siguro nasa 20+ pa to, bata pa kasi yung itsura.
"Ayos lang po. Ano pong nangyari sakin?"
"Nahimatay ka at masama ang pagkabagsak mo, mabuti nalang nakaligtas ang batang dinadala mo. Pero sana sa susunod, mag iingat ka na" Ba-bata? Pinagsasabi nito!
"Ano? Hindi po ako buntis doc. Sadyang mataba lang talaga ako"
"I knew it. Hindi ka maniniwala. Ito ung results sa pagtest ko kanina sayo" May inabot siyang papel sakin. Binasa ko ito at....
"POSITIVE?"
"Yes. Congratulations Ms. Castro. 1month ka ng buntis!" No!! No!
"Hindi!! Hindi totoo yan!!" Nagwawala na ako! Hindi pwede na mabuntis ako!! Hindi!!!
"Nurse!! Nurse!!" Sigaw ng doctor. Hinawakan ang magkabilang kamay ko ng dalawang nurse tsaka may tinurok sakin kaya nawalan na naman ako ng Malay.
--
Squall's POV
Isang oras ng tulog si Marc pati hanggang ngayon hindi pa siya nagigising.
"Buntis si Marc?" - Kimmy. Ito na nga ba ang sinasabi ko, futa talaga ni Master eh! Hindi kasi nag condom. Ayan tuloy nagbunga! Paano ko to sasabihin sa kanya?! Malamang ipapalaglag niya to.
"P-pati nga rin ako nagulat" Umiiyak na si Kimmy. Ewan ko kung bakit siya umiiyak pero pinatahan ko siya.
"Kawawa naman si Bestfriend. Ang hirap ng pinagdadaanan niya *huk*"
"Malalagpasan din ni Marc ang pagsubok na to, basta nandito lang tayong mga kaibigan niya para sa kanya"
"Kaya pala may kakaiba na sa kanya, yun pala. Buntis siya! Sino ang ama ng dinadala niya? Alam mo ba?" Gusto kong sagutin ang katanungan niya pero dapat si Marc ang sumagot ng tanong niya.
"Pasok na muna tayo sa loob, baka gising na si Marc" Aya ko sa kanya. Nag vibrate ang cp ko kaya pinauna ko muna si Kimmy sa loob.
MASTER
CALLING...
ACCEPT > DECLINE
BINABASA MO ANG
Wansapana"PERVERT" (On HOLD)
RomanceRead the Prologue to know more. -WARNING- RATED SPG. Not suitable for the young readers. But if you want to read this story. READ AT YOUR OWN RISK. Date Started : Jan. 24,2015 Warning : This is a work of fiction. Names, characters, businesses, son...