This chapter is for my Jumega hahahaha
Hi "Verlie" A.k.a "Bilat :*---
Andrei's POV
Napag desisyonan ko na sa condo muna ako uuwi. Hindi ko kasi feel sa bahay, hindi ko alam kung bakit. I texted mommy na siya na ang bahala kay Sef at sabihing hindi muna ako makakauwi. Simula nung dumating si Sef sa buhay ko, nag iba na ang pananaw ko sa buhay. Gusto kong magbago at maging responsableng ama para kay Sef. Mahigit 8 years kong pinagsisihan kung bakit ko nagawa yun kay Marc. Sa tuwing nakikita ko si Sef, si Marc ang nakikita ko. Nung nalaman kong namatay na si Marc, nagpakalasing ako nun. Dahil kung tinanggap ko lang agad ang anak namin siguro nabubuhay pa siya ngayon. Hindi naman sa sinasabi ko na ayaw ko kay Selena para sa anak ko pero ---- . Kring (3x) sino ba tong tumatawag? Kainis! Hindi ko na tiningnan sa screen ng cp ko kung sino ang tumatawag. Sinagot ko nalang to agad.
"Hell---"
"Bakit hindi ka umuwi sa mansyon?!" Sigaw agad ang bumungad sakin ng tumawag at alam ko na kung sino ito.
"Sorry kunghindi ko nasabi sayo. Pagod ako Selena kaya kung sesermunan mo lang ako. Pwede ba bukas nalang?"
"Nasa labas ako ng building, puntahan mo ko dito tooo---tooot!" hayss... Kakainis. Agad akong tumayo at sumakay ng elevator. Nung nasa 6th floor na ako biglang bumukas ang elevator. Bumungad sakin ang isang napakagandang babae na ngayong ko lang nakita sa buong buhay ko. Shet! Ang ganda niya pero parang pamilyar siya sakin. Saan ko nga ba siya nakita? Pinasak ko nalang ang earphones tenga ko at nagpatugtog kesa isipin kong saan ko siya nakita. Maya maya bigla niyang pinadyak ang paa niya at dahil sa nagulat ako napalingon ako sa kanya. Nakabusangot ang mukha niya.
"Miss, okay ka lang?" Tiningnan niya lang ako at hindi umimik. Maganda nga, suplada naman.
Pumadyak siya ulit at biglang nag brown out.
"Ahhhhh!!!!!" Biglang sumigaw yung kasama ko kaya napataranta ako.
"Miss, miss. Nasaan ka?" Hinanap ko siya kahit madilim. Kinakapa kapa ko yung pwede kong mahawakan hanggang sa may nahawakan akong malambot. Kasabay nun biglang umilaw at umandar ang elevator.
"Bastos ka!!" Pinaghahampas niya ako. Anakng ang sakit niya makahampas.
"Sorry!-- Aray! Sorry, hindi ko naman sinasad--- Aray!!"
"Walang hiya ka! Manloloko't nakabuntis ka na nga. Manyakis ka pa!" Nagulat ako sa mga binitawan niyang salita. Ano bang pinagsasabi niya? Paano niya nalamang.....
"Teka teka, sino ka para sabihin sakin yan?" May alam ba siya? Sino ba siya?
"Ahhh ano.. Humuhugot lang ako! Oo tama. Humuhugot lang ako" Humuhugot? Grabe namang hugot yun parang totoo eh. Teka...
"Teka nagmumukhaan kita" Nakita ko na nga siya. Siya yung kasama ni Squall kanina.
"Ikaw yung----" Hindi na natuloy yung sasabihin ko ng magbukas yung elevator, nasa lobby na pala kami. Agad siyang tumakbo palabas. Bigla siyang nawala sa paningin ko. Na cu-curious ako sa babaeng yon. Sino kaya siya sa buhay ni Squall? Wala namang nababanggit si Squall na may babae siyang kasa kasama? Bago ko pa makalimutan si Selena nakita ko nga siyang nasa labas ng lobby nag aantay. Malayo ang tingin niya kaya hindi niya ako nakitang papalapit sa kanya.
"Babe" Hinalikan ko siya sa labi.
"Ang tagal mo"
"Pasensya ka na, may problema kunti sa elevator eh, bakit ka napapunta dito?"
"Tinatanong pa ba yan? I miss you" Siniil niya ako ng halik.
"Selena, wag ngayon. Pagod ako"
"Babe, may problema ba tayo?"
BINABASA MO ANG
Wansapana"PERVERT" (On HOLD)
RomanceRead the Prologue to know more. -WARNING- RATED SPG. Not suitable for the young readers. But if you want to read this story. READ AT YOUR OWN RISK. Date Started : Jan. 24,2015 Warning : This is a work of fiction. Names, characters, businesses, son...