1 year later.....
"Happy 1st Birthday, Sef!" Bati nina Alvin, Leo, Sven at Squall kay Baby Sef sabay abot ng regalo nito. Isang taon na simula nung iniwan ni Marc ang anak niya kay Andrei. Hindi naman naging mahirap kay Andrei ang pag aalaga sa anak niya dahil tinutulungan naman siya ng Mommy niya. Natutuwa nga sila rito dahil habang palaki ng palaki ang bata nagiging kamukha na ito ni Andrei.
"Pakarga nga ako Babe" - Selena. Sina Andrei at Selena pa rin ang magka relasyon at natutunan na rin ni Selena na mahalin si Baby Sef na parang anak niya lang rin. Nung una, hindi niya ito tanggap at nakipag break pa to kay Andrei pero kinalaunan nakipagbalikan siya sa binata at tinanggap na rin ang bata. Sabi pa nga ni Selena kay Andrei na Siya na ang Ina ng bata since ayaw niya pang magkaanak silang dalawa dahil nga sa masisira ang figure niya, pumayag naman si Andrei dahil nga sa mahal niya si Selena. Kung naguguluhan kayo may plano naman talaga si Andrei na maghiganti kay Selena dahil sa ginawa nitong panloloko pero simula nung umalis ng bansa si Marc, bumabalik na ito sa dati ntong ugali at napamahal ulit siya sa dalaga.
"Uwaaa~ Uwaaa~!" Iyak ng bata.
"Naku, Baby Sef don't cry. Diba you're a big boy na? So dont cry na, shhhh~ shhh~" Pagpapatahan ni Selena sa bata.
"What happen Babe?" - Tanong ni Andrei sa kasintahan.
"Umiiyak kasi siya and i dont know why" Patuloy pa rin sa pag iyak ang bata. Kinuha ni Andrei si Baby Sef kay Selena tsaka tumahan ito sa pag iyak.
"Ay nako. Choosy talaga si Baby, ayaw niya sa Mommy niya, hmmfp!" Pagsusungit nito.
"You're so Cute, Babe" Hinalikan niya ito sa pisngi. Humahagikhik naman si Baby Sef nang makita niyang namumula ang Mommy niya.
"Waaaa... tuwang tuwa si Baby ko" Kurot ni Selena sa pisngi ng bata. Tuloy pa rin sa pag ngiti ang bata.
Habang kumakain ang lahat ng bisita, kinuha ni Squall ang pagkakataon na makalapit sa bata.
"Master, may ibibigay pala ako kay Baby Sef"
"Ano yun?" Dinukot ni Squall sa bulsa niya ang isang kwintas na may nakasabit na pangalan na SEF.
"Ganda pare ah! Mahal mo talaga ang inaanak mo noh?" - Andrei
"Syempre naman" Pinasuot niya ito sa bata "Wag mo to ipapahubad sa kanya ha. Kahit nagtaka man si Andrei ay hindi na siya nagbalak na magtanong pa.
---
Squall's POV
Matapos kong ibigay ang kwintas kay Baby Sef lumabas agad ako sa mansion nila at agad idinial ang number ni Marc.
[Hello] ohh. Miss ko na talaga ang boses niya kahit araw-araw kaming magkausap.
"Marc, kamusta?" Panimula ko.
[Woo halos araw-araw tayo magkausap tapos nangungumusta ka dyan? Hahaha. Well anyway naibigay mo na ba yung binigay ko sayo dati?] Tinutukoy niya yung kwintas.
"Oo"
[Nagtaka ba si Andrei? Kamusta ang anak ko? Ok ba siya? Send me his pictures naman sa email. I miss my baby so much] Halata sa boses niya na namimiss niya ang anak niya pero paano pag sinabi ko na hindi niya pwedeng lapitan si baby sef. Hindi ko kasi sa kanya nasabi dati dahil ewan, hindi ko ala, kung bakit hindi ko ito sinabi sa kanya.
"He's Fine and yea, i send it to you pagkauwi ko. Cute na cute nga eh" Natahimik naman siya sa kabilang linya.
"Marc?"
[*huk* Dapat ako ang kasama niya ngayon sa unang kaarawan niya. Dapat ako ang nag aalaga sa kanya. *sniff* Dapat ako, dapat ako!*sob*]
"Marc, makakasama mo rin naman siya." Pagsisinungaling ko sa kanya alangan sabihin ko na Marc hindi mo na makakasama pa ang anak mo dahil iniwan mo siya, duwag ka! Ayoko naman saktan ang babaeng mahal--- este si Marc. "Kailan ka ba uuwi?" Pag iiba ko ng usapan.
[Hi--hindi ko pa alam *sniff* Si-- Si Andrei? Ka-kamusta siya?] Andrei na naman.
"Ayos lang rin. Gaya ng sinabi ko sayo dati, nagagawa na niya ang responsibilidad niya sa anak niya. Dati nahihirapan siyang palitan ang diaper ni Sef pero ngayon ang galing na nga eh. Si Selena na rin ang tumayong Ina ni Sef"
[Ah] Tipid niyang sagot.
"Kaya umuwi ka na bago ka mawalan ng responsibilidad sa anak mo" Matapos kong sabihin yun, binaba ko na ang tawag. Sana maisip niya na simula nung sanggol palang si Sef, si Selena na ang nakagisnang Ina nito. Wag naman sana dumating yung araw na mawalan na siya ng posisyon na bilang Ina sa anak niya.
----
Selena's POV
Shit!! Shit!! Ito na naman tayo, nawala na naman ang atensyon ni Andrei sakin, nasa anak na naman niya. Grrrr...
"Hi sissy, what's with the long face?" - Roxan. Siya si Roxan Jao childhood friend ko, kakauwi lamg niya galing states.
"Arrgg.. As usual" ninguso ko yung mag ama,
"Haha, kawawa ka naman sissy. Papatayin na ba natin ang bata?" Isa pa tong mamamatay tao eh. Kung akala niyo na ako ang pinakasama sa storyang to, pwes hindi. Prinsesa lang ako, si Roxan ang Reyna ng mga demonyo. Hindi siya nag aalinlangan na pumatay ng tao kahit bata man yan o kahit matanda. Bira kung bira, hindi nga halata sa itsura niya na mamamatay tao siya dahil mukha siyang anghel. Kung tinatanong niyo kung bakit siya pumapatay ng tao, kasali kasi tong babaeng to sa sindikato whatever it is!
"Bangag ka ba? Pag pinatay natin ang bata, ako naman ang papatayin ni Andrei"
"Magpabuntis ka na kasi, ang dami mong arte eh, bakit kasi hindi nakakbuntis yung kinakain mong gatas sa ano niya!"
"Shut the f^ck up! Ayoko masira ang figure ko, model ako Sissy! MODEL!"
"Sus, magagawan naman ng paraan yan. Babalik din sa dati ang katawan mo. O baka naman ayaw mo lang talaga magpabuntis kay Andrei dahil yung kuya niya ang gusto mo? " Tinakpan ko ang bibig niya dahil sa kadaldalan niya. Paano pag narinig ni Andrei yun o sa kung sino.
"Ang daldal mo talaga! Sabuyan kita dyan ng juice eh"
"Chill, bakit hindi ko ata nakikita ang kuya ni Andrei? What his name, anyway?" (AN: Hindi ko pa ata napangalanan ang Kuya ni Andrei, so papangalanan ko na XD)
"Andrew Fransokyo , ang pinaka successful business man sa buong mundo"
"Wow, yun nalang tuhugin mo sissy. He's rich, very rich! If i know hindi mo naman talaga mahal yang si Andrei, may kailangan ka lang talaga sa kanya" bakit ang talino g bruhildang to?!
"Shut up Roxan! Baka may makarinig sa'tin. Ako na bahala sa mag ama na yun, wag ka muna makisali, okay?"
"Basta ba may parte ako dyan!"
"As always naman sissy, ikaw pa!"
----
BINABASA MO ANG
Wansapana"PERVERT" (On HOLD)
RomanceRead the Prologue to know more. -WARNING- RATED SPG. Not suitable for the young readers. But if you want to read this story. READ AT YOUR OWN RISK. Date Started : Jan. 24,2015 Warning : This is a work of fiction. Names, characters, businesses, son...