-WP- [38]

27 2 0
                                    

Third Person's POV

Alas siete na ng gabi at hindi parin bumabalik si Audrie at Sef kaya napagdesisyonan ng barkada na hanapin sila sa kagubatan.

Alas otso y media ng makabalik ang grupo sa rest house.

"Ano? Nakita niyo na si Ma--- este si Audrie at si Sef?" Sabi na Kimmy na may halong pag aalala.

"We've search everywhere. Hindi namin nakita si Audrie but we found Sef" Sven said. Tumingin si Kimmy sa likod ni Sven at nakita niyang hawak na ngayon ni Alvin si Sef habang patuloy ang pag iyak nito. Lumuwag ang pakiramdam ni Kimmy ng kaunti nang malaman na ligtas si Sef.

"Oh my God! Kailangan niyo siyang mahanap. Malalim na ang gabi. Baka ano na ang nangyari kay Audrie". Pag aalalang sabi ni Kimmy.

"Si Andrei? Nasaan siya?" Singit ni Selena sa usapan.

"Hinahanap si Audrie" - Sven.

"Ano?! Gabi na. Bakit niya pa hahanapin ang babaeng yun?!"Inis na sabi ni Selena na syang ikinabingi ni Kimmy.

"Anong sabi mo?! Kasalanan mo to eh. Kung hindi mo kami ginulo kanina. Hindi to mangyayari!" Sigaw nito kay Selena.

"What? This is not my fault. Kung hindi lang sana siya malandi. Edi sana walang mangyayaring ganon. Kinuha ko lang naman ang dapat ay akin. Akin si Sef! Akin si Andrei at wala syang karapatan na kunin ang mga bagay na pagmamay-ari ko na!" Tumawa ng bahagya si Kimmy ng marinig niya ang mga sinabi nito.

"Really? Haha. Well maghanda ka na. Dahil lahat ng pagmamay-ari mo. Panandalian lang yan. Tandaan mo yan!" Duro nito kay Selena.

Marc's POV

"Seeeeeeffff!! Lumabas ka na! Si Mommy Audrie to. Seeeefffff! Nasaan ka?". Sigaw na ako ng sigaw pero puro kuliglig lang ang naririnig ko sa paligid ko.

Ang dilim. Wala pa naman akong flashlight o kahit cellphone man lang na dala dito.

"Seeeeefffff!!" Naglakad ako ng naglakad hanggang sa may narinig akong umiiyak sa di kalayoan. Agad ko itong sinundan sa pag aakalang si Sef ang makikita ko pero nabigo ako.

Anak nasaan ka na ba? Please magpakita ka na.

Awooooooo. Napaigting ako sa alulong ng aso. Mygad. May wolf ba dito? Jusko. Baka ano na nangyari kay Sef. Baka kinain na siya o ano . Huhu Lord bakit naman po ganun? Ngayon lang po ako makakabawi sa mga pagkukulang ko sa kanya tapos kukunin niyo agad siya sakin. Huhu Jusko Marc! Erase! Erase! Walang nangyaring ganun sa anak mo! Maghulosdili ka. Ano ba to. Kung ano ano na pinag iisip ko---

Scratch tsk tsk~ (Kaluskos)

"Si-sino yan?" I hug myself. Dahil takot na takot na talaga ako. May naririnig pa akong ilang kaluskos ng may lumabas na malaking aso sa bush.

Growl~

Sa itsura ng aso ay pulang pula ang mga mata nito na parang galit na galit. Parang gutom na gutom ito at anytime ay handa na niya akong lapain.

"Doggy hehe. Stop wag kang lumapit" pang aamo ko rito.

Lord, bakit naman ganito kasaklap ang kamatayan ko?

"Waa-wag k-kang lalapit!" Panginginig na sabi ko. Pero sa tuwing aatras ako, papalapit naman ng papalapit naman yung aso.

Atras

Lapit

Atras

Lapit

At--- Jusko! Wala na akong aatrasan. Hanggang dito nalang ba ako, Lord?

Papalapit siya ng papalapit hanggang sa---.

"AHHHHH!!!!!!" Nakapatong na siya sa katawan ko at pinagkakagat na ang damit na suot ko. Tulong! Tulong! Walang lumalabas na kahit anong salita sa bibig ko. Lord tanggap ko na. Siguro hanggang dito nalang ako. Nanghihina narin ako dahil sa lakas ng impact ng pagkatalon ng aso't dinaganan ako. Unti unti ng bumababa ang talukap ng mga mata ko. Nakaramdam din ako ng kirot na parang kagat and everything went black.

Nagising ako sa puting kwarto. Nasaan ako? Nasa langit na ba ako? Aakma akong babangon ng may pumasok.

"You're awake, are you okay? - Andrei.

Andrei? Bakit siya nandito? Patay na rin ba siya? Nakatitig lamang ako sa kanya at hindi sinagot ang mga tanong niya.

Winawagayway nya ang kamay sa harap ko. Pero iyak nalang ang nagawa ko. Napahagulhol ako sa hindi malamang dahilan. Agad niya naman akong niyakap nang syang ikinagulat ko. Naramdaman ko ang tibok ng puso niya. Ang ibig sabihin ba nito? Hindi siya patay at hindi rin ako patay? Nakaligtas ba ako?

"Shhh stop crying. Everything is gonna be alright". Pahid niya sa mga luha ko.

"Akala ko patay na ako. Akala ko hindi ko na makakasama si Sef" patuloy parin ang pag iyak ko ng siyang ma realize ko yung sinabi ko.

"Makakasama mo pa si Sef. Don't worry" sabay halik sa noo ko. Alam niya na ba?

"I mean kasi ano gusto ko si Sef" Taranta kong saad sa kanya.

"I already know".

"Alam mo na?" Gulat ko. Paano ko ba to eexplain? Ano dapat kong isagot?

"Andrei I re--real--- "

"Yes. I know how much you love Sef. Sef told me na ikaw daw yung nakilala niya sa states last christmas at ikaw din daw yung nagligtas sa kanya nung naligaw siya roon". Para akong nabunutan ng tinik sa sinabi niya. Akala ko alam niya na talaga. Hindi pa ako handa sa mga isasagot ko pag nagkataon.

"Thank you for helping Sef. Natutuwa ako at nakilala ka niya. Simula ng makilala ka niya ikaw lagi ang bukam bibig niya. He keeps telling me that i should meet you someday. And i didn't expect na ikaw yung bagong girlfriend ni Squall".

"Ahh--Haha. Anyway, where's everyone?" Pag iiba ko ng usapan.

"Papunta na sila rito at---" Hindi na natapos ni Andrei ang sasabihin niya ng bumukas ang pinto at iniluwa si Sef patakbo papunta sakin.

"Mommmmmy!! I'm so sorry. It's all my fault" Niyakap niya ako ng mahigpit.

"No. Wala kang kasalanan, okay? Mommy's gonna be fine" I smiled to him.

"Are you sure?" He inoccently asked.

"Yes. See? I'm oka--- ahh! Ouch!" May sugat nga pala ako sa braso.

"See? You're not fine. It's my fault." Patuloy parin ang pag iyak niya at pilit siyang panapatahan ng ama.

"Sef, your mommys fine. Wala kang kasalanan." Lumapad ang ngiti ko sa nakikita ko. How i wish ganito nalang palagi. Ang sarap pakinggan na mommy ang tawag niya sakin parang one happy family ang peg namin ngayon.

"Audrie, are you okay?" - Squall at agad rumihestro ang asar na mukha ni Andrei na syang pinagtataka ko.

"Excuse me, pare. But i need to talk to her privately".  Tumaas ang isang kilay ng mag ama. Natawa ako sa itsura nila.

"Sef, lets go outside". Agad naman sumunod si Sef.

"Anong problema?" Agad kong tanong sa kanya.

"Selena knew everything. Alam na niya ang tunay mong pagkatao".

What?!

-

Sorry for the super late update.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 02, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wansapana"PERVERT" (On HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon